TWO

820 18 1
                                    

Good morning! nasabi ko sabay ng pag inat ng dalawa kong mga kamay, mukhang napaaga ako ng gising 6am pa lang pala. Mabilis talaga ako magising lalo na kapag tumama na yung sinag ng araw sa mukha ko. At sa tuwing gigising ako bubungad agad ang mga picture frame na nakapalibot sa kwarto ko. Mukha na nga akong baliw dahil sa tuwing umaga tinitignan ko lang sila at binabalikan yung kwento ng mga litratong yon.

Itong litratong to ang isa sa pinakamemorable para sakin, pinilit niya kasi akong pumuntang party kahit hindi ko naman kilala kung para kanino yung party

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Itong litratong to ang isa sa pinakamemorable para sakin, pinilit niya kasi akong pumuntang party kahit hindi ko naman kilala kung para kanino yung party. Fyi, kung ano ano pa sinuot namin.

Flashbackkkk

"Ayoko nga je" sabi ko habang nililigpit ang kalat namin sa kwarto ko, tinulungan ko kasi siya sa project niya.

"Sige na kasi, wala na naman tayong gagawin. Ayaw mo nun mabubusog tayo tapos may sayawan pa" pagpupumilit niya sakin, hindi ko na lang siya pinapansin at tuloy tuloy ako sa paglilinis pero syempre siya si Jillian. Kinuha niya yung hawak hawak kong plastic ng basura at binaba niya sa gilid, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nagpaawa effect pa "please kao, diba mahal mo ko?" Sunod niyang sabi na parang bata kung magpaawa at hindi ko pa rin siya sinagot kaya niyakap niya ko, ewan ko kung anong meron sa party na yun at gustong gusto niya pumunta "magtatampo na talaga ako sayo, wala ka man lang imik jan, ni hindi mo sinagot huli kong tanong" bulong niya habang nakayakap pa rin siya sakin

"Je, mahal kita okay. Pero ikaw na nagsabi na  party yun so maingay tapos ang dami pang tao, ayaw mo ba dito na lang, marami naman kaming pagkain, yun na lang kainin natin" sabi ko sa kanya at bigla niyang inalis yung yakap at pumunta sa may sofa at nagligpit. "Anong ginagawa mo?" tanong ko habang pinapanood siya

"Aalis na ko, ako na lang pupunta kung ayaw mo naman. " natapos siyang magligpit at palakad na siya sa pinto syempre parang ako na naman yung kontrabida kaya pinigilan ko siya at kinuha yung bag niya

"Ikaw talaga dadaanin mo ko jan, oo na sasamahan na kita" sabi ko at agad naman siyang tumalon talon na parang bata at yumakap sakin.

"Sabi na nga ba mahal na mahal mo ko, hindi mo ko matitiis." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi

"Ang sabihin mo, magaling ka lang talagang umarte na parang ako yung kontrabida pag hindi ka napagbigyan" biro ko sa kanya agad naman niyang binaling ang katawan ko para humarap sa kanya

"Kao, tandaan mo ginagawa ko to para turuan kang makihalubilo sa iba. Gusto ko hindi lang ako yung magiging kaibigan mo diba mas maganda kung may makikilala ka rin na iba." Seryoso niyang sabi sakin at napakunot noo na lang ako "Kaya, tara magbihis na tayooo! Omg! Im so exciteddd!" Sigaw niya, di mo talaga alam kung baliw ba talaga to kanina lang seryoso siya tas biglang sisigaw

Sa Party

"Je, bakit tayo nagtatago bakit hindi tayo pumasok?" tanong ko sa kanya habang nasa may halamanan kami nagtatago

"Kasi Kao, ang totoo niyan kilala ko lang yung may party pero hindi kami close" pangiti niyang sabi habang nagkakamot sa ulo niya

"Pero siguro naman invited ka diba? Sabi mo naman kilala mo sila" tanong ko at napangiti lang siya sakin "Je, don't tell me hindi ka invited?" Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko

"Basta ako bahala, tara na" hinatak niya ko papasok sa may gate pero pinigilan ko siya

"Wait nga lang, hindi nga tayo invited tapos papasok tayo jan gusto mo makulong?"

"Wag ka ngang OA kao, ako bahala sayo" sabay pisil sa pisngi ko at napabuntong hininga na lang ako "lalim nun ah, tara na" ngumiti siya at nilahad niya ulit ang mga palad niya at dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya, ngumiti na lang ako dahil alam ko naman hindi ako ipapahamak nito.

Nakapasok kami sa loob, maraming tao, may mga umiinom, may nagkakatahan at nagsasayawan syempre marami ding pagkain. At wala pang 30mins ay marami na agad kakilala si Je, hindi ko alam pano niya nagagawa yung kumausap ng tao na hindi mo naman kilala masyado. Syempre may mga nakilala rin ako dahil sa bawat pagpapakilala niya hindi nawawala yung pangalan ko sa sasabihin niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa yun pero aaminin ko masaya ako.

End of Flashback

"Kaori, baby" boses na nanggagaling sa pinto ng kwarto ko

"Pasok po" bumukas ang pinto at bumungad ang magandang mukha ng mommy ko, nilapag ko ang picture frame sa gilid at binigyan ng mahigpit na yakap si mommy.

"Good morning baby" sabi niya sabay halik sa noo ko "mag-ayos kana, bumaba at kumain para maihatid na kita sa school mo" dugtong niya habang hinihimas ang buhok ko

"Yes, mom." Muli niya kong hinalikan sa noo at lumabas sa kwarto ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko at pumunta na sa cr.

~~~

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now