FOURTEEN

435 29 1
                                    

Kao's Pov

Isang linggo na rin yung huling paramdam sakin ni Je, tinatawagan at tinetext ko siya pero hindi niya ko sinasagot, sabi naman ni Kare na busy lang siya kasi sunod sunod daw yung gig nila pwede niya naman sabihin sakin pero hindi niya magawa. Dapat susunduin niya ko sa school nun pero bigla niyang sinabi na may emergency siya after nung text na yon wala na ko natanggap galing sa kanya, nihindi rin siya pumunta nung graduation ko kahit alam naman niya. Hindi ko tuloy alam ano ang problema niya kung galit ba siya sakin, kung anong ginawa ko. Gusto kong maasar at magtampo sa kanya pero hindi ko magawa dahil baka may dahilan siya sa mga ito.

Nandito ako sa isang bar kung saan tumugtog ang banda nila at saktong last song na niya nung pumasok ako. Hindi ako nagpakita sa kanya at nanatili sa madilim na sulok at pinapanood lang siya. Sabi kasi ni Achi na wag ako magpakita muna at dahil sa sinabi na yon, napagtanto ko na may tampo siya sakin at ayaw niya kong makita. Si Achi yung nagsabi sakin kung san lugar ang gig nila dahil ayaw din sabihin ni kare sakin, buti na lang at napilit ko si achi. Nang matapos sila at nagliligpit na, dun ako lumapit at tinawag siya.

"Je" napaharap naman siya sakin kasabay nang tatlo

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman na nandito kami?" Sunod sunod niyang tanong sakin habang mabilis na nag aayos

"Pwede ba tayong mag usap?" nakatingin lang yung tatlo samin pero hindi ako pinapansin ni Je

"Jil, siguro alis muna kami" mahinang sabi nito pero mabilis na sinukbit ni je ang bag niya

"Hintayin ko na lang kayo sa sasakyan, kao sa susunod na araw na siguro tayo mag usap medyo pagod na rin kasi ako." sabi niya at mabilis siyang naglakad papalabas pero sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa parking lot

"Je, ano bang problema? Iniiwasan mo ba ko?" habol kong tanong sa kanya pero mabilis pa rin siya maglakad kaya tumakbo ako at hinarangan siya

"Kao, pagod nga ako." tumingin siya sa mga mata ko pero iniwas niya rin ito at umalis sa harap ko pero pinigilan ko siya at hinawakan ko ang braso niya at hinarap sakin.

"Je! Ano ba!" Sigaw ko "kung may problema ka sabihin mo sakin, kasi nalilito ako kung bakit ka ganyan. Ayos naman tayo nung nakaraang linggo ha."

"Kao bigyan mo lang ako ng oras para tanggalin sa isip ko yung maling nararamdaman ko."

"Anong nararamdaman? Oras? Ano bang pinagsasabi mo?" tinitignan ko lang siya pero nakatahimik lang siya at hindi man lang makatingin sa mga mata ko "Je" hinawakan ko ang kamay niya "je? Ano ba!" tinanggal niya ang kamay niya na hawak ko

"Gusto kita Kao" sigaw niya at nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Siguro naman titigilan mo na ko, kaya please pabayaan mo muna ko."

"Ba--bakit mo pipigilan kung yan naman pala nararamdaman mo?" mahina kong tanong sa kanya

"Dahil ayoko makasira ng relasyon, ayokong masira kayo ni Seth." Napakunot noo ako at nagtaka sa sinabi niya

"Relasyon namin ni Seth?"

"OO! nandun ako. Nandun ako nung sinagot mo si seth sa harap ng maraming tao." nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya

"Je, ma--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita

"Nung dapat susunduin kita aaminin ko na sana sayo, aaminin ko na sana kahit wala naman kasiguraduhan sa isasagot mo pero hindi pa ko nakakapasok sa gate nyo nakita ko na agad kayo, nakita ko na hawak hawak ni seth ang mga kamay mo at tinatanong ka na, kahit gaano kagulo ang mga tao na nandun ang tanging narinig ko lang yung sagot mong Yes."

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now