FIVE

533 19 2
                                    

Je's POV

Two months na rin simula nung magkaayos kami ni Kao, sobrang saya lang dahil bumalik na ulit kami sa dati pero syempre iba na ngayon kasi hindi na lang kaming dalawa meron siyang kaibigan meron din akong kaibigan, and happy naman ako kasi nakita ko yung pinag-iba ni kao, na natuto siya makihalubilo sa iba. Aaminin ko na medyo selosa ako kaya minsan nakakaramdam ako lalo na kapag nakikita ko silang nag-aasaran at nagkukulitan sa harap ko pero iniisip ko na lang na yon yung gusto ko para sa kanya na may makilala siyang mang aasar at papasayahin siya.

"Okay ka lang je?" Tanong ni Kao habang nililigpit ang mga kalat sa lamesa, nandito ako ngayon kila Kao kasama namin yung mga friends niya pero umalis na rin.

"Oo naman, alis na rin ako baka may gagawin ka pa" patayo na ko pero pinigilan niya ko at pinaupo ulit at ako nakatingin lang sa kanya

"Iniwan na nga nila ako pati ba naman ikaw, diba wala ka naman gagawin ngayon kaya dito ka muna" sabi niya habang patuloy siyang naglilinis ng lamesa

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko sa kanya, bago niya sagutin ay tinapon niya muna ang mga kalat at bumalik na siya sa sala at umupo sa tabi ko

"Oo ikaw" nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang din siya sakin "magkwento kana" sabi niya

"Ano naman ikekwento ko?" sumandal ako sa sofa para makaiwas sa tingin niya

"About sayo" nakatingin lang siya sakin na naghihintay ng isasagot ko, pero hindi ko alam san sisimulan yung gusto niyang ikwento ko "alam mo magkabaligtad na tayo, ayaw mo na dumaldal tas ako tong dumadaldal"

"Eh kasi nasabi ko na naman sayo lahat, ano pa sasabihin ko.......... at dapat ikaw ang magkwento ang dami kong nalaman kanina, akala mo ha" sabi ko habang pinipisil ko ang ilong niya na agad din niyang tinanggal

"Anong nalaman?" tanong niya habang hinihimas yung ilong niya hahaha

"Na pinopormahan ka pala nung Seth na yon" ngumiti lang siya sakin pero hindi niya sinagot "tignan mo hindi ka nakasagot, siguro yung gusto mo yung kaibigan niya yung al....al..jon" nanlaki naman yung mata niya nung binanggit ko

"Hoy grabeh ka, porket ayaw ko lang sagutin yun na agad. Hindi pa kasi ako ready at tsaka matagal ko ng sinasabi sa kanya pero ayaw niya tumigil " paliwanag niya sakin

"Hoy babae, wag mong paasahin kung ayaw mo, makakasakit ka pa niyan eh" sabi ko sa kanya at napasandal siya sakin

"Bat ba ako yung topic, diba ikaw yung tinatanong ko?" tumingin siya sakin kaya agad akong tumayo para hindi na siya magtanong, kinuha ko yung kanang kamay niya at hinihila para tumayo rin siya "anong ginagawa mo?" tanong niya sakin na hanggang ngayon ayaw pa rin tumayo

"Wala ka naman gagawin dito diba?" tumango agad siya sakin "sumama kana lang sakin, may practice kami sure akong hindi ka mabobored dun" sabi ko sa kanya at agad naman siya ngumiti, mabilis siyang tumayo at kinuha yung bag niya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Huy" bulong ko sa tatlo kong kasama na sina kare,achi and gabby na kanina pa na may tinitignan. Pinatong ko sa lamesa yung hinanda kong sandwich at tinignan kung ano yung tinitignan nung tatlong to na kahit yung pagsasalita ko ay hindi pinapansin. Kaya naman pinagpipitik ko yung tenga nila para naman makuha ang atensyon nila at para na rin makapagsimula na kami.

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now