TWELVE

458 24 2
                                    

Hayyy salamat makakapagpahinga na bulong ni kaori kasabay nito ang pagbagsak ng katawan niya sa malambot niyang kama, pinikit niya ang mga mata niya at ninamnam ang katahimikan sa loob ng kwarto niya. Ilang saglit lang ay naisip niyang patayin na ang lamp shade na nasa gilid ng kama niya, paglapit niya ay bigla na lamang tumunog ang phone nya hudyat na may tumatawag, napakunot naman ang noo niya dahil gabi na ay may tumatawag pa. Je??? mahina niyang sabi kasabay nito ay ang pagsagot niya sa tawag nito.

"Kaooooo" bungad nito na nilayo naman ang phone sa tenga dahil sa lakas ng boses nito.

"Huy je, gabi na ang ingay mo pa rin" pagsusungit naman ni kaori

"Sorry naman, excited lang" ngising sagot nito sa kaibigan na pinagtakahan naman ni kaori kung san ito excited

"Excited? Bakit?" takang tanong nito na kinatahimik naman sa kabilang linya "Je?"

"Ahh diba bukas---ano.."

"May lakad ba tayo bukas? Sorry wala kasi akong naalalang may usapan tayo bukas."

"Wala ka bang naaalala?"

"Ahmmm, wala. Pero seryoso ba na may usapan tayo bukas? Kasi may sched ako tomorrow." lalo namang lumungkot si jelay nang marinig ang sinabi ng kaibigan

"Sige next time na lang, mas mahalaga siguro yung gagawin mo bukas kaysa yung satin."

"Sure ka ba? Gusto mo puntahan na lang kita nang maaga, 10am pa naman ung lakad ko bukas."

"Hindi na, asikasuhin mo na lang yung gagawin mo, marami pa namang araw." mahinang sagot nito

"Sorry talaga je, kung alam ko lang na may usapan pala tayo sana ki-nancel ko yung gagawin namin."

"Ano kaba okay lang, wag mong problemahin yun. Sige tulog kana goodnight."

"Goodnight, loveyou je"

"Loveyouu" pagkasabi nito ay pinatay din niya agad ito

Ano ba meron bukas? Nasira ko pa ata yung balak ni je.

______

Good morning universe sabi ni jelay kasabay nito ay ang pagbangon nito sa kama at kinuha ang phone para makita ang pagbati ng mga kakilala niya pero agad naman napalitan ng lungkot ang kaninang nakangiti niyang labi. Masyadong busy ang mga tao ngayon, syempre ako na naman mag isa kayaaa happy birthday to me.

Inayos nya ang higaan niya at dumiretso sa cr pagkatapos ay pumunta siya sa kusina para magluto na ng breakfast niya. Nang kumakain na siya biglang may kumatok sa pinto niya kaya napatayo siya at pinagbuksan ito.

"HAPPY BIRTHDAY JILLIAANNN!!" Bungad na pagbati sa kanya na nagbigay naman ng ngiti sa kanya. Sina Gabby, Achi at Kare, si achi na may hawak na bulaklak at maraming lobo, si gabby naman na may hawak na mga pagkain at si kare naman na ang hawak ay cake. Nauna namang yumakap si kare kay jelay at sumunod na ang dalawa.

"Akala ko nakalimutan nyo na" tampo na sabi nito, humarap naman sa kanya ang tatlo.

"Bakit naman namin makakalimutan, kung bday pa ni achi baka mas kalimutan pa namin pero yung pinakamagaling kumanta, yan ang hindi namin makakalimutan." ngising sabi ni gabby at nakipag apir kay kare at jelay

"Ang sama nyo talaga sakin" sabi ni achi na umupo na sa sofa at sinundan naman ng tatlo.

"Kumakain ka mag isa?" tanong ni kare na kumukuha ng tubig kaya napansin ang pagkain na nasa lamesa

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now