SIX

468 24 3
                                    

"Gising naaa!" Sigaw ni Kaori habang niyuyugyog ang kama ni jelay kung saan nakahiga ito ngunit dumilat lang ito saglit at natulog ulit. "Ahh, ayaw mong gumising jan" bigla niyang kiniliti ito kaya nagwawala ito sa higaan niya

"Kao naman, inaantok pa ko." tumayo si jelay upang matigil ang pagkiliti sa kanya ni Kaori

"Ewan ko sayo, matulog kana nga lang jan. Itutuloy ko na lang yung DAPAT NA GAGAWIN natin kila missy atleast dun hindi ako kinakalimutan" patayo na siya pero hinatak siya ni jelay pabalik para paupuin ulit, nakaramdam si kaori na yakap mula sa likod niya pero hindi niya ito pinapansin

"Sorry na, napagod lang talaga ako kagabi. Hating gabi na rin kasi natapos yung gig namin." Bulong niyang sabi kay kaori habang nakayakap pa rin "tsaka hindi ko naman nakalimutan yun at hindi kita kakalimutan, kaya dito kana lang please" paglalambing ni jelay at napahuntong hininga na lang si kaori at agad na humarap sa kanya

"Matulog kana ulit, mamaya na lang tayo umalis tutal maaga pa naman. Bumawi ka muna ng tulog gigisingin na lang ulit kita mamaya." Umiiling si jelay at yumakap ulit kay kaori "akala ko ba inaantok ka pa, tapos ayaw mo ulit matulog"

"Wag na, baka mamaya iwan mo ko tas pumunta ka sa iba. Edi gigising na lang ako atleast kasama kita" nakapikit niyang sabi habang nakayakap pa ring mahigpit sa kaibigan

"Hindi ako aalis promise, matulog kana" sabi naman ni kaori pero hindi pa rin bumibitaw ang kaibigan sa kanya

"Okay" bigla siyang humiga at hinatak ang kaibigan

"Anong ginagawa mo huy?" Tanong ni kaori na hindi makaalis dahil nakayakap ang kaibigan nito

"Gusto mo ulit ako matulog diba? So dito ka lang hintayin mo ko gumising, para sure ako na hindi mo ko iiwan" ngiting sabi ni jelay at walang nagawa si kaori kundi humiga kasama ang kaibigan

Pagkalipas ng ilang oras ay nakatulog na sila pareho at sa pagkakataong yun ay si Jelay na ang naunang nagising sa kanila, magtatanghali na rin nang magising si Jelay.

"Tignan mo nga naman, siya raw ang gigising sakin. Heto siya at mas tulog na tulog pa kaysa sakin" sabi ni jelay na nakatitig lang sa kaibigan habang natutulog, hinimas niya ang buhok ng kaibigan habang patuloy itong tinitignan "Buti na lang nagkita ulit tayo, mas lalo sumaya yung buhay ko" nasabi na lamang nito sa isip niya

"Baka matunaw ako niyan" biglang sabi ni Kaori habang nakapikit pa rin ito kaya agad na inalis ni jelay yung kamay niya sa ulo nito at mabilis na umupo

"Anong matunaw ka jan, tinitignan ko lang yung mukha mo" mabilis na sabi nito sa kaibigan, na nakatingin na sa kanya.

"Bakit mo ko tinitignan?......nagagandahan ka siguro sakin" biro ni kaori na inakbayan agad si jelay at inaasar, tinanggal naman ito ni jelay at humarap sa kanya.

"Tinitignan ko kasi parang pumapanget ka, hindi kana kasing ganda ko" sagot ni jelay habang pinipisil pisil ang pisngi ng kaibigan na agad kinaasar nito

"Ayaw mo pang umamin, alam ko namang maganda ako kaya okay lang yan" sabi ni kaori na may pagtapik pa sa balikat ng kaibigan

"Ba..bahala kana nga jan." Utal na sabi nito at bumangon na sa kama at sinuot ang tsinelas niya, dumiretso siya sa cr para maghilamos at magtoothbrush muna at pagkatapos ay dumiretso papuntang pinto

"San ka pupunta? Iiwan mo ko dito?" Sunod sunod na tanong ni Kaori

"Pupunta ako sa kitchen at magluluto. Nakakahiya kasi sayo baka gutom kana kaya kung ano ano pinagsasabi mo jan" sabi ni jelay na agad hinagis sa kaibigan ang unan na nahulog sa sahig at biglang binuksan na ang pinto

"Ang sama mo!" Sigaw ni kaori bago ito isara ang pinto

"Mahal mo naman!" Sigaw din ni jelay bago tuluyang isara ang pinto

Pagkatapos mag ayos ay lumabas na si Kaori at naamoy agad nito ang niluluto ni Jelay

"Ang bango naman niyan" lumapit siya at tumabi kay jelay at tinignan ang niluluto nito

"Gusto mong tikman?" tanong nito sa kaibigan at tumango naman ito kaya agad na kumuha sa kutsara, humarap ito sa kaibigan para subuan ito.

"Hipan mo naman, tignan mo kumukulo kanina tapos isusubo mo agad gusto mo ata mapaso dila ko" hinipan naman ito ni jelay at nakangiti lang si kaori habang tinitignan ito

"Okay na po mahal na prinsesa" sinubo ito sa kaibigan at thumbs up naman ang sinagot ni kaori
"Ano tama na ba?"

"Oo sobrang sarap" kumuha na ng dalawang plato si kaori at hinanda sa lamesa

"Ako na jan, umupo kana lang" sabi naman ni jelay na nilalagay na ang nilutong ulam sa lalagyan

"Ako na, puro na lang ikaw. Nagluto kana nga, hindi ako bisita dito baka nakakalimutan mo" sagot naman ng kaibigan habang patuloy pa ring nag aayos "teka, ilang beses na rin ako pumupunta dito bakit parang hindi ko pa rin nakikita parents mo?" tanong niya kay jelay na inilalagay na ang ulam sa may lamesa

"Matagal na kong mag isa dito, nasa ibang bansa kasi sila. Dun na naging permanent yung work ni papa." Sabi niya habang abala pa rin sa pag aayos sa kusina

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?"

"Sinabi ko sa kanila na ayoko, alam mo ba na first time kong kinontra si papa sa desisyon niya akala ko magagalit siya sakin pero pinabayaan niya ko. Sinabi ko kasi na pagbigyan naman ako, sinunod ko lahat ng gusto nila sakin noon kaya hiniling ko na sana ako naman" naging seryoso si jelay habang nakatingin lang sa kanya si kaori ".....tsaka hindi pa kita nahahanap nun, pinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ako aalis hanggat hindi kita nakikita" seryoso siyang napatingin sa kaibigan kaya nagtama ang mga mata nila

"So aalis kana kasi nahanap at nakita mo na ko?" Dahan dahang lumapit si jelay sa kaibigan

"Mas lalong ayaw kong umalis kasi nandito kana ulit" nag ngitian lang sila pareho sa isat isa at biglang pinisil ni jelay ang ilong ng kaibigan "kumain na nga tayo" umupo na sila pareho at nagsimulang kumain

~~~

VOTE & COMMENT NA! 🥰

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now