SEVENTEEN

403 20 2
                                    

"Hi tita" bati ni jelay sa mama ni kaori na pinagbuksan siya ng pinto.

"Hello jelay, naku tulog pa si kaori may usapan ba kayo ngayon?" tanong naman nito na pinaupo siya sa may sala

"Wala naman po, napadaan lang po kasi may pinagdalhan lang po ng pagkain malapit dito kaya pumunta na rin po ako." paliwanag nito at tumango tango lang ang mama ni kaori

"Actually gusto ko lang po talaga makita yung anak nyo" sabi nito sa isip.

"Tita nagdala na rin nga po pala ako para po sanyo." Dugtong nito sabay abot ng paper bag sa mama ni kaori

"Salamat nag abala ka pa"

"Tita aalis po kayo?" tanong ni jelay dahil napansin ang suot na pang-alis.

"Oo, may work ako ngayon. Kaya gigisingin ko na si Kaori para may makausap ka dito." sabi nito na agad tumalikod para pumunta sa kwarto

"Tita wag na po, hintayin ko na lang po siya magising." pigil nito

"Sure ka? Baka pag hindi ginising yun hanggang mamaya ka maghintay." tanong nito

"Okay lang po wala naman po ako gagawin ngayong araw, kung ayos lang po pwede po ba ko makinood habang hinihintay si Kao?" Nakangiting tanong nito

"Oo naman parang bahay mo na rin to, hindi mo na kailangan magpaalam. Sige na iha kailangan ko na rin umalis." sabi nito na bumeso pa kay Jelay

"Sige po tita ingat po kayo"

Hinatid naman niya ito sa labas hanggang sa makaalis at nang makaalis sinara na niya ang gate at pinto.

Binuksan niya ang tv habang nanonood ay hindi niya maiwasan tumingin tingin sa pintuan ng kwarto ni kaori na malapit lang din.

After 30mins.

"Ang tagal naman gumising nun, nagpuyat kaya yun" bulong nito

"Puntahan ko na ba?"
"Sa bagay lagi naman ako nandito, lagi rin naman kami tumatambay sa kwarto niya."
"Bahala na nga"

Pinatay niya ang tv at dahan dahang pumasok sa kwarto ni Kaori, pagkabukas niya ay agad namang bumungad sa kanya ang mukha nito na mahimbing pa ring natutulog habang yakap yakap ang malaking unan. Lumapit siya at lumuhod upang bigyan ito ng halik sa noo pagkatapos ay muli siyang tumayo at kinuha niya ang upuang nasa gilid at inilapit niya sa kama, umupo siya at tinititigan lamang ito.

"Ang ganda talaga nito kahit tulog, hustisya naman."

Kinuha niya ang phone niya at kinuhanan si Kaori habang natutulog.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now