THIRTEEN

476 20 3
                                    


"Kao wag ka naman magpabigat nahihirapan ako" bulong nito habang inaakay si kaori papasok sa kwarto. Tulog na tulog ito dahil sa kalasingan na halos hinahila na lang ni jelay

"Ikaw may kasalanan nito jelay kung hindi mo pinainom edi sana hindi ka naghihirap."
"Malay ko bang malalasing ng ganyan yan, tapos ang tindi pa uminom, myghad" halos magtalo na ang isip niya dahil sa nangyayari hanggang sa nakarating na sila sa kama at inihiga ang kaibigan.

Inaayos niya ito na halos buhatin na niya hanggang sa gumalaw si kaori kaya lalo siyang nahirapan ayusin ito. Iniangat niya konti ang ulo nito gamit ang kanang kamay niya para maglagay ng unan, halos kadikit na ng mukha niya ito pero hindi niya ito napapansin dahil nakatutok siya sa ginagawa niya at ang kaliwang kamay naman niya ay tinungkod niya sa kabilang side ni kaori para makakuha ng lakas, halos patapos na siya pero muling gumalaw ang kaibigan at natabig ang kaliwang kamay na nagsisilbing tungkod kaya bumagsak ito at....at............

Je's Pov

"Jelay wala lang yon, aksidente yon kaya wag mo ng isipin............pero pano ko hindi iisipin yon. Pano ko hindi iisipin na dumampi yung mga labi ko sa labi niya." mukha na kong baliw kakalakad dito sa sala habang kinakagat ang kuko ko diba parang baliw lang, natatakot ako, hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok sa kwarto, baka gising na siya baka alam niya yung nangyari, anong gagawin ko!!!

Flashback

Dahan dahan kong hinatak ang katawan ni kao pataas para magkaroon siya ng unan, at nang konti na lang iniangat ko na ang ulo niya, tinungkod ko muna yung kabilang kamay ko sa kabilang side ni kao pero gumalaw sya at natamaan ng kamay niya ang kamay ko kaya mabilis akong bumagsak at sa daming babagsakan sa mukha niya talaga at hindi lang sa mukha, nagdikit ang mga labi namin, nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mga mata niya na nakapikit hindi ko alam kung bakit nagtagal pa nang limang segundo ang halik na yun na pwede ko namang alisin agad hindi ko alam ang gagawin at nararamdaman ko lang yung kabog ng dibdib ko na hindi ko alam kung kaba ba or or......... mabilis akong tumayo dahil muli siyang gumalaw, nanginginig yung buong katawan ko hindi ko alam gagawin kaya dumiretso ako sa pinto at lumabas.

End of Flashback

"Inhale exhale........, hindi niya alam yon dahil lasing siya at kalimutan mo na yon dahil wala lang yon" paulit ulit kong sinabi sa isip ko

Dahan dahan kong binuksan ang kwarto, pagkapasok ko ay tulog na tulog pa rin siya, dahan dahan akong lumapit sa kama at nagdadalawang isip kung tatabi ba ko or sa sala na lang matulog pero baka magising siya at magtaka kung bakit hindi kami magkatabi, dumiretso ako sa pwesto ko, hindi ko alam pero kinabahan na naman ako siguro dahil na rin sa nakarap siya sa pwesto ko at nakita ko na naman ang mukha niya at hindi ko maiwasan mapatingin sa labi niya na nagbalik na naman ng alaala nang nangyari kanina kaya mas minabuti ko na lang na humiga nang hindi nakaharap sa kanya.

Ilang oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makatulog, tapos na rin ang bday ko dahil halos ala-una na rin. Maya-maya ay nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa likod ko halos naramdaman ko ang paghinga niya na tumatama sa batok ko kaya bumalik na naman ang kaba ko pero hindi ko pa rin siya matiis kaya bumaling ako paharap sa kanya, iniangat ko ang ulo niya at pinatong ko sa braso ko, hinigpitan niya muli ang yakap sakin at siniksik ang ulo sa may leeg ko, niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan ang ulo niya pagkatapos ay dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko para makatulog.

_______
Nagising si kaori na nakahawak sa noo niya at pilit na idinidilat ang mata.

"ano bang pinaggagawa ko at ganito kasakit yung ulo ko" bulong nito sa sarili niya habang tinitignan ang paligid para hanapin ang kaibigan

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now