TWENTY-TWO

397 17 7
                                    

Kao's Pov

Sobrang sakit ng ulo ko! Pero pano ko nakarating dito sa bahay. Ano bang nangyari? napahinto naman siya at natulala nang maalala ang mga nangyari kagabi. Totoo ba yon Or panaginip, sana panaginip na lang kasi kung totoo hindi ko alam ang gagawin ko dahil galit lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Anak" kasabay nun ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko, si mommy na may dalang pagkain.

"Wow! Breakfast in bed. Thanks mom kaya the best kayo e." sabi ko habang tinulungan siyang iaayos ang pagkain

"Lasing na lasing ka kasi kagabi buti na lang hinatid ka nila Karina...." pasubo na sana ako pero napahinto ako ng marinig ko ang pangalan niya "at Jelay"

"Si Je?" tanong ko at tumango naman si Mom
So totoo nga na nandito na siya sabi ko sa sarili ko

"Hindi mo man lang sinabi sakin na nakabalik na siya san daw siya nanggaling?" tanong ni mom kasabay nun ay ang paghigop ko ng sabaw na dala niya

"Hindi ko po alam tsaka wala na rin po akong balak alamin." pagkasabi ko ay ngumiti lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin lang sakin at ilang saglit ay tumabi siya sakin at hinimas ang buhok ko.

"Galit ka pa rin ba sa kanya?" tinignan ko lang si mom at bumalik sa pagkain. Alam ko na gusto ni mom na maging magkaibigan ulit kami dahil favorite niya si je sa lahat ng friends ko. Sinasabi ko lahat ng nararamdaman ko kay mom halos lahat pero may isang bagay akong hindi masabi sa kanya hanggang ngayon at yun ang naging relasyon namin ni Je NOON. "Bakit hindi mo siya pakinggan?" Mahinang tanong ni mom na kinahinto ko sa pagkain

"Mom pakinggan na naman, pinakinggan ko na siya noon pero hindi na ngayon. Kaya nga siguro inulit niya kasi alam niyang hindi naman ako nagalit sa kanya noon."

"Pero anak kaibigan mo siya" - mahinahong sabi niya

"Yun na nga po kaibigan ko siya, hindi lang kaibigan siya yung bestfriend ko pero basta basta na lang siyang nang iiwan." hinagod naman ni mom ang likod ko para maging mahinahon ako

"Kumain kana lang, malaki kana alam mo na yung dapat mong gawin, ikaw rin naman magdedesisyon sa mga bagay bagay." sumang ayon lang ako sa kanya at iniwan na niya ko.

-------------

Tok tok tok katok ko sa bahay nila Kare pero parang walang tao, kahit ata yung kasambahay nila wala. Naisip ko na baka nasa restobar siya kaya tumalikod ako para umalis nang biglang may bumukas ng pinto. Ka--- napahinto ako dahil hindi si kare ang nasa pinto at hindi rin ang kasambahay nila.

"Kao.." sabi nito pero binigyan ko lang siya ng seryosong tingin

"Si Kare?" mabilis kong tanong sa kanya

"Wala s--" nang marinig ko ay tumalikod na ko dahil wala naman pala ang hinahanap ko, masyado na kong nagiging masama pero pag inuna ko na naman ang puso masasaktan na naman ako kaya kailangan kong gawin to.

sa paglalakad ko palabas ay nakaramdam ako ng pagkahawak sa braso ko pero tinanggal ko rin ito

"Kao" habol niya sakin na paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko "kao" humarang siya sa daanan ko

"Ano ba?" Taray kong sagot sa kanya

"Kao mag usap naman tayo please." pagmamakaawa niya sakin at tinignan ko lang siya "please kao"

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now