EIGHT

593 26 9
                                    

"Hello Kao" panimulang sabi ni Jelay na tumawag sa kaibigan na si Kaori

"Miss mo na naman ako?" sagot naman ni Kaori na kinangiti ni Jelay

"Mangangamusta lang, lakas kasi ng ulan"

"Oo nga, tapos sinasabayan pa ng kulog at kidlat" sabi ni Kaori na pansin ang takot sa tono ng pagsasalita niya, alam kasi ni jelay na takot ang kaibigan sa kulog at kidlat kaya niya ito tinawagan.

"Are you okay? Natatakot kaba?" pag aalalang tanong ni Jelay

"Ayos lang naman medyo sanay na naman ako, nakikinig lang ako ng music para hindi ko marinig."

"Kapag natatakot ka, tumabi kana lang kay tita para mas okay sa pakiramdam"

"Gusto ko man pero wala si mom dito, may seminar siya actually bago ka tumawag katatapos niya lang akong kausapin at kinakamusta niya ko" nang malaman ito ni jelay lalo siyang nag alala para sa kaibigan dahil mag isa lang ito sa bahay nila

"So wala kang ka..kasama? Bakit hindi ka nagsabi? Hindi mo man lang tinawag sakin edi sana pinuntahan kita o kaya dito ka muna sa condo ko" sunod sunod na tanong nito kay kaori na ramdam ang pagka-panic nito

"Je chill ka lang, im okay. Hindi ko naman siguro ikakamatay ang pagiging mag isa sanay ako dun diba" pagbibiro ni kaori pero hindi pa rin matanggal ang pag alala ng kaibigan

"Puntahan kita" mabilis na sabi nito na agad kinuha ang susi sa lamesa

"No need, okay lang ako." Pagpigil ni kaori sa kaibigan

"Hindi, pupuntahan kita okay lang sa...." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla ng nagsalita si Kaori

"Je, okay lang ako wag kang mag alala tsaka mas mabuti na nanjan ka lang sainyo titigil din ang ulan maya maya" mahinahong sabi niya kay Jelay

"Pero..."

"Wag mo na kong alalahanin, kaya ko to syempre mana sayo, diba matapang tayo" napangiti si Jelay sa sinabi ni Kaori at dahil dun nawala ng kaunti ang pag aalala niya, umupo ulit siya sa sofa at napabuntong hininga na lang "Sige na magpahinga kana, basta chill lang."

"Basta tawagan mo ko pag kailangan mo ko...... please" mahinang sabi ni jelay na kinangiti naman ni Kaori dahil naramdaman niya kung gaano siya kamahal nito

"Yes, I will." Sagot nito.
Binaba na niya ang cellphone niya at si Jelay ay humiga na lang sa sofa at napatingin sa kisame ng condo niya at nagmumuni-muni.
.
.
.
.
.
Kao's Pov

Kanina ko pa pinipigil ang takot ko pero hindi talaga mawala, halos lakasan ko na yung tugtog na pinapakinggan ko para lang hindi marinig at kung ano ano na rin pinanood na nakakaaliw para malibang pero takot pa rin talaga yung nararamdaman ko kung alam ko lang na ganito kalakas ang ulan at may kasama pang kulog at kidlat edi sana sumama na lang ako kay mom. Ayoko rin naman papuntahin si Je dahil delikado, kilala ko si je na isang tawag ko lang dun magmamadaling pumunta dito yun pero sa pagkakataon na to hindi pwede dahil ayoko siyang mapahamak di bale na matakot ako, isang gabi lang naman to kaya alam kong kakayanin ko to. Halos isang oras na rin magmula nung nagkausap kami ni je pero di pa rin ako makatulog hindi naman ako ganito kasi sanay akong naiiwan sa bahay lalo na kapag may pinupuntahan si Mom, ngayon lang kasi nangyari yung naiwan ako na ganito kalakasan yung kulog at kidlat kaya siguro hindi rin ako mapakali. Lumabas ako ng kwarto ko para magtimpla ng gatas, actually si mom ang gumagawa nun pero dahil wala siya ako na ang gagawa. Nang matapos ako magtimpla babalik na sana ako sa kwarto pero may narinig akong tunog na nanggagaling sa pinto pero hindi ko ito pinansin dahil baka guni guni ko lang at dumiretso papuntang kwarto pero sumunod sunod ang mga katok, nakaramdam ako ng takot hindi ko alam ano ang gagawin ko lalo pang lumakas ang tunog, binaba ko ang gatas sa lamesa at dahan dahan akong lumapit kahit natatakot na ako, nilapit ko ang tenga ko sa may pinto para mas marinig ko kung totoo ba yung naririnig ko dahil mas malakas pa rin ang buhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat. Mas lalong lumakas ang tunog na nanggagaling sa pinto, hinawakan ko ang door knob at iniisip kung dapat ko bang buksan.

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now