TWENTY

378 21 3
                                    

"Ano ba pwedeng iregalo kay Aljon?" tanong ni karina kina gabby at achi na busy naglalaro sa cp nila

"Wala" sagot naman ni Gabby

"Anong wala? Nakakainis naman kayong kausap." sabi naman nito na may halong pagtatampo

tumayo naman si achi na galing sa pagkahiga at binaba ang cp sa tabi niya

"Ang ibig sabihin ni gabbeey, kahit wala ka ng regalo sa boyfriend mo nakuha na niya kasi yung pinakamaganda regalo at ikaw yon." Tinuro niya si karina at kinindatan

"May tama ka ring nasabi achi" sabi naman ni gabby na busy pa rin sa ginagawa

"Syempre birthday niya yun tsaka mas maganda kung may regalo ako diba" sabi ni karina na napasandal sa kinauupuan niya

"Ano ba gusto ng boyfriend mo?" tanong ni gabby

"Kayo nga tinatanong ko kasi kayo yung lalaki." - karina

"Diba ikaw girlfriend dapat alam mo." - gabby

"Ang hirap nyo namang kausap, kung nandito lang si Jil kanina pa siguro tapos yung problema ko." - sabi nito na napakamot pa sa ulo

"Kaso wala siya, pero nakakamiss din si Jillian." sabat naman ni Achi na nakatuon na naman sa cp niya

"Babalik yun may tiwala ako dun." - karina

"Sana nga para naman mas sumaya na si Kaori." - achi

Napatingin lang si karina sa kaibigan, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam nang dalawa na nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

"Masaya naman siya ngayon diba." - gabby

"Pero hindi kasing saya nung nandito si jillian." - achi

"Atleast napapasaya siya ni Seth" - gabby

"Sayang talaga" - achi

"Anong sayang?" tanong naman ni karina

"Sayang kasi hindi niya napormahan si Kaori, matagal na kasi niyang crush si kaori hindi makaporma dahil takot kay Jillian." Ngising sabi naman ni Gabby kaya sinipa siya ni achi

"Kahit naman anjan si Jil hindi ka makakaporma, may seth kayang nakaabang." sabi naman ni karina

"Malay mo naman ako pala type ni Kaori, bawal bang magtry." sagot ni achi

"Noon pwede pa siguro, pero ngayon waley na talaga, sila na ni seth kaya maghanap ka na lang ng iba." sabi ni gabby na lumapit sa kaibigan at tinapik tapik ang balikat nito para asarin at siniko naman siya ni achi

"Ang bad mo talaga kay achi, okay lang yan achi, makakarma ding yan si gabby." lumapit din si karina kay achi at tinapik ang kabilang balikat at nagtawanan lang sila

"Pwede bang sumali?" napatingin naman sila kung san nanggagaling ang boses pero hindi nila ito makita.

"Mukhang may multo na agad dito sa restobar natin" pananakot na sabi ni achi

"5 months pa lang tapos may multo na agad." Biro naman ni gabby

Lumipat naman sa gitna nila si karina dahil matatakutin ito

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now