FIFTEEN

436 22 5
                                    

Tinago nila pareho ang relasyon nila tanging silang dalawa lang ang nakakaalam nito dahil hindi pa sila handa harapin ang mga tao na alam nila na puro katanungan. Magbestfriend sila sa harap ng maraming tao pero pag silang dalawa lang ay iba na.

Kung sweet sila nung magbestfriend sila, ngayon ay naging x2 ang pagiging sweet nila sa isa't isa.

Tok tok tok! Tunog na nanggagaling sa may pinto at mabilis na nagtungo si jelay dahil excited siya sa taong padating. Pagbukas niya ay hindi pa ito nakakapasok ay sinunggaban niya na ito ng yakap at halik sa pisngi.

"Namiss kita" sabi nito habang pinipisil ang mga pisngi nito.

napansin naman nito na malungkot ang mukha ni kaori

"Kao are you okay?" kasabay nito ay ang pagkuha sa dala dala nitong mga gamit at hinawakan ang kamay at pinasok sa loob.

"Yeah, medyo nahilo lang ako sa byahe tsaka mabigat din kasi yang dala ko." sabi nito na napasandal sa sofa, kita naman kay jelay ang pag aalala habang hinihimas ang pisngi niyo

"Dapat kasi nagpasundo kana lang sakin" mahinahong sagot nito

"Araw-araw kana nga nasa bahay namin, ayoko naman pabalik balik ka dun baka ikaw naman mahilo niyan." Sabi naman ni kaori

"Hay, dito kana lang muna magpahinga. Itutuloy ko lang yung niluluto ko." pagkasabi ni jelay ay binigyan naman niya ng halik si kaori sa noo at umalis papuntang kusina

Habang tutok sa niluluto nito ay may naramdaman siyang pagyakap mula sa likod niya na agad naman niyang kinangiti.

"Kao" sabi nito habang tutok pa rin sa pagluluto

"Hmm?" Rinig sa boses nito ang pagod at pagkamatamlay

"Dun kana sa sofa baka mapaso ka pa dito, magpahinga ka muna."

umiling naman si kaori at mas hinigpitan pa ang yakap nito

"Ayoko, nandito yung pahingahan ko." napangiti naman si jelay sa sinambit nito at binaba sandali ang hawak na sandok at dahan dahang humarap kay kaori na nakayakap pa rin sa kanya

Hinawakan niya ang baba ni kaori at dahan dahang itiningala sa kanya, nakita niya ang pagkatamlay ng mga mata nito.

"Pagod?" tanong nito ngunit hindi ito sinagot ni kaori kundi binigyan niya lang ito ng isang matamis na ngiti na kinangiti rin naman ni jelay

"I love you" Bulong nito at binigyan naman siya ni jelay ng halik sa noo na nagtagal nang mga sampung segundo.

----------

Inihanda na ni jelay ang pagkain sa lamesa na nasa sala kung saan nagpapahinga si kaori. Nang makita ni kaori ay agad siyang tumayo at tinulungan ito pero pinaupo ulit siya nito.

"Ako na, sabi ko magpahinga ang tigas ng ulo."

"Je wala akong sakit, medyo natanggal na yung hilo ko hindi mo kailangan i-baby noh." tumayo ulit ito

Hinawakan naman siya ni jelay sa magkabilang braso at tinignan ito sa mga mata

"Pag sinabi kong upo, upo at paalala ko lang sayo baka kasi nakakalimutan mo baby kaya kita." bago iuupo ay binigyan niya ulit ito ng halik sa noo

"Dapat pala hindi ko na lang sinabi kay mom na dito muna ko, hindi mo rin naman pala ako papakilusin." tampo nitong sabi na napasandal pa sa sofa

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now