TWENTY-THREE

425 18 13
                                    

Kao's Pov

Isang buwan na rin simula nang nagpakita ulit samin si Je, isang buwan niya na rin akong kinukulit sa text pero hindi ko siya sinasagot. Alam niyang may boyfriend ako pero ang kulit kulit niya pa rin. Hindi naman kasi alam ni Seth yung pagtetext niya dahil hindi naman namin pinapakielaman yung phone ng isa't isa.

Pinipilit ako ni Kare na kausapin siya pero hindi ako pumayag, alam kong susuko rin si Je pag nakita niyang hindi na ko interesado, lagi siyang pumupunta sa bahay pero si mom lang ang kumakausap sa kanya. Nakikita ko naman na bumabawi siya pero pag sinabi na kasing tama na, tama na.

"Bye tita, salamat po sa dinner." rinig ko mula sa labas ng bahay namin, kaya pumunta ako sa may bintana at dahan dahang sumilip.

Alam kong nasa bahay namin siya pero hindi ko lang siya nilalabas, tinitignan ko lang siya pagpaalis na siya. Hindi niya rin ako nakikita dahil pinapatay ko yung ilaw sa kwarto ko para hindi niya makita na sinisilip ko siya baka kasi isipin niya na gusto ko siya makita pero hindi talaga, tinitignan ko lang kung masasara niya gate namin baka kasi pasukin kami ng magnanakaw, mahirap na. Bago siya sumakay sa sasakyan niya lagi siyang tumitingin sa bintana ng kwarto ko kaya laging nasa gilid lang ako, nakita ko naman ang paglungkot sa mga labi niya bago ito tuluyang sumakay sa sasakyan niya.

"Sumuko kana please" bulong ko kasabay ang pagsara ng bintana at pagbalik sa kama.

--------------------

Sa Office

"Good Morning Ma'am Kaori" bati sakin ni Mang Jun habang nagwawalis

Si Mang Jun ay janitor sa opisinang pinagtatrabahuhan ko, tatang na nga ang tawag ko sa kanya kasi parang tatay ko na siya kaya sobrang close rin namin, hindi lang sakin pati sa iba.

"Good Morning tatang" bati ko sa kanya "masyado pa pong maaga, hinay hinay lang po sa paglilinis para may energy pa mamaya." Biro ko sa kanya

"Malakas kaya ako, kayang kaya ko to anak." ang sarap talagang pakinggan na tawagin kang anak, simula kasi sa paglaki ko hindi ko naman nakilala ang tatay ko kaya ganun na lang ako kasaya pag tinatawag akong anak ni tatang.

"Basta dahan dahan lang po" sabi ko at tumuloy na ko para pumunta sa table ko pero bigla niya kong tinawag.

"Anak, anong ulam pala bibilin ko sayo mamaya? Caldereta or Adobo or Pork steak?" sabi niya sakin

"Caldereta na lang po, kunin nyo na lang po yung pambayad sakin. Salamat po." Ngiti kong sabi at ngumiti lang din siya sakin kaya tumuloy na ko sa table ko.

"Uy Ri" Sulpot ni Lie na inikot pa ang upuan niya para makatingin sakin.

Si Lie ay isa sa katrabaho ko, makulit, madaldal at may pagkachismosa hahaha secret lang pero kahit ganun maaasahan yan.

"Bakit?" Bulong ko sa kanya

"Tignan mo na ulit yung drawer mo." sabi niya at mukhang alam ko na yung sinasabi niya. Kaya binuksan ko to at nakita ko na naman ang isang sunflower.

Araw araw kasing may naglalagay ng bulaklak sa drawer ko, tinatanong ko si Lie kung sino naglalagay pero hindi niya ito alam. Sa kanya ko lang kasi sinabi yung about sa bulaklak kaya alam niya.

"Hindi mo pa rin nakita kung sino?" tanong ko sa kanya

"Hindi, mas nauuna pa nga yung bulaklak na yan kaysa sakin." biro niya sakin

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now