💛LAST 💚

844 32 16
                                    

Je's Pov

"Kare okay na ba yung ayos ko? Yung suot ko?" aligaga kong tanong kay karina habang pinapakita ang mukha at suot ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kare okay na ba yung ayos ko? Yung suot ko?" aligaga kong tanong kay karina habang pinapakita ang mukha at suot ko

"Oo maganda kana, tsaka relax ka nga lang birthday yun ni Kaori hindi mo birthday." Biro niya sakin kaya inirapan ko lang siya at pinapatuloy ang pagtingin sa salamin "balik na naman kayo sa dati?" napatingin naman ako sa kanya kung anong ibig niyang sabihin "balik na naman kayo sa dati na itatago nyo ulit yang relasyon nyo"

"Siguro, pero okay na yun atleast kami pa rin, masaya na ko dun." umiling iling naman siya

"Sa bagay malaki na kayo" biro niyang sabi

"Tara na, baka hinihintay na ko ng mahal ko." kindat ko sa kanya sabay kuha ng bag ko.

--------------------

Pagdating naman sa bahay nila, nandun na rin yung iba naming kasama sina Missy, Achi, Gabby at Seth nandun din pala yung nga ka officemate niya pero hindi ko naman kilala. Sa totoo lang kami kami lang naman talaga, ayaw niya rin kasi magcelebrate pinilit lang siya ni tita dahil celebration niya to ng birthday at paggaling niya. Hindi naman to yung bonggang bday party, simple lang kasing simple niya.

"Yes naman Jillian, masyado mong pinaghandaan ah." Biro naman ni achi pagpasok namin sa gate at mahina ko namang pinalo sa braso niya

"Pati ba naman ngayon, magtatampo na sanyo yung braso ko." nagtawanan lang kami

napansin ko naman si Seth sa gilid kasama si Aljon pero naiwan din siya nung tinawag ni Karina ang boyfriend niya

"Seth?" Lapit ko sa kanya at tumingin naman siya

"Jillian" ngiti niyang tanong sakin kasabay nito ay ang pagyakap niya sakin

"Kamusta?" mahina kong tanong sa kanya pero bago niya ito sagutin ay ngumiti muna siya

"Ayos lang naman, masaya para sanyo ni Kaori." pero nakikita ko pa rin sa kanya yung lungkot at napahawak naman ako sa balikat niya kaya napatingin siya

"Sorry" sabi ko

"Hindi mo kailangan mag sorry, una pa lang naman ikaw na talaga. Pinilit ko lang yung sarili ko sa kanya." - seth

"Pero minahal ka niya, seth may pagkakataon na ikaw ang pinili niya." Ngumiti naman siya sakin at nagbuntong hininga

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now