TWENTY SEVEN

390 23 13
                                    

Kao's Pov

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nangyari ang gabing pinalaya at sinaktan ko ang taong mahal ko. Simula nung gabing yon hindi ko na siya nakita, hindi siya sumabay saming umuwi at ang sabi ni Kare na maaga raw umalis dahil may emergency, tinatanong din sakin ni mom kung anong nangyari dahil hindi na rin siya dumadalawa sa bahay. Kapag pumupunta kami sa restobar or kahit magkikita kita kami lagi siyang wala, pinanindigan niya talaga ang sinabi niya sakin, tuluyan na siyang nawala sakin sa pangatlong pagkakataon at kasalanan ko yon.

"Kare?" tinawag ko siya at humarap naman siya sakin, nandito kasi kami ngayon sa restobar nila at nasa office niya ko, kanina nandito rin sina aljon pero lumabas lang sila sandali.

"May kailangan ka?" tanong niya habang busy na inaayos ang table niya, umupo naman ako sa upuan na nasa harap niya

"Galit ka ba sakin?" tanong ko at napahinto naman siya

"Bakit naman ako magagalit sayo?" sagot niya sakin na lumapit pa at umupo sa kabilang upuan.

"Kasi sinaktan ko yung kaibigan mo" mahina kong sagot at ngumiti naman siya sakin

"Matagal na naman siyang nasasaktan at nakita ko yon, mahirap makita yung taong alam mong matapang at masiyahin na nalulunod sa sarili niyang luha. Oo kaibigan ko siya noon pa lang at pwede akong magalit sayo kasi mas lalo mo siyang sinaktan pero kaibigan na rin naman kita at alam kong nasasaktan ka rin. Nanghihinayang lang siguro ako actually hinahangaan ko nga kayo, kasi isa ako sa nakakita kung gano nyo kamahal yung friendship nyo, yung sa sobrang pagmamahal nyo nga napunta na sa isang relasyon." napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sakin

"Alam mo?" tumango naman siya sakin at hindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa mga mata ko, lumapit naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Matagal ko nang alam at yung araw na nalaman ko yun hindi naman sakin sinabi ni Jil, hinuli ko lang siya hanggang sa napaamin siya. Alam mo bang sobrang saya niya kapag ikaw yung topic naming dalawa, yung hindi siya nauubusan ng kwento tungkol sayo." mas lalo namang nagtuloy tuloy ang mga luha ko dahil sa mga sinasabi niya

"Mali ba ko na pinasuko ko siya?" Mahina kong tanong sa kanya

"Siguro dapat pinakinggan mo muna yung dahilan niya..... Kaori...hindi niya gustong umalis dahil ginawa niya yun para satin." nagtaka naman ako sa sinabi niya

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Hindi ako yung makakasagot niyan kundi siya pero tinapos mo na, kaya siguro kalimutan na lang natin yun." dahan dahan naman niyang tinanggal ang mga kamay niya sa kamay ko at ngumiti siya sakin bago tumayo.
.
.
.
.
.
.
Ilang araw na rin akong nagbabakasaling makita siya, minsan nga kapag may naririnig akong sasakyan na huminto sa bahay namin mabilis akong sumisilip sa bintana at baka siya na yon pero hindi. Napapansin na rin nila mom at kahit nang mga officemate ko ang pagkabalisa at lungkot sa mga mata ko, para tuloy bumalik yung mga nangyari sakin nung mga araw na nawala at iniwan ako ni Je pero iba na ngayon dahil alam kong nanjan siya at malapit lang siya sakin pero wala lang akong magawa. Naiinis ako sa sarili ko kasi ako yung may gusto nito pero bakit ang sakit pa rin para sakin.

"Mom alis na po ako." paalam ko kay mommy na nasa kusina at naglilinis

"Anak papasok ka pa rin?" lumapit siya sakin at hinipo ang noo at leeg ko

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now