TWENTY SIX

458 22 16
                                    

AN: Pakipindot yung music/video kapag nasa part na nang FAST FORWARD. Thankyouu!!

Kanina pa inaabangan ni Jelay si Kaori dahil magtatanghali na ay wala pa rin ito, nakapag breakfast na rin ang iba. Alam ni Jelay na puyat ito dahil hating gabi na rin sila bumalik sa kwarto. Kahit na magkasama sila kagabi hindi pa rin niya nasabi ang dahilan niya dito dahil ayaw niyang pagsamantalahan ang lungkot nito.

Masaya ang umaga ni Jelay dahil kitang kita sa mukha niya, napansin din ito nila Kare pero hindi niya sinabi kung bakit. Alam niyang hindi pa naman sila okay ni Kaori at baka dahil wala lang itong kausap kagabi kaya siya nito pinansin at hindi sinungitan at baka maya maya lang ay babalik na ulit sila sa dati.

Hindi ito sumabay sa mga kaibigan na kumain dinahilan niya na busog pa siya pero ang totoo hinihintay niya si Kaori para may kasabay ito.

Nakaupo lang siya at bigla siyang tumayo nang makita na niya si kaori na naglalakad papunta sa table kung nasaan siya.

"Good morning" bati ni Jelay sa kanya, napatingin naman si Kaori sa relo niya

"Good Morning........Kahit malapit na naman magtanghali." ngiti nitong sagot at napangiti rin si Jelay at kahit papano ay natanggal ang kaba na kanina pa niya nararamdaman "kagigising mo lang din?" tanong nito habang papaupo at tinignan ang pagkain na nasa table

"Kanina pa naman" sagot nito na umupo na rin sa upuan katapat ni Kaori

"Parang ang linis pa nang pinggan mo, hindi ka pa kumakain?" napatingin naman si Jelay sa pinggan niya at tumango kay kaori

"Busog pa kasi ako kanina, kakain na dapat ako ngayon tapos bigla kang dumating." - alibi ni jelay

"Pwedeng pasabay?" mahinang tanong nito

"Oo naman tsaka pagkain naman talaga natin to" tumango tango naman si Kaori sa sinabi nito at agad nang nagsandok ng kanin at ulam

"Sila Missy pala?" tanong nito pagkatapos sumubo

"Nasa beach, magpipicture picture lang daw." nakatingin lang si Jelay sa katapat niya dahil napapansin niya na ang lakas nitong kumain
"Okay ka na ba?" napatingin naman si Kaori

"Oo, nakatulog na ng maayos e." Ngiting sagot nito

Nakangiti lang si Jelay habang pasulyap sulyap kay Kaori

"Sana magbalik na kami sa dati, sana naman magtuloy tuloy na to" sabi naman nito sa isip niya

Pagkatapos kumain ay nagpapahinga na lang sila habang tinitignan ang paligid hanggang sa dumating si Kurt

"Hi girls" bati nito at ngumiti lang silang dalawa.

tumabi naman ito kay jelay kaya napatingin si Kaori pero iniwas niya rin ito na nakita rin naman ni Jelay kaya inusog niya ng papalayo konti ang upuan niya.

"Ahmm Jillian patapos kana ba?" tanong nito kay jelay habang nakatingin sa kanya

"Nagpapahinga na lang, bakit?" sagot naman nito na hindi maiwasan tumingin tingin kay kaori dahil baka anong isipin nito

Nagsalin naman ng inumin si Kaori para sa sarili at para na rin may pagkaabalahan siya.

"Aayain sana kita, ipapasyal sana kita dito sa resort." sabi naman ni Kurt

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now