THIRTY

531 23 8
                                    

Kao's Pov

Ang sama ko! Ang sama sama ko! Pinairal ko yung galit ko kaysa pakinggan siya. Sinaktan ko yung sarili ko pero mas nasaktan ko siya. Mas mabuti na sigurong hindi na ko magpakita sa kanya, nahihiya ako.

After ko marinig yung dahilan niya, umalis na lang ako kasi nahihiya ako sa kanya, wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa opisina dahil nagkukulong lang ako sa kwarto.

"Anak" boses ni mom na binuksan ang pinto sa kwarto ko, nakadapa lang ako at nakasubsob ang mukha sa unan baka kasi makita niya yung pamamaga ng mga mata ko. Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa kama ko.

"Yes mom?" sabi ko habang hindi humaharap sa kanya

"Dalawang araw ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo, hindi ka pa ba papasok sa opisina?" tanong niya sakin pero umiling lang ako "Tumawag nga sakin si Jelay tinatanong ka, ano bang nangyari?" Dugtong niya na dahan dahan naman niya kong hinarap sa kanya at pinaupo, tinignan niya ko sa mga mata pero iniwas ko lang at naramdaman ko ang pagdampi ng mga kamay niya sa mukha ko para punasan ang luha sa mata ko. "Anak alam kong hindi kana katulad noong bata ka pa na kapag may masakit sayo sinasabi mo sakin, pero alam ko na kailangan mo ko ngayon." bigla ko na lang niyakap si mom at umiyak sa kanya.

"Mom nasaktan ko siya, hindi ko siya pinakinggan at mas inuna yung galit. Naiinis ako sa sarili ko kasi naging manhid ako." unti unti naman niya ko hiniwalay sa pagkayakap sa kanya at tinignan ako.

"Normal lang na maramdaman mo yan kasi nasaktan ka, pero anak kailangan mo rin bigyan ang tao nang pagkakataon para magpaliwanag, magdahilan kasi dun sa paliwanag niya mas maiintindihan mo lahat at makakabawas yun ng galit sa nararamdaman mo."  sabi niya sakin

"Pero hindi ko yon naisip, tama nga siya naging bingi nga siguro ako."

"Lahat tayo nagkakamali, pero ang mahalaga natututo tayo, kailangan lang natin ito aminin sa mga sarili natin." ngumiti naman siya sakin "anak alam kong matapang ka, kaya mong labanan yung sakit na yan."

"Hindi mom, duwag ako naging duwag ako sa totoong nararamdaman ko kasi hindi ko masabi sanyo." iniwas ko ang mga tingin ko kay mom dahil natatakot ako "Nagsinungaling ako. Mom, may isang bagay akong hindi sinabi sayo yun ay yung naging relasyon namin ni Je na higit pa sa pagkakaibigan. Sorry mom natakot kasi ako." hinawakan ni mom ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya, nakita ko ang pagngiti niya sakin

"Matagal ko ng alam" napatingin naman ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Alam nyo?" tanong ko at tumango naman siya

"Anak kita, kilalang kilala na kaya kita. Tsaka sinabi na rin sakin ni Jelay actually hinihintay lang din kita na sabihin sakin." ngiti niyang sabi

"Galit ka ba?" Mahina kong sabi pero umiling lang siya bago sumagot

"Bakit ako magagalit kung nakikita kong dun masaya ang anak ko. Tanggap kita dahil mahal kita at bawat ina gusto ay ang kaligayan ng mga anak nila. Hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo mas lalo akong humanga sayo kasi alam kong matapang ka at alam ko na ipaglalaban mo ang magpapasaya sayo." niyakap ko nang mahigpit si mommy at ganun din siya

"Thank you mom" sabi ko

"I love you anak"

"Mahal ko rin po kayo"

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now