NINE

513 20 4
                                    

Tanghali na rin at naunang nagising si Kaori dahil sa pagtama nang sinag ng araw sa mukha niya, pagbangon niya napansin niya ang kaibigan na balot na balot sa kumot at lamig na lamig, umupo siya sa tabi nito at napansin na hindi mapakali ang kaibigan kaya gigisingin niya sana ito ngunit napansin niya na mainit ito.

"Ang init mo je" bulong nito, agad niyang hinanap ang tsinelas at dumiretso papuntang kusina para kumuha ng malamig na tubig pagkatapos ay kumuha siya ng bimpo sa cabinet at bumalik sa tabi ng kaibigan.

Pinatong niya ang malamig na bimpo sa may noo ni jelay at kumuha naman ulit siya ng isa pang bimpo at pinunasan ang kamay at braso nito, hindi niya alam ang gagawin dahil wala naman siyang alam sa pag aalaga ng may sakit.

Nagluto siya ng noodles at kumuha na rin ng gamot. Ginising niya ang kaibigan at inalalayan para makaupo.

"Kumain ka muna" bulong nito sa kanya, sinubuan niya ito habang si jelay ay nanghihina pa

"Kao, ako na" matamlay na sabi ni jelay pero pinigilan ito ni kaori

"Hindi na, ako naman mag aalaga sayo" sabi ni kaori at hindi na rin nagpumilit pa si jelay dahil mahina pa siya pagkatapos pakainin ay pinainom na niya ng gamot ang kaibigan at pinahiga na muli.

Nakaupo lang siya sa tabi ng kaibigan habang pinagmamasdan ito habang natutulog. Naramdaman niya na mainit pa rin ang kaibigan dahil hawak nito ang kamay nito.
.
.
.
.
.
Halos maggagabi na rin nang magising si kaori na nakadukmo sa kama kung san nakahiga si jelay, pagbangon niya ay tinignan niya agad ang kaibigan na mahimbing pa ring natutulog. Tinignan niya ang oras sa cellphone niya at nang makita niya ay tumayo siya para pumunta sa kusina pero may pumigil sa kanya at napatingin sa kamay nila ni jelay.

"D---d--dito ka lang, wa--wag mo k--o-kong i--iwan" utal na sabi ni jelay habang nakapikit pa rin, napaupo ulit si kaori at hinimas ang ulo ng kaibigan

"May gagawin lang ako sandali, babalik ako." Bulong nito sa kaibigan at nag iwan ng halik sa noo bago umalis.

Tumayo si Kaori at dumiretso sa pinto

"Manbzshsbanajmahalshshnajabkitasn.......kao" bulong ni jelay, tumingin lang si kaori bago tuluyang isara ang pinto.

Kinabukasan

Maagang nagising si Jelay, nakita niya na tulog sa tabi niya ang kaibigan pero ilang saglit lang ay nagising na rin ito.

"Gising kana pala." bumangon siya at tinignan kung mainit pa ang kaibigan

"Okay na ko, salamat sayo" sabi ni jelay sa kaibigan

"Sure ka?"

"Sure na sure, ang galing kaya ng nurse ko" pagkindat nito sa kaibigan na kinangiti naman nito

"Mukha ngang magaling kana nakakapagbiro kana"

"Hindi ako nagbibiro magaling ka talaga mag alaga, kaya gusto ko na lagi magkasakit para alagaan mo ko sarap mo pala mag alaga eh" ngising sagot ni jelay at mahinang hinampas ito ng kaibigan sa braso "aray naman"

"Sa susunod hindi na kita aalagaan, dahil din yan sa katigasan ng ulo mo kung hindi ka sumugod dito edi sana hindi ka nagkasakit......ang" hindi natuloy ni kaori ang pagsasalita dahil tinakpan ito ni jelay kasabay nito ay ang paghawak nito sa kamay niya

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now