TWENTY NINE

410 20 6
                                    

Kao's Pov

May isang bagay ako na gagawin na alam kong masasaktan siya, pero hindi ko na kaya lokohin yung sarili ko, hindi ko na siya kayang lokohin.

"Love? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni seth sakin dahil pumunta ako sa bahay niya na hindi niya alam.

"We need to talk." sabi ko at pinapasok naman niya ko, dinala niya ko sa may sala at pinapaupo

"What do you want? Juice, water or..." alok niya sakin pero pinigilan ko siya

"No need, gusto lang talaga kitang makausap." tumango naman siya at lumapit sakin

Alam kong nararamdaman niya ang kaba ko at nararamdaman ko rin yung kaba niya.

"Para san ba to?" mahina niyang tanong kaya hinawakan ko siya at sabay kaming umupo.

"Seth hindi ko alam kung san magsisimula, hindi ko alam kung pano ko sasabihin, ku---" hinawakan niya ang kamay ko at pinigil sa pagsasalita

"Shhhh, wag mo nang ituloy dahil alam ko na kung ano yung sasabihin mo." humarap siya sakin kasabay nun ang paghawak niya sa baba ko para tumingin sa mga mata niya "alam ko naman na hindi ko siya mapapantayan, na kahit anong gawin ko siya pa rin yung mahal mo." nakita ko ang pagtulo ng luha niya at ganun din sakin "kaya naiintindihan kita" ngumiti siya sakin

"Im sorry seth, akala ko kasi nakalimutan ko na siya, akala ko na kahit bumalik siya wala na siya para sakin pero hindi." pinunasan niya ang mga luha ko

"Yung araw na nakita ko ulit si Jillian dun ko tinanggap na malapit kanang mawala sakin, actually hinihintay lang kita na gawin mo to, na makipaghiwalay sakin." napatingin naman ako sa kanya at nagtaka sa sinabi niya pero ngumiti lang siya

"Ha?" mahina kong sagot

"Hinihintay lang kita na makipaghiwalay, ayoko kasing ako mismo yung gagawa nun kasi ayokong masaktan kita, kaya mas mabuting ikaw na makipaghiwalay para ako na lang yung masasaktan." - seth

"Seth sorry" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinimas himas lang ito

"Kailangan mo nang bumalik sa totoong nag mamay-ari sayo at sa taong mahal mo para bumalik na rin yung totoong ngiti mo na hindi ko man lang nagawa." kinuha ko ang mga kamay niya

"No seth, napasaya mo ko sa panahong nasasaktan at umiiyak ako, ikaw yung nagparamdam sakin kung gano ako kahalaga, pinaramdam mo sakin yun simula nung college tayo hanggang ngayon. Thank you seth."

"Deserve mo yun Kaori at masaya ako dahil hinayaan mo ako na mahalin at pasayahin ka." niyakap niya ko at kahit hindi niya sabihin alam kong nasasaktan sya.

"Sana mahanap mo yung babaeng magmamahal sayo katulad nang pagmamahal mo." huling sinabi ko sa kanya

----------------------

"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Karina sa kaibigan na si jelay na dumalaw na naman sa opisina niya

"Hindi pa, ikaw lang naman chismosa satin." sagot naman ni jelay na biglang umupo sa sofa at kinuha ang unan at nilagay ito sa ulo niya

"Hiwalay na sila" mahinang sabi naman ni Karina at napakunot noo naman si jelay

"Hiwalay? Sino?" Lakas naman niyang tanong at lumapit sa kanya si karina

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now