TEN

417 21 1
                                    

Mag iisang linggo na rin nung huling kita nina Kaori at Jelay hanggang text at tawag lang ang ginagawa nila dahil sa sunod sunod na gawain nila sa school at sa mga gig.

"Magkagalit ba kayo ni Kaori? Hindi ata siya sumasama sayo?" tanong ni kare kay jelay habang inaayos ang mga gamit para mamaya sa gig nila

"Hindi, marami raw kasing ginagawa sa school nila lalo na at malapit na yung graduation nila" sagot ni jelay na tinetesting ang microphone na gagamitin para mamaya

"Parehas pala kayong gagraduate, magbestfriend talaga." Sabi naman ni achi na abala ring tinotono ang gitara niya

"Huy bilisan nyo na jan, dumadami na yung tao baka mayari na naman tayo." palakpak naman ni Gabby para makuha ang atensyon nila

Nagsimula na silang tumugtog at parami rami na rin ang pumupunta para kumakain at ang iba naman ay nag iinuman kasama ang mga kaibigan. Sunod sunod ang pagkanta ni Jelay nang mapansin niya ang pagpasok ng dalawang taong kilala niya ang bestfriend niya at si Seth pero sinantabi niya ito at patuloy ang pagkanta.

Kao's Pov

Nagkayayaan ang barkada para naman makapagrelax dahil sobra kaming napagod ngayong linggo. Si Seth ang namili ng restaurant na kakainan namin dahil may alam daw siya na masarap kaya pumayag kami.

"Nasaan na yung dalawa?" tanong ko kay seth habang nagpapark sa harap ng restaurant.

kay aljon sumabay si Missy kahit kasya naman kami sa kotse ni Seth.

"Hindi pa tumatawag si Jon" at tumingin siya sa cellphone niya para icheck. "Mauna na kaya tayo sa loob, dun na lang tayo maghintay" sumang ayon naman ako at agad siyang bumaba at pinagbuksan ako.

Pagpasok namin narinig ko agad ang isang pamilyar na boses kaya hinanap ko agad, nakita ko si Je kasama ang mga kabanda niya na nagpeperform, hindi niya rin nabanggit na dito pala ang gig nila. Kumaway ako sa kanya at nakita naman niya na ngumiti lang sakin habang patuloy pa ring kumakanta.

"Seth dun tayo sa malapit kila Je" bulong ko kay seth, tumango naman siya at dinala ako sa pangatlong table bago ang stage kung san sila nagpeperform.

Inalalayan ni Seth si Kaori sa pag upo habang si kaori ay nakatingin lang sa harap kung saan nagpeperform ang kaibigan.

"Order na tayo" abot sakin ni Seth ng menu

"Hintayin na kaya natin sila missy para sabay sabay" sabi ko sa kanya kaya umorder muna siya ng maiinom namin.

"Ganda pala talaga ng boses ni Jillian" sumang ayon naman ako at napabaling kung nasaan si Je

mapapatulala ka lang talaga habang pinanonood siya, yung mapapatigil ka sa mga ginagawa mo pag narinig mo yung boses niya.

Ilang oras kami naghintay pero wala pa rin yung dalawa, tinawagan sila ni seth pero ang sabi ni aljon na hindi na sila tutuloy dahil nagka emergency daw si Missy na pinagtakahan ko dahil sa pag uusap namin kanina parang wala naman. Si aljon naman daw ay tinawagan ng mama niya dahil may pupuntahan sila. Nararamdaman ko na sinet-up kami para kaming dalawa lang ni Seth ang matuloy dito, dahil nung nakaraan pa nila kami pinupush at tanong nang tanong kung kailan ko ito sasagutin. Pero dahil andito na rin kami tinuloy na lang namin dalawa ni seth dahil ayoko naman masayang yung pagpunta namin.

~~~~

Halos isa't kalahating oras din ang tinagal nila Kaori sa restaurant at patapos na rin sina Jelay kaya nagyaya na rin umuwi si Seth dahil masyado nang gabi.

Goodbye & Hello [JelRi Fanfiction]Where stories live. Discover now