ANG BILLIONAIRE

19.3K 272 8
                                    

Napailing na lang ako sa huling itinakbo ng isip ko. Anong love-love? Wala sa bokabularyo ko ang salitang iyan. Sino ba ang magmamahal sa isang boldstar na kagaya ko? Imposible iyon.

Ang love ang isa sa mga bagay na hindi na gagana sa isang kagaya namin ni Mama Chita. Yes, love conquers all. Love is the greatest gift of all. Lahat na ng magandang description sa love, sige, gamitin na. Pero may mga tao pa ring hindi para ito sa kanila.

And it doesn't matter to me. I love myself naman. Kaya ko nga ito ginagawa. Kaya nga ako ang gumagawa ng paraan para sa sarili ko. Kasi I love myself.

Binasa ko na lang ang background ni Errol Williams sa website ng Forbes dahil iyon ang una kong nakitaan ng mga impormasyon ni Errol.

Sa latest issue ng Forbes, they announced that Errol surpassed Facebook co-founder CEO Mark Zuckerberg.

Errol, the thirty-year-old and the youngest member of Martinez-William clan, was born in the Philippines and moved to the U.S. to attend New York University.

Nabasa ko na unang nagtrabaho si Errol sa isang real estate hanggang sa pamahalaan ang mga pinamanang negosyo ng mga magulang dalawang taon ng nakararaan.

Last year, itinayo niya ang Williams Holdings na mayroong investments sa buong Asia.

Nagmamay-ari ang kumpanya ni Errol ng mahigit 4,000 na apartments sa iba't ibang panig ng Asia at 100 commercial buildings sa U.S. at real estate sa India.

Nabasa ko rin ang pinakamahalagang impormasyon kay Errol: single siya! Sobrang pula na talaga ng hasang ko.

"Produce. Hoard. Invest. That's my motto."

Hangang-hanga ako sa nabasa kong simpleng motto ni Errol. Limitado pero malalim.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko napansing napahawak na ako sa dibdib ko. Nahirapan akong huminga habang nakatitig sa guwapo niyang mukha.

Nakaka-flatter. Ang guwapong ito? Ang mayamang ito? At obviously ay ang matalinong taong ito? Gustong makaharap ang isang boldstar na kagaya ko? Seryoso ba ito?

Tinawagan ko si Sir Arnel. Halos hindi na ako humihinga talaga. Parang sasabog na ang dibdib ko sa halo-halong emosyon.

"Sir Arnel! Seryoso ba ang lalaking ito?!" bulalas ko pagkasagot ni bakla. Gusto kong marining ulit ang kumpirmasyon.

"Oo! Hindi nga rin ako makapaniwala noong una pero noong sabihin niyang gusto ka talaga niyang makita at makausap dahil sa isang 'business', naisip kong 'why not?', 'di ba? Ano? Magse-set na ba ako ng araw at lugar?" excited niyang sagot. Parang nakikita-kita ko pang ear to ear ang ngiti niya.

"Business talaga? Baka naman monkey business?" biro ko pero deep inside, gusto ko rin ang monkey business na 'yan. Nagkalintikan na. Nasasabik na talaga ako kay Errol.

"Ganoon na rin iyon!" sagot ni bakla.

Hagikgikan talaga kami. Parang kinikiliti ako sa kilig. Aba, ngayon ko lang naramdamang ma-excite ng ganito. Hooked talaga ako kay Errol. Nacu-curious ako sa kanya. Gusto ko talaga siyang makaharap.

"Erica, huwag mo sanang isiping binubugaw kita, ha. Isipin mo na lang na stepping stone ito. Galingan mong kausapin at bolahin si Errol para ikaw ang kunin niyang endorser sa kung anumang negosyo niya." Untag ni Sir Arnel.

"Oo naman. Walang kaso sa akin 'to." Simpleng sagot ko.

Mas malala pa nga si Mama Cita. Ilang beses akong pinang-regalo. Pero okay lang dahil lahat naman ng bayad, sa akin. Bumabawi na lang ako sa kanya. Nililibre ko saan man niya gusto.

"Magpahinga ka, ha? Baka hindi ka makatulog dahil sa sobrang excitement." paalala ni Sir Arnel.

"Kailangan kong mag-beauty rest! Matutuwa si Mama Chita nito!" excited kong sagot. Gusto ko talagang maging kaakit-akit kay Errol.

"O siya. Ganito muna ang gagawin ko. Para naman hindi tayo obvious na atat, bukas ng umaga ko siya tatawagan. Nagiwan naman siya ng phone number sa akin. At ikaw, mag-ready-ready ka na. Sa linggo ko ise-set ang meeting. Sasama muna ako, ha. Mahirap na. Kailangang makita ko rin kung ano'ng klase siyang kausap. Kailangan ko ring maisingit na kunin ka nilang endorser sa kung anumang negosyo niya."

"Okay." Simpleng sagot ko at napakagat sa ibabang labi. Super excited na talaga ako. Tatlong araw mula ngayon, kapag naging okay kay Errol. Makikita ko na siya ng personal!

"Babalitaan kita agad." Ani Sir Arnel.

"Sige. Thanks!"

"Iyong commission ko, don't forget." Singit nito.

Natawa ako. "Ikaw pa ba? Huwag kang magalala. Anuman ang paguusapan namin, kasama kayo ni Mama Chita. Hindi ko sosolohin ang grasya."

"Aasahan ko 'yan, ha? Naku, marami akong hinawakang mga starlet pero noong sumikat, nagpalit ng manager. Mga walang utang na loob!" inis niyang sagot.

"Ibahin mo ako. O paano? Balitaan mo na lang ako, ha? Si Mama Chita naman ang tatawagan ko."

Nagpaalamanan na kami. Si Mama Chita na nga ang tinawagan ko. Maghapong wala si Mama Chita sa bahay. Nagpaalam itong a-attend ng birthday party ng isang dating kasamahang pole dancer.

"Mama!" bungad ko.

"Si Uncle Hener mo ito."

Napakunot ang noo ko dahil ang present na kinakasamang matanda ni Mama Chita ang sumagot.

"Nasaan si Mama?"

"Nakatulog. Nalasing. Ako na rin ang magsasabi sa'yo na hindi muna kami makakauwi. Nagkayayaan ang magkakaibigan. Magbo-Boracay kami bukas. Isang linggo raw kami. Hindi na kami uuwi. Bibili na lang kami ng gamit."

"Ah, okay ho. Enjoy na lang po kayo." Sagot ko.

Okay lang sa akin ang gimik ni Mama Chita. Mahilig din naman kasi siyang gumala. Normal na sa kanila ni Uncle Hener ang biglaang lakad.

Naghanda na lang ako sa napipinto naming pagkikita ni Errol. Maaga akong natulog at kinabukasan ay ginawa ko ang usual routine.

Kailangang maging maingat ako sa sarili. Every morning, nagja-jogging ako. Kumakain din ako ng masustansyang pagkain. Maagang natutulog sa gabi. Mayroon din akong mga vitamins at madalas bumisita sa clinics.

Sabado ng tanghali, nagpunta ako sa spa at dentist. Siniguro kong pagdating ng oras na makaharap ko si Errol, sobrang linis ko.

Kahit pa sabihing maraming lalaki na rin ang dumaan sa buhay ko, kailangang wala siyang masabi sa kalinisan ng katawan ko. 

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon