"Breakfast is ready!" masayang bungad ko sa kuwarto. Napangiti ako nang makitang nagmulat ng mga mata si Errol. Dumiretso ako sa kama at hinila na siya. Napaungol lang ang pogi kong asawa pero nagpatianod naman. It seems that this morning is another perfect day for us. Wala na yatang makakapagpasira ng mga mood namin.
It's been a week since he proposed. Agad na naming inasikaso ang lahat. Bongga ang gustong kasal ni Errol. Wala namang problema sa mga papel dahil kasal na kami legally pero mabusisi ang preparation sa church at sa reception. Sa ibang bansa pa galing ang mga flowers, gowns at kung anu-ano pa. One month lang ang target namin sa preparations kaya nagkakandaugaga ang wedding planner na inupahan namin.
I am really happy and blessed. Tuluyan na rin akong nag-focus sa business at hindi na tumanggap ng projects. Naging maayos pa rin naman ang samahan naming ni Sir Arnel. Tuloy pa rin ang mga referrals niya. Paganda rin nang paganda ang takbo ng negosyo ko. What more could I ask for? Everything was perfect!
Well, exept Erwan. Naibalita na raw ni Errol kay Erwan ang lahat. Hindi raw kumibo sa Erwan. Alam kong hindi niya ako tanggap. Pero dahil sa mga pangako at assurance ni Errol, napagaralan kong tanggapin at maghintay sa sitwasyon namin ni Erwan. He told me that he only needed time para matanggap ang lahat kaya sa huli ay iyon na lang ang inisip ko. Ipinagdarasal ko na rin iyon. Sana lang talaga ay dumating ang time na matanggap niya ako. Si Erwan na lang ang natitirang malapit na kaanak ni Errol. Gusto ko rin namang maging in good terms kami.
"Shake again?" reklamo ni Errol nang makitang milkshake, wheat bread, boiled egg and vegetable salad ang breakfast ko.
Natawa ako. "Fried rice for you." Sabi ko at pinagsilbihan siya. Nilagyan ko ng bacon, scrambled egg at fried rice ang pinggan ni Errol.
"You should eat these too. Parang kulang 'yan. Maghapon ka sa trabaho. Kailangan mo ng lakas." Sabi niya.
Pinagbigyan ko na si Errol. Naisip kong baunin na lang ang mga iyon para sa merienda. Mukhang nakuntento si Errol at tahimik na kaming kumain. Patingin-tingin ako sa kanya at lihim na kinikilig. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagiging maayos ang takbo nang pagsasama namin.
Hindi nagtagal ay natapos din kami. Saglit ko siyang pinagpahinga at inayos ang mga gamit niya saka panligo. Nang masiguro kong okay na ay pinaligo ko na siya.
Hinanda ko naman ang mga gamit ko. Kadalasan ay pinauuna ko siya dahil maaga ang pasok niya sa office. Ako naman ay okay lang dahil late naman nagbubukas ang salon. Isa pa ay nagluluto muna ako ng lunch at binabaunan si Errol o minsan naman ay maaga ako nakakaluto saka iyon ibinibigay na sa kanya.
"What do you want for lunch?" tanong ko habang inaayos ang kurbata ni Errol.
"You."
Natawa ako at hinila ang necktie niya saka siya hinalikan sa labi. Kinikilig na naman ako sa lambing niya. "Seryoso."
"You know I'm dead serious about us." Sagot niya saka matiim na tinitigan na nagpakilig na naman sa akin.
"Iyong lunch ang tinutukoy ko."
"Oh." Kunwaring nagulat pa. Natawa kaming pareho saka napailing. "Huwag ka nang magluto. Susunduin kita mamaya at ako ang bahala sa tanghalian natin mamaya." Sabi niya saka ako kinindatan.
Ang luwang na ng ngiti ko. Na-excite ako tuloy. Gusto ko nang hilain ang oras para tanghalian na. Muntik na akong matawa sa naisip.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Errol. Ako naman ay naghanda na rin at pumasok. Ganado ako sa pagtatrabaho. Kahit yata bumagyo, mananatiling nakangiti ako. This is Errol's fault. Ang lakas niyang makapagpabura ng mga negative vibes.
And the time finally came. Tanghalian na! Na-excite ako lalo. Kahit wala pang tawag si Errol ay inayos ko na ang mga gamit ko at matyagang naghintay.
"Ready?" nakangiting bungad niya sa office ko.
"Yes." Agad kong sagot at sinalubong na siya. Agad na kaming lumabas at sumakay sa kotse. Panay ang kumustahan namin hanggang sa napansin kong nagiging pamilyar sa akin ang daan.
"Pauwi tayo?" tanong ko.
"Yes. Nakaluto na ako." Sabi ni Errol at tumikhim.
"Talaga?!" bulalas ko.
"See for yourself." Sagot niya.
"Bakit kinakabahan ka?" na-amaze na tanong ko.
"Because this is my first time!" napapahiyang bulalas niya.
Ngiting pinagmasdan ko si Errol. Na-a-amaze talaga ako. Busy na tao si Errol kaya nakakamangha na binigyan niya ako ng ganitong atensyon at panahon. Nakakatunaw ng puso.
"Here we are." Sabi ni Errol pagkaparada namin sa front door. Inalalayan na niya akong bumaba at tahimik kaming nagpunta sa gazebo. Natunaw na naman ang puso ko nang makitang nakahanda na ang mesa. Nakatakip ang mga pagkain. "Well, this is really my first time so expect that it's not well... perfect. But I did everything to make it edible." Halos mapangiwi pa ang asawa ko sa pagpapalusot.
Napahagikgik ako at niyakap siya sa baywang. "Thank you. I appreciate it." Sabi ko at binigyan siya ng magaang na halik sa labi.
Naupo na ako at isa-isang tinikman ang pagkain. Honestly, matabang ang endives with shrimp salad. Tingin ko ay kulang iyon sa mayo. Ang balsamic-glazed steak rolls naman ay maalat. Nasobrahan naman sa asin. Ganoon din ang iba. Kundi matabang ay maalat ang timpla. But all in all ay edible nga naman.
"How's the taste?" kinabahang tanong ni Errol.
"Hindi nga perfect pero okay naman." Sagot ko at nagsimula ng kumain. Kahit hindi perfect ay uubusin ko pa rin iyon. Aba! Gawa iyon ni Errol!
"Are you sure you still want to eat it?" tanong niya.
"Yep. Kain ka na rin." Sagot ko at pinagsilbihan na rin siya. "Mabuti nakapag-prepare ka?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya.
"Hindi ako pumasok. I canceled all my appointments and went to grocery. Please, don't laugh at me."
Pero nabulunan ako sa effort! Nagkadasamid-samid ako at agad naman niya akong inalalayan. Halos hindi ako makabawi sa narinig kong coffession niya!
"A-Ano'ng sinabi mo?" uubo-ubong paniniyak ko.
Napakamot siya sa batok. "You heard it right. I canceled my appointments to prepare lunch." Kumpirma niya.
"Ooh... this is so sweet..." tunaw na tunaw ang puso ko at niyakap siya nang mahigpit. Sobra kong na-appreciate ang effort niya. Lalo tuloy akong na-i-inlove!
"What did I miss?"
Sabay kaming napalingon sa lalaking paparating. Biglang tumigil ang oras namin ni Errol nang makitang seryosong naglalakad papalapit sa amin si Erwan.
Kinabahan ako. Biglang lumipad sa ere ang kilig ko dahil sa pagdating ng lalaking kinaiilagan ko.
BINABASA MO ANG
DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)
قصص عامةWARNING!! R18 💥💥 [[COMPLETED]] 💕💕💕This is a stand alone novel.💕💥 "Ako si Erica Valentino. 💕 Isang boldstar. 💥 Basahin niyo ang aking kwento. 📚 Mamahalin ba ang isang kagaya ko? O ikakahiya lang at itatago?" 💔 -------------------**********...