CONFESSION OF THE MONSTER

6.4K 160 2
                                    

"Are you okay? Are you sure you want to see him?" tanong ni Errol sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nasa backseat kami ng sasakyan. Kitang-kita namin kanina na pumasok na si Erwan sa loob ng presinto. Nakaposas siya at kasunod ang sariling abogado.

Matapos ang confession ni Alvin ay hindi nagsayang ng sandali ang mga pulis. Agad nagbaba ng warrant of arrest ang mga ito at hinuli si Erwan. Nagkaroon na rin ng manhunt kay Jimmy. Umaasa ako na mahuhuli si Alvin agad. Tahimik lang ako sa mga sandaling iyon. Lihim na nagpapasalamat dahil sa pagusad ng kaso.

"Oo. Gusto ko siyang kausapin." Sabi ko.

"Sasamahan kita." Sabi ni Errol.

Tumango na ako at pumasok na kami. Halos hindi ako makahinga habang binabagtas ang daan papunta sa pinakamasamang lalaking nakilala ko.

"How dare you! Why, Alvin? Why?!" galit na singhal ni Erwan habang nasa likod ng rehas at pilit na inaabot si Alvin. Nasa kabilang rehas naman si Alvin. Ipinaliwanag ni Atty. Scottfield na isang accessory si Alvin sa mga crimes ni Erwan kaya nakulong din siya.

"I told you to stop, Erwan." Malumanay na sagot ni Alvin.

"Ah, shut up! You're ungrateful rat, you know that? After what I've done for you?!" galit na singhal ni Erwan.

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan si Erwan. He's still looked like a heartless monster. Maski si Alvin, nilalait na.

"What are you doing here? Are you happy now?" angil ni Erwan sa akin nang mapansin ako hindi kalayuan sa selda nito.

"You have the gall, Erwan." Nagtitimping singit ni Errol.

"You chose this bitch over me? Your own brother?" naghihinanakit na tanong ni Erwan at napasabunot sa buhok. "You don't give a damn about my sacrifices for you!?" masamang loob na sumbat ni Erwan.

"Stop it, Erwan!" singhal ni Errol galit na inabot ang kwelyo ni Erwan saka hinila. Napasubsob tuloy si Erwan sa rehas. Napamura siya pero hindi iyon pinansin ni Errol. Galit na galit ang asawa ko. "Tama na. Huwag mo akong bigyan ng dahilan para kamuhian ka pa." mariing sabi ni Errol.

Bumakas ang matinding sama ng loob sa mata ni Erwan. Kumibot-kibot ang labi ni Erwan hanggang sa piniling manahimik at bigyan ako ng masamang tingin. Padarag siyang binitawan ni Errol.

"Let's go." Malamig na sabi ni Errol saka ako hinawakan sa kamay.

"Fine. Go now." Malamig na sabi ni Erwan nang tumalikod kami. Kinilabutan ako sa tono niya.

Nilingon siya ni Errol. "If something bad happens, I will despise you, Erwan. Kakalimutan kong kapatid kita." Puno nang pagbabantang sagot ni Errol saka kami tuluyang lumabas.

Pagpasok sa sasakyan ay agad kong niyakap si Errol. Pinakalma namin ang mga sarili namin hanggang sa gumaan iyon.

"I'm sorry for having such a brother..." nahihiyang anas ni Errol.

My heart broke. Niyakap ko siya at umasang mabubuo ko si Errol. Alam kong shattered siya dahil kay Erwan.

Umandar na ang sasakyan. Nasa kalagitnaan ka kami ng biyahe nang makarinig kami nang malakas na pagsasalpukan ng mga sasakyan. Napalingon kami sa likod at natutop ko ang bibig ko nang makitang binangga ng isang ten wheeler truck ang convoy namin!

Dali-dali kaming huminto nila Errol. Agad lumabas sina Bruno at sinuri ang sasakyan saka tumawag ng ambulansya.

"Stay here." Mahigpit na bilin ni Errol saka tumawag. Kinausap din niya si Bruno tungkol sa nangyari. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan at naghintay nang biglang may maupo sa tabi ko.

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon