"Errol! Please! Don't do this!" luhaang awat ko sa kanya nang itapon niya palabas ng bahay ang mga gamit ko. Hindi pa ako nakuntento. Alam kong kulang ang iyak kaya naglumuhod ako at yumakap sa hita niya. Ilang beses napamura si Errol sa ginawa ko pero hindi ako bumitaw. No. Never. Hinding-hindi ako bibitaw.
Pagkagising ko kanina ay himalang hindi nag-wala si Errol sa hotel room kanina. Wala na si Jimmy. Hindi ko na nagawang alamin kung saan siya nagpunta. Ang mahalaga ay si Errol. Kailangan mapahupa ko ang galit niya. Hindi man siya nagwala kanina at simpleng salita lang ang pinakawalan niya—I will file a divorce—at tuluyan akong nilayasan.
Nagkukumahog akong nagpaliwanag pero nakikita kong sarado ang isip niya. It was breaking my heart. It was also breaking my sanity. It was slowly killing me...
"Errol... believe me... he was threatening me..." luhaang sumbong ko. Wala na rin akong choice kundi ang sabihin ang lahat-lahat.
"Damn you! You are such a big liar! Aminin mo na nakikipag-affair ka! Paano niya malalaman ang number mo kung hindi mo binigay? Yes! I talked to him! And he told me that you are having an affair with him!" singhal niya at pinilit akong inilayo hanggang sa nagawa niya. Dinuro niya ako. "I loved you. Handa akong kalimutan ang lahat! Handa akong tanggapin ka at umastang walang nangyari! Handa akong lunukin ang kahihiyan, Jersey! But fuck it! Fuck this love! You are abusing my love for you! Tama na!"
Labis iyong dumurog sa puso ko. Nakakapanghina man ng loob pero susubok pa rin ako. Luhaang umiling ako. "H-Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko! Please, maniwala ka sa akin..."
"Tama na!" singhal niya at pumasok sa bahay. Doon namin nakitang nanonood sina Erwan at Alvin. Pero hindi ko sila pinansin. Sumunod pa rin ako kay Errol at pinigilan siyang kuhanin ang natitira kong gamit.
"Errol... nakikiusap ako..." luhaang awat ko at niyakap siya sa baywang pero pumalag siya.
"Leave, Jersey. Please. Ako na ang nagmamakaawa. Aalis ako pero pagbalik ko, sana, wala ka na. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa'yo oras na madatnan pa kita rito." Nagtitimping sabi niya.
"Bina-blackmail niya ako! Bakit hindi mo iyon maintindihan?" naghihinanakit kong sabi. Tuluyan na akong nakakaramdam ng tampo kay Errol.
Hindi sumagot si Errol. Umalis siya at kinuha ang cellphone sa side table. Nanginginig ang mga kamay niyang nagpipindot hanggang sa ipinakita sa akin ang mga litrato.
"Blackmail? You think this is blackmail?" nanggigigil na sabi ni Errol habang nakamaang ako sa mga picture namin ni Jimmy na nakahubad at magkatabi. Iba-iba pa ang suot kong nighties sa ibang pictures! Kung pagbabasehan iyon ay parang matagal na namin iyong ginagawa! Natigagal na ako.
Gumuho ang mundo ko nang makitaan ng labis na poot si Errol. Wala na ang pagmamahal doon. Binulag na siya ng galit. Hindi ko na alam kung paano ko pa isasalba ang pagsasama namin.
"This is not so true... w-wala akong alam..." nanghihinang sabi ko. Iyon na lang ang puwede kong sabihin. Iyon na lang ang alam ko. It was very lame. Pero ano pa ba ang puwede kong sabihin?
"Lagi ka namang walang alam!" singhal niya at hinaklit ako sa braso. Gigil niya akong tinitigan. "Now, leave. Please. Habang nagkakapagtimpi pa ako. Umalis ka na!" singhal niya saka ako padarag na binitawan.
Nagiiyak na lang ako sa palad. Wala akong magawa. Parang ang hina-hina ko. Pakiramdam ko ay wala akong magagawa sa sitwaysong iyon kundi ang iiyak ang lahat. Nauubos ang lakas ko. Nawalan ako ng direksyon. Hindi ko alam kung saan magsisimula.
"I heard everything. Leave my brother alone." Sabi ni Erwan at pumasok sa kuwarto. Balewalang naupo siya sa kama namin.
"Masaya ka na?" tanong ko sabay tapon nang masamang tingin kay Erwan.
Ngumisi siya. "Of course! I made it!"
Napamaang ako hanggang sa ganap na nag-sink in sa akin ang lahat. "I-Ikaw ang may pakana ng lahat?!" hindi makapaniwalang usig ko.
Ngisi ang sinagot niya hanggang sa nagkaroon ng bangis ang mga mata. Hinaklit niya ang braso ko at napangiwi ako sa sakit. "Now you know what I am capable of. I can kill you using this method. But I can also kill you for real. 'Wanna bet?"
"Ang sama mo!" luhaang singhal ko pero nangangatal sa takot. And now I fully understand why Jimmy get a complete access of my life. Si Erwan! Siya ang nagbigay ng impormasyon ko!
"I know. But I don't care."
"Ginagawa mo ito dahil lang d'yan sa sikreto mo?!" hindi makapaniwalang usig ko.
"Shut up!" singhal niya at hinawakaan ng mariin ang magkabilang pisngi ko. Naiyak ako sa sakit. "You're such an eyesore. I really want to kill you, put you six feet under so that I will never see you again."
Nangilid ang luha ko. Ganito siya kagalit sa akin dahil lang sa nalaman ko ang sikreto niya. It was such a terrible wrath. But this is too much.
Naiwanan akong nangangatal sa takot, puno ng katanungan sa isip. Bakit kailangang danasin ko ito? Bakit pumapayag akong mapahirapan? Sobra na. Kailangan ko nang lumaban.
Hindi ako umalis. Hinintay kong dumating si Errol. Like expected nagalit siya nang makita ako pero hinarap ko iyon at sinabi ang lahat.
"Kasalanan ito ni Erwan! He hate me that much because—"
"Shut up—!" singhal ni Errol at ibinato ang hawak na cellphone sa pader. Wasak iyon. Nagulat ako pero sa huli ay nanghina sa nakikitang galit niya. "Huwag na huwag mong idadamay si Erwan dito. Kilala ko siya! Hindi niya magagawa ito!"
"He's a monster!" galit na ako sa pagkakataong iyon. "Bakit hindi mo ako magawang pakinggan? Wala akong kasalanan! Planado niya ang lahat! Galit siya sa akin dahil nalaman ko ang sikreto niya na nakikipag—!"
"Ah, shit!" galit na rin si Errol. Hinaklit niya ako sa braso at kinaladkad palabas ng kuwarto. Padarag niya akong binitawan at napasubsob ako sa dibdib ni Bruno. "Ilayo mo ang babaeng iyan. Wala akong pakialam kung saan mo siya dalhin!" asik ni Errol saka ibinagsak ang pinto.
Naiyak ako sa sobrang galit at pait. Hindi ako basta sumuko ng oras na iyon. Pumalag ako kay Bruno at pinagkakatok ang pinto namin ni Errol hanggang sa mapagod ako. Naiyak na lang ako sa kawalang magawa.
In the end, dinala ako ni Bruno sa amin. Iyak ako ng iyak. Hindi ako makausap nang maayos ng mga magulang ko. Para akong nawala sa sarili. Nagagalit ako ng husto at nasasaktan ng labis.
Ilang araw ang lumipas dumating ang abogado ni Errol dala ang divorce papers. Ipinaliliwanag niya sa akin kung ano ang mga makukuha kong assets once na ma-grant iyon.
Galit na galit na ako sa puntong iyon. Hindi ko kailangan ang pera ni Errol. Ang kailangan ko ay magising siya.
Pero naisip kong tama si Erwan. Blood is thicker than water. Ano pa ba ang aasahan ko? Natural na hindi papanig sa akin si Errol.
Magsama silang magkapatid!
"You only need to sign here." Sabi ng abogado at iyon na lang ang naintindihan ko. Pumirma at tuluyang putulin ang koneksyon ko kay Errol.
Pinigilan kong maiyak at tumalima. Nang magisa na lang ako, dama ko ang pagiisa. Damang-dama ko na natalo ako sa labang ito. Sa galit ko ay pinagsusunog ko ang mga bagay na nagkokonekta sa amin ni Errol.
Umaasa ako na maging abo na rin ang pagmamahal ko sa kanya...

BINABASA MO ANG
DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)
General FictionWARNING!! R18 💥💥 [[COMPLETED]] 💕💕💕This is a stand alone novel.💕💥 "Ako si Erica Valentino. 💕 Isang boldstar. 💥 Basahin niyo ang aking kwento. 📚 Mamahalin ba ang isang kagaya ko? O ikakahiya lang at itatago?" 💔 -------------------**********...