"EVERYTHING IS okay, sir. You can go inside now." Sabi ni Bruno sa akin at tumango na ako. Tinapos ko muna ang message ko kay Erica at ipinadala iyon bago ako lumabas ng sasakyan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang pangalan ng jewelry shop. I felt excited. The beautiful face of Erica suddenly crossed my mind. She is the reason why I am here.
Pumasok na ako sa jewelry shop. Agad akong binati ng mga staff. Walang ibang customer ngayon dahil maaga pa. Agad nila akong iginiya sa opisina at hinarap ako ang manager nila. Nakipagkwentuhan pa siya sa akin na sinagot ko naman sa maabot nang makakaya ang mga tanong niya. But deep down inside, naiinip na ako. Gusto ko nang makita ang pinagawa ko.
"Oh, here it is." Nakangiting sabi ng manager nang pumasok na ang staff niya dala ang red velvet box.
Halos hindi ako mapakali nang ilapag iyon sa harapan ko. Doon na napako ang tingin ko. Napuno ng antisipasyon ang puso ko. Napuno ng pangarap at pananabik. This is it. I will not just cross the border between me and Erica. I will definitely let us be one.
"Here's your order, sir. Classic six–prong solitaire engagement ring. The four different metals 14k white gold, 18k yellow gold and platinum made it elegant and timeless. Nakikita niyo na plain lang ang band at ang tanging malaking diamond sa gitna ang nagsisilbing star ng singsing. I am hoping that we get what you exactly requested, sir." Nakangiting saad ng manager.
"Stunning..." buong paghanga kong bulong. Nanikip bigla ang dibdib ko at naging emotional. Ang singsing na ito ang magsisilbing panimula ng buhay namin ni Erica.
Thanked God, everything went smoothly. Isa-isa ko nang naisasaayos ang lahat. I am done analyzing my feelings between her and my dead wife. Our contract was terminated. We are now living as a husband and wife now. Pero alam ko, kulang pa iyon. Gusto ko pa rin ibigay sa kanya ang pagkakataong hindi ko naibigay dahil sa naging kontrata namin.
"I am glad you liked it." Natutuwang sabi ng manager. Mukhang nakahinga rin siya nang maluwag.
"Are you kidding? I loved it!" napahinga ako nang malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Mahinang natawa naman ang manager at napangiti na rin ako.
"Bruno." Tawag ko at sinenyasan siya. Agad namang nakuha ni Bruno ang gusto kong mangyari. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at saglit na pumindot. Matapos iyon ay hinarap niya ako.
"Naipadala na ho through on line bank transfer ang balance para sa singsing, sir. Puwede na hong i-check iyon ni Ma'am Nolas." Tukoy ni Bruno sa manager ng jewelry shop.
"Thank you." Sabi ko at tumayo na. Dinala ko na ang engagement ring at ibinulsa. Parang mayroong pakpak ang mga paa ko. Magaan ang pakiramdam. I am excited, I want to see Erica.
But no. I have to control it. Marami pa akong kailangang asikasuhin. Hindi ko sinabi sa kanya ang mga plano ko. Gusto ko munang gawin iyon para maging sigurado. Doon ko lang magagawang sabihin ang mga naging hakbang. Ayokong bigyan pa siya ng alalahanin.
She was busy with her new business. Two weeks pa lang iyon. Natutuwa akong makitang ginagawa niya ang lahat para mapalago iyon. Humanga ako kay Erica pagdating sa motivation niya. She is dedicated too. Honestly, ang mga ugaling iyon ay nagkakapareho sila ni Jersey, except for one thing: Jersey was not a risk-taker. She was comfortable living in her comfort zone.
Pero si Erica ay ipinakitang hindi siya kagaya ni Jersey. So instead of sticking on her first plan to build a cosmetic business, she risked on building a business different from Jersey. Hindi naman nalalayo iyon sa hilig niya. Smart move. And I admire her.

BINABASA MO ANG
DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)
Narrativa generaleWARNING!! R18 💥💥 [[COMPLETED]] 💕💕💕This is a stand alone novel.💕💥 "Ako si Erica Valentino. 💕 Isang boldstar. 💥 Basahin niyo ang aking kwento. 📚 Mamahalin ba ang isang kagaya ko? O ikakahiya lang at itatago?" 💔 -------------------**********...