BOLDSTAR & BILLIONAIRE

16.5K 267 13
                                    

Ito na ang araw ng paghuhukom este, ang araw na magtatagpo ang BOLDSTAR at BILLIONAIRE. It was a sunny Sunday. The weather was perfect but I don't feel much fine.

Kinakabahan ako. Sino ba namang hindi kakabahan? Sino ba naman ang hindi maloloka kakaisip kung ano'ng klaseng business ang gusto niyang ialok sa akin?

Hindi maganda ang reputation ko. Kaya ngayon pa lang, inaamin ko ng hindi ako puwedeng kuhaning endorser sa matinong produkto. Unless, gusto niyang maglabas ng bagong flavor ng condom sa market. Siguradong puwedeng-puwede ako'ng endorser. Bagay na bagay ang reputation ko sa R18 na commercial.

Nag-ring ang cellphone ko kaya naputol ako sa pagmumuni-muni. Si Sir Arnel ang caller. Sinagot ko.

"3PM ang meeting sa Urduja Mediterranean Resto, okay? Wear your best attire." Mahigpit na bilin ni Sir Arnel. Kahit nasabi na niya sa akin ang oras beforehand, nag-remind pa rin siya. Sigurista.

"Okay. See you later!" sagot ko.

Hindi na rin nagtagal ang paguusap namin. Pagkababa ko ng cellphone ay bumangon na rin ako. The usual routine. Nag-jogging ako at naghanda na sa paghaharap namin ni Errol.

"The bitch wears skin tone halter and silver stilettoes." Bulong ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.

Perpekto ang pagkakahapit sa akin ng Burberry brand na halter na abot hanggang gitnang binti. Mayroon itong slit hanggang gitnang hita. Revealing yet appealing. The dress costs $1,244.00. Regalo ito ng isang politiko na sumubok makuha ang atensyon ko. I have to give Errol an impression. The more I wear expensive clothes, the more he will recognize and think that I am not just an ordinary woman.

Huminga ako nang malalim. Kinalma ko ang puso kong nagwewelga na sa kaba. Bago ako lumabas ng bahay, sinigurado kong kalmado na ako. Ito ang unang pagkakataong natuturete ako. Lagi akong in control. Palibhasa ay alam ko kung ano at paano ko iha-handle ang meet up.

But this time is different. Naka-hang ako. Puno ng palaisipan tungkol kay Errol.

Huminga ako ulit nang malalim at lumabas na. Agad na akong sumakay sa black Mercedes Benz. Pag-a-ari iyon ni Uncle Hener. Pinagamit na niya iyon sa akin para mayroon akong service kasama na rin ang matandang driver.

Nagbiyahe na kami. Nasa kalagitnaan na kami ng pagbibiyahe nang bigla kaming tumigil. Kinabahan ako ng ilang beses sinubukang i-start ni Mang Goyo—ang 55 year old driver—ang sasakyan pero hindi iyon nag-start!

"M-Manong, ano hong nangyari?" tanong ko at napatingin sa orasan. 2:30 na. Malayo pa kami sa meeting place. Mukhang male-late pa ako.

Ugh!

"Hindi ko nga po alam. Ngayon lang ito nangyari. Sandali lang po at titingnan ko."

Lumabas na ang matanda. Mabuti na lang, walang gaanong sasakyan. Wala kaming naabalang motorista. Binuksan ng matanda ang hood ng kotse. Inabot din ito ng ilang minute. Patingin-tingin ako sa orasan hanggang sa nag-decide na akong mag-taxi.

"Manong, mauuna na ho ako. Male-late na ako sa appointment ko."

"Sigurado kayo?" nagaalalang tanong ng matanda. Bakas ang hiya sa mukha at pagaalala.

Ngumiti na ako. Hindi naman ako maselan sa mga ganitong bagay. Nakakaintindi. Hindi ako basta-basta naiirita at dahil mahaba rin ang pasensya ko.

"Oo, manong. Sige ho." Sagot ko at pinara na ang dumaang taxi. Agad na akong nagpatahatid sa Urduja.

Pero napakamalas dahil ang traffic. Stress na stress ang beauty ko. Panay na rin ang text ko kay Sir Arnel. Panay ang hingi ko ng pasensya. Good thing, mahaba rin ang pasensya ng bakla. Kahit inaamag na sa meeting place ay hindi pa rin nagagalit. Mabuti na lang din, wala pa rin pala si Errol. Na-late rin dahil sa biglaang lakad.

Finally! Dumating na rin ako sa meeting place. Agad na akong nagbayad at bumaba. Naglalakad na ako papasok nang madaan sa mga sasakyan na nakaparada sa tapat ng Urduja. Hindi kasi allowed pumasok ang mga taxi kaya sa bandang side walk lang ako naibaba. Kulang kasi sa space ang lugar.

Anyways, nang madaan ako sa puting Landcruiser, napansin kong wala na sa ayos ang damit ko. Tumigil ako sandali para ayusin. Pasimple ko ring sinuri ang driver's seat. Tinted ang salamin kaya hindi ko kita kung mayroong tao sa loob. Pero nakapatay ang makina. Tantya ko ay kanina pa iyon nakaparada.

Inayos ko na ang strap ng halter. Nangahas na rin akong ayusin ang silicon bra sa boobs ko. Matatawa ang ibang makakakita sa akin dahil kinakalkal ko ang dibdib ko. But it doesn't matter to me. Ang mahalaga ay maitapat ko sa nipples ang silicon bra para hindi iyon totally ma-expose. Dahil na rin siguro sa kakagalaw ko at pasagi-sagi sa silicon ay nawala na iyon sa ayos.

Hindi ko na iyon ginawa sa CR. Hindi na aabot! Kaunti na lang, lalabas na ang nipples ko. Kahit sanay akong maghubad, alam ko naman iyong itaon.

Last but not the least, tiningnan ko ang lips ko kung okay pa ang lipstick. Panay ang nguso ko at pag-pout nang...

Dahang... dahang... bumaba ang salamin ng sasakyan at... tumambad ang taong nasa driver seat ng Land cruiser!!!!!

SI ERROL! WHAT DA FUCCCKKKKKKKKKKK!!!!

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon