SCAR

6.2K 175 14
                                    

"You are still here."

Nangatog ako nang marinig ang boses ni Erwan sa likuran. Hindi ko magawang inumin ang orange juice na laman ng basong hawak ko dahil sa takot. Pakiramdam ko ay maisusuka ko lang iyon. Hearing Erwan's voice terrified me. This man is a monster. I don't want to get near him.

Tumikhim ako at pinaglabanan ang takot. Hinarap ko siya. "Yes. L-Leaving is not an option." Lakas-loob kong sabi pero sa totoo lang, paimbabaw na lang iyon.

Naningkit ang mga mata ni Erwan at inilang hakbang lang ang pagitan namin. Nabitawan ko tuloy ang baso at nabasag iyon. Pero hindi iyon pansin ni Erwan. He was too busy grabbing my arms tightly, making me want to cry. Halos maiangat na niya ako sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya.

"Bitch!" angil niya. He was angrily gritting his teeth.

Napakalayo ni Erwan kay Errol. Napakalayo rin nang pagkakakilala ni Errol kay Erwan. Errol didn't have any idea how evil Erwan. For him, Erwan was a kind, strict but lovable brother. He didn't know the other side of him and this was all for his sick love...

"I asked you nicely but what did you just do? You have the gal, really!" nanggagalaiting asik ni Erwan.

Pumalag-palag ako. Hindi ko natitiis ang takot at pagkakalapit namin. Baka madurog na rin ang braso ko sa higpit nang pagkakahawak niya.

"Let me go!" mangiyak-ngiyak kong palag.

"Get lost, you hear me? Get lost or I'll do something that you will regret in the end!" galit niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama. Sa kabila ng sakit at takot, nagawa ko pang lumaban. Naiisip ko kasi si Errol. Hindi ako puwedeng umalis. Ayoko siyang iwanan...

"What are you going to do? Kill me?" hamon ko.

"Yes! I—WILL—KILL—YOU—!" singhal ni Erwan na halos bumingi sa akin.

"E-Erwan..." hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Ganito kalalim ang galit niya sa akin. He was so damn serious! He's really a monster!

"You hear me? Papatayin talaga kita kaya layuan mo ang kapatid ko! Huwag mo akong subukan!" singhal ni Erwan at padarag akong binitawan. Sa lakas noon ay napaupo ako sa semento at napahawak sa basag na baso.

Ramdam ko ang sakit at hapdi nang pagkakasugat. Naiyak ako habang pinagmamasdan ang palad. Mukhang simbulo iyon nang paghihirap ko sa kamay ni Erwan...

***

"Erwan!" takot kong bulalas at napabalikwas nang bangon. Agad kong tiningnan ang palad ko at naiyak sa takot. Wala na ang sugat o anumang pagdurugo. Maliit na peklat na lang ang nandoon na sa pagkakaalam ko ay sa aksidente ko nakuha.

Nagising tuloy si Errol na nakayukyok sa tabi ko. Agad niya akong dinaluhan at pinuntahan. Nang hindi siya makuntento ay nagtawag siya ng doctor. Agad akong sinuri at binigyan nang pang pakalma.

Doon ko lang na-realized na nasa ospital pala kami ulit. Madilim na sa labas ng bintana at tantya ko ay gabi na.

"Shh... everything will be okay now..." pagpapakalma sa akin ni Errol at hinaplos ang noo ko.

"S-Si Erwan?" pigil hiningang tanong ko. Mabilis na naman ang kabog ng dibdib ko.

Saglit na natahimik si Errol. Nakatitig lang siya sa mga kamay naming magkahawak hanggang sa napabuntong hininga siya. "Hindi ko alam. Kanina ko pa siya sinabihan pero ang sabi niya ay hindi siya makakadalaw. May nilalakad daw sila ni Alvin."

Naglapat ang mga labi ko. Nanggigil ako sa kaalamang hindi sinabi ni Erwan ang mga nangyari.

"S-Si Erwan, siya ang kasama ko bago ako nawalan ng malay. N-Nakakatakot siya, Errol." Sabi ko. Nilakasan ko na ang loob ko. Pagkatapos ng mga pananakot ni Erwan at napanaginipan ko, nagawa ko pa rin sabihin iyon kay Errol.

Nagsalubong ang kilay ni Errol. "What?"

Tinitigan ko siya para maipakita ang sinseridad ko. "Totoo ang mga sinabi ko. Pinipilit niyang ako si Jersey at tinakot niya ako. P-Papatayin daw niya ako kapag hindi kita nilayuan... n-napanaginipan ko rin si Erwan... galit na galit siya sa akin..." giit ko at kinwento ang lahat nang napanaginipan. Nangingilid ang mga luha ko sa takot. Nanlalamig pa rin ako.

"What the..." hindi makapaniwalang tinitigan ni Errol ang palad ko. Namutla siya. "Peklat ito?" tukoy niya sa light brown na nasa gitnang palad ko. Hindi iyon visible sa unang tingin. Napagkakamalan lang iyon guhit. Pero sa katulad kong nagmamayari ng katawan, alam ko na hindi iyon guhit kundi mababaw na pilat. Kaya marahil hindi rin iyon agad napansin ni Errol dahil na rin sa hindi siya kapansin-pansin. Ngayon ko lang iyon natitigan dahil naging laman iyon ng panaginip ko.

Lumuluhang tumango ako. "Nakuha ko noong naaksidente ako."

Nagsalubong ang kilay ni Errol. "You had an accident? How come you didn't tell me?"

Napakurap-kurap ako. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niya. "Dahil hindi naman iyon mahalaga sa tingin ko."

Naihilamos ni Errol ang palad sa mukha at tumahimik. Mukhang nagisip ng malalim. Kinabahan naman ako. Mukhang binibigyan ng ibang meaning ang lahat.

"Let me see you palm." Sabi niya kapagdaka. Iniabot ko naman iyon at tinitigan niya. Tahimik lang siya habang kinabahan naman ako.

"Tell me about your a-accident." Sabi niya. Hindi lumingon sa akin kundi nakatitig pa rin sa palad ko.

Bumigat ang dibdib ko. Ramdam ko, pati siya ay pinagiisipan na ako. "O-Okay... I had an accident four years ago. Honestly, wala akong maalala bago ang accident. M-May amnesia ako."

Humigpit ang hawak ni Errol sa palad ko at tumingin siya sa malayo. Hindi ko alam kung bakit lalong bumigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko, obvious na ang meaning. Maski ako ay nagdududa na pati sa sarili ko.

Pero hindi. Inilibing si Jersey. Iyon ang pinanghahawakan ko. Imposibleng ako at siya ay iisa. Walang scientific explanation doon.

"Sa pagkakatanda ko, nagkaroon ng sugat si Jersey sa palad dahil sa basag na baso. Kagaya ng panaginip mo. Sinabi niya sa akin noon na nahulog niya ang baso na mayroong lamang orange juice at nasugat sa palad. I know. Ako mismo ang gumamot sa palad niya noon." Sabi ni Errol habang nakatitig sa palad ko.

"Oh, my God..." hindi makapaniwalang bulong ko. Napanaginipan ko mismo ang nangyari kay Jersey!

"Honestly, I am confused, Erica. I have questions. Naniniwala rin ang kapatid ko na ikaw si Jersey. I want to end this." Naghihirap ang tono ni Errol at namasa ang mga mata niya nang tumitig sa akin.

And it broke my heart seeing Errol upset. "E-Errol..."

"Let's end this, Erica." Hiling ni Errol.

"H-How?" litong tanong ko.

"Have a DNA. Whatever the result, it will put an end to these questions. Please?" hiling niya.

Natigilan ako. Saglit akong nagalinlangan hanggang sa naisip kong ito nga ang paraan para matapos ang lahat at magkaalaman na.

"S-Sige. Payag akong magpa-DNA." Pigil hiningang sagot ko.

Niyakap ako ni Errol nang mahigpit. Gumanti rin ako. Ramdam ko na kahit ano'ng mangyari ay hindi aalis si Errol sa tabi ko at nagpapasalamat ako roon.

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon