THE PAST

5.7K 143 6
                                    

Four years ago...

"W-Who are you?" nangangatal ako habang nakikipagusap sa unknown number. Finally, sumagot din. Napapa-paranoid na ako. Halos hindi na ako lumabas ng bahay. Ni hindi ko nagawang bisitahin ang branch ko.

Nasira ang buhay ko. Lingid sa kaalaman ni Errol ay solo kong hinaharap ang problema. Habang tumatagal, dumarami iyon. Nahihilo na ako sa dagsa nila at hindi ko na alam kung paano pa iyon iso-solve.

"Hindi mo na ako agad natatandaan?"

Kinilabutan ako nang mabosesan ko. Nanuyo ang lalamunan ko. "E-Erwan..."

"I told you to stay away from my brother." Malamig niyang sabi.

Naiyak ako. "I-I told you I-I can't... I love Errol. And I made a promise not to tell him..."

Wala akong intensyong ikwento kay Errol ang natuklasan ko dahil ayoko rin namang sirain ang tingin niya kay Erwan. Besides, I respect his privacy. Hindi lang maintindihan iyon ni Erwan. Walang tiwala talaga sa akin. Handa pang idamay ang mga magulang ko kaya nanatili ring tikom ang bibig ko. Tino-torture talaga niya ako. Anu-anong tactics ang ginagamit niya para hindi ako patahimikim. Ito ang isa. Gumamit pa siya ng bagong number para takutin ako.

"Shut up!" biglang sabog niya. Napaigtad ako at halos mabitawan ang cellphone sa takot. He's really a monster. He made my life miserable day and night. Maisip ko lang siya, halos mahimatay na ako sa takot. Marinig ko lang ang boses niya, nangangatal na ako.

"Inuubos mo ang pasensya ko. Be ready. I will make your life miserable and kill you." Puno ng galit na pagbabanta ni Erwan bago tuluyang tinapos ang tawag.

Yanig na yanig ako. Halos hindi ako makausap nang maayos. Lagi akong lutang. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong kausapin si Errol at sabihin na ang lahat pero sa huli ay naduduwag ako.

Naiisip ko pa lang ang galit ni Erwan, pinanghihinaan na ako ng loob. Isa pa, hindi basta kaanak si Erwan. Kuya siya ni Errol. Napakataas ng tingin ni Errol dito at sisirain ko. Alam kong masisira ang samahan nila o puwedeng relasyon namin ni Errol ang masira. Hindi ko mapigilang magisip ng hindi maganda dahil natatakot ako na baka piliin ni Errol si Erwan.

Ilang araw akong tuliro. Ilang araw akong tinatakot ni Erwan hanggang sa hindi ko nakayanan. Naisip ko nang ipagtapat kay Errol. Bahala na. Ang mahalaga ay mabawasan na ang bagaheng dala-dala ko.

"E-Errol. Puwede ba kitang makausap?" pigil hiningang tanong ko isang araw. Dahil sa busy ni Errol, nahirapan akong sumingit. Nitong huli ay lagi silang magkasama ni Erwan dahil sa trabaho.

Sabado ng araw na iyon at kadalasan ay wala rin siya. Swerte na mukhang wala siyang balak na umalis. Nakapangbahay lang siya at nasa gazebo. Agad ko siyang nilapitan nang makita ko roon.

"Sure, honey. Come." Nakangiting sabi niya at inalalayan akong makaupo sa tabi niya.

Huminga ako nang malalim. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob. Maaliwalas ang mukha ni Errol. Maganda ang gising. Pero sisirain ko iyon. Pero kailangan na niyang malaman ito...

"M-May sasabihin sana ako. T-Tungkol kay E-Erwan—"

Pareho kaming natigilan nang makarinig ng busina sabay parada ng pamilyar na sasakyan. Binundol ng kaba ang dibdib ko. Napaka-timing ng dating ni Erwan!

"Speaking of the devil, he's here. Salubungin natin." Masayang sabi ni Errol at hinila ako papuntang parking lot.

Parang sasabog na ang ulo ko. Gusto ko nang maiyak pero nagpigil na lang. Pakiramdam ko ay sinasadya ni Erwan ang lahat. Wala tuloy ako sa sarili nang harapin siya. Walang ibang laman ang isip ko kundi kung paano makakahanap ulit ng tyempo.

"So you will stay here for a while?" nakangiting tanong ni Errol.

Napamaang ako at nag-angat ng tingin. Ngumisi si Erwan. Nagkaroon ng kislap ang mga mata na lubhang nakapagpangilabot sa akin.

"Yes. I'm on a vacation." Sabi niya at ngumiti sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kinayang salubungin ang tingin ni Erwan. Nangangatog ako. Alam kong mayroon siyang planong hindi maganda. Nararamdaman ko na ito na ang simula nang pagganti niya.

"Okay. That's good." Sagot ni Errol at hinarap ako. "Anyway, nandito na si kuya. Ano na iyon gusto mong sabihin sa akin tungkol sa kanya?" Nakangiting tanong ni Errol na tuluyang nagwasak ng pagasa ko.

Parang nanlaki ang ulo ko sa takot at maang na napatingin sa magkapatid. Walang reaksyon ang mukha ni Erwan pero kita ko ang bangis sa mga mata niya na pilit na itinago. Lalo iyong naghatid ng takot sa akin. Alam ko na kuha niya agad ang gusto kong mangyari.

"W-Wala. H-hindi iyon importante." Tanggi ko. Litong-lito kung paano ko isasalba ang sarili.

Naputol ang lahat nang dumating si Bruno. Hawak niya ang tablet ni Errol. Nag-excuse ito at pinakita kay Errol ang report ng isang department nito. Saglit na nagpaalam si Errol kaya naiwanan kami ni Erwan.

"You really have the gal."

"H-Hindi... h-huwag kang magisip ng hindi—ah!" impit kong tili nang hawakan ni Erwan ng mariin ang braso ko at hinila ako sa isang sulok. Pasimple siyang luminga at nang makita niyang blind spot iyon ng CCTV ay nakuntento siya.

Biglang nag-transform ang mabait na kuya. Galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"If I were you, just leave. Habang hindi mo pa nasasagad ang pasensya ko!" asik niya at sinuntok ang pader sa gilid ng mukha ko.

"Sir!" tawag ni Alvin kay Erwan. Dali-dali siyang lumapit at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. "Everything okay?" tanong niya.

Tumango si Erwan saka napabuga ng hangin. Padabog niyang inayos ang polong nagusot.

"Natapos mo ba ang inuutos ko?" tanong ni Erwan kay Alvin.

"Yes, sir." Sabi niya at napatingin sa akin. Walang emosyon doon.

Kuntentong tumango si Erwan saka bumaling sa akin. "I'll get rid of you. Kung ayaw mong ako ang gumawa, magkusa ka na. Sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. At kung binabalak mo namang magsumbong kay Errol, huwag mo nang ituloy kung ayaw mong madamay ang mga magulang mo. Isa pa, masasaktan ka lang. Kapatid ako, asawa ka lang. Blood is thicker than water."

Naluha ako sa takot nang tuluyang iwanan ng dalawa. Pakiramdam ko ay nagiisa na lang ako. Hindi ko na nagawang magsumbong. Ni hindi ko na magawang magdesisyon ng tama dahil takot na takot at naguguluhan ako.

Hindi ako puwedeng umuwi sa amin. Ayokong madamay sila sa gulong napasok ko...

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon