CHAPTER 17

5.8K 161 6
                                    

"MOM... DAD..." lumuluhang bulong ko habang pinanonood ang mga kinilala kong magulang habang inililibing. I couldn't do anything but to watch them from afar. Kailangan kong mag-ingat. Nanganganib pa rin ang buhay ko. Ito lang ang pwede kong gawin para makaligtas. Nasa likod ako ng isang malaking puno sa hindi kalayuan at doon tahimik na pinanonood ang lahat.

Mula ng pagtangkaan ang buhay ko sa ospital ay nagtago ako. Pasilip-silip ako sa burol nila Jerry. Dahil doon, lihim kong napanood ang mga naging pagbabantay nila Errol at Erwan. Alam ko, umaasa silang darating ako.

Good thing, mayroon akong safety deposit box sa isang banko at walang nakakaalam noon kundi ako lang. Walang nagdeklarang patay na ako kaya noong balikan ko ay na-claim ko pa rin ang lamang pera at mahahalagang papeles. Iyon ang ginamit kong pondo para makapagtago sa malayong villa.

Naging laman ng balita ang nangyari kina Jerry. Ginusto kong makipagugnayan sa mga pulis pero sa huli ay pinili kong magtago. Erwan and Errol were personally handling everything. Alam ko. Nararamdaman ko na mayroon silang kinalaman sa lahat. Si Erwan lang naman ang mayroong matinding motibo. At si Errol? Kagaya na lang noon ay natural lang na kakampihan niya si Erwan. Blood is thicker than water.

Sobrang sama pa rin ng loob ko. Ang nakakasakit pa, mahal ko pa rin si Errol. I hate myself for that. I almost gave in but every time I remember what happened between us and what I've been through, I hold back.

Napakagulo na sa pagitan namin ni Errol. My dauntless changes and his connection to his brother were separating us. Hindi na magbabago iyon. Walang puwedeng makapagpabago. Kaya kailangan ko nang tanggapin na hindi na kami magtatagpo. Kailangan kong mabuhay. Kailangan kong lumayo sa kanila at magtago.

Agad akong nagtago sa puno nang mayroong dumating na mobile ng pulis. Pasimple na lang akong sumilip at nakita si Erwan na lumapit sa mobile. Kasunod niya si Alvin na pasimpleng iginala ang paningin. Mukhang nagmamatyag. Agad akong nagtagong maigi sa likod ng puno.

And I felt helpless. Kanino ako puwedeng humingi ng saklolo para matapos na ang lahat? Sa mga pulis? Muntikan na akong matawa nang mapakla. Hindi bastang tao sina Erwan. They were billionaires. They were influencers. May mga connection sa loob at labas ng kapulisan. Sino ang maglalakas loob na kalabanin sila? Sino ang maniniwala sa isang kagaya ko? Sa totoo lang ay wala akong solid proof at baka mapagtawanan pa ako.

Nanghihina ako sa sariling sitwasyon pero naisip ko, sa ngayon ay mas kailangan kong maging wise. It's better to hide. Palalamigin ko muna ang sitwasyon at magiisip ng paraan para tapusin ito. Kaya nang matapos ang libing at magsiuwian na sina Errol ay umuwi na rin ako.

Hungkag na hungkag ang pakiramdam ko. Nakatitig lang ako sa cellphone at nangingilid ang luha. Gustuhin ko mang tawagan si Mama Chita ay hindi ko magawa. Hindi na rin niya ako matatawagan dahil iba na ang number ko. Iwas trace. Hindi ko rin matawagan ang mga tao ko sa mga negosyo ko. Sa tingin ko rin ay mas magandang dumistansya sa mga taong malalapit sa akin. Wala silang alam, mas ligtas sila.

I am all alone. It was frustrating. Napakaraming nasa-sacrifice. Pero kailangan kong tiisin ang lahat para sa sarili kong kaligtasan.

***

"Mom, dad... I'm sorry for everything..." lumuluhang anas ko habang nagtitirik ng kandila. Hindi ko nagawang lapitan ang puntod nila kaya sa isang simbahan na lang ako nagpupunta para roon magtirik. Siniguro ko rin na walang makakilala sa akin. Nakasuot ako ng bonet at mask. Hanggang ngayon, guilty pa rin ako sa mga nangyayari.

Five days na ang lumipas mula noong mailibing sila. Dalawang linggo na akong nagtatago at sa loob ng ilang araw na iyon ay napagisip kong magpakalayo-layo muna. Lalantad ako sa tamang panahon.

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon