"Wow. Chopseuy, steamed fish, fruit salad and plain rice." Natutuwang sabi ni Errol pagbukas niya ng mga lunch boxes. Wala siyang nagawa dahil binaunan ko pa rin siya ng tanghalian. Kung hindi ko naman siya magagawang hatiran ay pinakukuha ko iyon kay Bruno. May mga pagkakataon kasing hindi ko rin siya nagagawang puntahan dahil may mga inaasikaso ako tungkol sa negosyong gusto kong itayo.
It's been two weeks and everything was going smoothly. Natahimik na rin kami. Walang panggugulong ginawa si Erwan. Hindi na rin nababanggit ni Errol si Jersey. Tahimik na tahimik. Kaya nagkaroon din kami ng pagkakataong makilala at maging close maigi ni Errol.
Wala akong reklamo. The sex was so good too, both of us were enjoying it. I know. I can see it in him. Every time that we were close and alone, we were like two chemicals having an intense reaction.
Lihim akong napangiti. Just this morning, we had a bathroom sex. Inabutan ko lang siya ng towel and voila!—we ended up having an amazing sex. What happened made my day. Magaan ang pakiramdam ko. Ganado akong pagsilbihan siya. Nakikita ko rin namang masaya siya.
And I know it wasn't all about sex. Ramdam ko sa sarili ko na hindi lang ako basta masaya dahil magaling siya sa kama. One of the reason I know and I can feel is the connection that was slowly building between us. Lumalalim iyon sa paglipas ng mga oras.
"Dig in." sabi ko at pinagsilibihan si Errol. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang pinggan niya saka sinalinan siya ng lemon water. Nang makita kong ganado siya ay natuwa ulit ako.
Magana na rin akong kumain. Dahil sa ganitong appetite ni Errol ay nahahawa rin ako. Kaya sa loob ng dalawang linggo ay nadagdagan ako ng timbang. But that was okay. Regular pa rin ako sa exercise at mayroon pa ring shape. In fairness din, natutuwa si Errol na makitang nagkakalaman ako. And I am glad he likes what I become.
"More rice?" alok ko.
"Yes, please." Sagot niya at inilapit ang pinggan. I gladly obliged. Sinalinan ko pa siya ng kanin at ulam. Hindi nagtagal ay magsalo na kaming kumakain ulit hangga't matapos.
"Oh, before I forgot. Natapos ko na ang business plan ko." Natutuwang announce ko habang nagpapahinga kami.
"Really? Let me see."
Agad na akong tumalima. Nilabas ko ang folder sa bag at pinabasa ang Erica's Cosmetics business plan. Seryoso naman si Errol. Patango-tango. Ako naman ay halong excitement at kaba ang nararamdaman habang naghihintay ng verdict niya. Ayokong mapahiya sa kanya kaya nagaalalangan tuloy ako. He's a well-known businessman! Siya ang nagre-review ng research ko!
"W-what do you think?" kinakabahang tanong ko nang isara ni Errol ang folder.
"I think it's good. You are good. Are you really sure this is the first time you made a business plan?" paniniyak ni Errol.
Natawa ako. "Oo naman. Bakit?"
"Parang professional ang gumawa. You're good." Puri niya na nagpataba ng husto sa puso ko. Naramdam tuloy ako ng slight kayabangan.
"More on research lang." medyo nahihiyang sagot ko at nakangiting binuklat ang folder. Naalala ko tuloy ang ilang oras kong pagre-research sa internet tungkol sa mga cosmetics. Naalala ko ilang beses sumakit ang mata ko at ulo kakaisip kung paano iyon gagawin. All those hardships were paid off! Ah, muntik na akong maiyak.
"I will start this as soon as possible." Halos naninikip ang dibdib kong deklarasyon.
Errol didn't utter any words. He just simply stared at me fondly and touch my hair. It melts my heart. The softness of his eyes softens my heart too.
"Why?" malumanay kong tanong.
Umiling siya. "May... naalala lang ako."
Hindi ako nakaramdam ng galit o sama ng loob ng sandaling iyon. Nakakaunawang tumango ako. "Si... Jersey ba?"
Matagal bago siya tumango. "I'm sorry. Bigla ko lang siyang naalala."
"No, no. Naiintindihan ko. Alam kong hindi ganoon kadaling kalimutan siya. Hindi kita masisisi. Ito nga, oh." Turo ko sa mukha ko at mahinang natawa saka nailing. "I looked exactly like her. Paano mo siya agad makakalimutan, 'di ba?"
"Pareho kayong mahilig sa make up. Naalala ko iyong time bago niya itinayo ang Jersey Cosmetics. Ganitong-ganito rin siya ka-excited." Amin niya.
Namilog ang mga mata ko. "J-Jersey Cosmetics?" gulat kong tanong at inilabas ang mga make up ko saka ipinakita kay Errol. "Ito? Kanya ito?" paniniyak ko.
Tumango si Errol. Sa halip na ma-intimidate at mainggit, namangha talaga ako. Gustong-gusto ko ang mga produkto ng Jersey Cosmetics kaya humanga pa ako na ang mismong may-ari noon ang nakakahawig ko. I mean, nakaka-flatter iyon. Hindi ako nakaramdam ng negative.
"You're not angry?" takang tanong ni Errol.
"No! Nagulat lang ako!" bulalas ko at napatitig sa mga lipstick. At habang nakatitig sa mga produkto ni Jersey ay mayroon akong naisip.
Inaamin ko na namamangha ako kay Jersey. Namamangha rin ako sa mga kaganapan. Maliit talaga ang mundo sa aming dalawa ni Jersey pero hindi ako dapat mabuhay na lang sa mga anino niya.
Hindi ko ito kinakagalit. I take is as a challenge. Huminga ako nang malalim at napatango. Hinarap ko si Errol.
"I change my mind." Deklara ko.
"What?" gulat na tanong ni Errol.
Ngumiti ako. "Just wait and see." Sagot ko at binalik ang folder sa bag. "I will give you another business plan. Okay?"
Tumiim ang titig ni Errol. "Are you really okay?"
"Of course. Trust me." Sagot ko saka kumindat.
Tumahimik na si Errol. Ako naman ay nagisip pa ng ibang negosyo na fit sa personality at hilig ko.
At parang nagkaroon ng bumbilya ang isip ko. I thought a brilliant idea and I smile.
And I get so excited! Linggo lang ang bibilangin para mapakitaan ko ng plano si Errol. Agad ko iyon ginawa noong umuwi ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/209660468-288-k212784.jpg)
BINABASA MO ANG
DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)
General FictionWARNING!! R18 💥💥 [[COMPLETED]] 💕💕💕This is a stand alone novel.💕💥 "Ako si Erica Valentino. 💕 Isang boldstar. 💥 Basahin niyo ang aking kwento. 📚 Mamahalin ba ang isang kagaya ko? O ikakahiya lang at itatago?" 💔 -------------------**********...