ROAD TO FOREVER (FINALE)

8.8K 225 14
                                    

After one year...

"Jersey, you are so beautiful." Buong paghangang sabi ni Errol nang ganap na akong makalapit. Inilahad ko ang kamay ko at kinuha niya iyon saka hinalikan sa ibabaw. Naginit ang puso ko. Nasa kamay ko ng oras na iyon ang kaligayahan ko.

It's our wedding day. Sa wakas, nangyari rin. Binago namin ang naunang plano na bonggahin ang kasal. Nagdesisyon kaming gawin iyong simple pero espesyal. Sa isang lumang simbahan sa Manila iyon kasalukuyang ginaganap. Ang reception ay sa hotel. Mga malalapit lang na kaibigan at kaanak ang imbitado.

Matapos i-settle ang mga papeles namin ni Erica at maiuwi siya saka mailibing sa isang private cemetery sa Manila ay inayos ko naman ang Erica's Haven at Jersey's Collection. Hindi ko na pinapalitan ang pangalan ng haven. It was intended for my deceased twin sister. Ginawa ko na ring owner noon si Mama Chita. Alam kong pangarap nila ni Erica iyon at nangako naman siyang palalaguin pa. Natutuwa akong makitang nagbago na rin si Mama Chita. Nag-focus na rin siya sa haven.

Nakakulong pa rin sina Erwan, Alvin at Jimmy. Tuluyan na kaming nawalan ng koneksyon sa tatlo. Iyon ang ginawa naming desisyon ni Errol para makalimot. Pinagdarasal na lang namin n asana ay dumating ang oras na pagsisihan nila ang lahat.

Nakakabangon na kaming magasawa sa lahat. Both of us made ourselves busy. Dahil doon ay lumago pa ang Jerseys' Cosmetics. Ganoon din ang negosyo ni Errol. Nakakatuwang nakatulong iyon sa pag-move on naming pareho.

Nagsimula na ang kasal. Pareho kaming seryoso ni Errol sa pakikinig sa pari hanggang sa matapos iyon.

"You may kiss your bride." Sabi ng pari.

Tumango si Errol at hinarap ako. Hindi ko mapigilang mapahagikgik. Napangiti rin si Errol. "What's funny about the kiss part?" tanong niya habang inaayos ang belo ko.

"Ilang beses mo na ba akong pinakasalan?" biro ko at tumingala. Hinintay ko ang labi niyang halikan ako.

He slowly grabbed my waist. "This is the third time. And I am willing to marry you again any time."

Natunaw ang puso ko. Tumingkayad na ako at ginawaran siya ng halik. Saglit naming nalimutan ang lahat hanggang sa tumikhim ang pari. Napilitan tuloy kaming maghiwalay at ngumisi.

"Let's skip the reception." Bulong ni Errol.

Natawa ako pero tumango rin. "Good idea."

And we really skipped it. Si Bruno na lang ang inutusan naming humarap sa mga bisita. Sa bahay kami dumiretso. Mamayang gabi pa ang flight namin papuntang Maldives para sa one month honeymoon. Sa pinto pa lang ay hindi na namin napigilan ang mga sarili namin. Pagkasara ng pinto ay hinubaran na namin ang bawat isa.

Natigilan lang kami nang mag-ring ang cellphone ni Errol. Hindi na sana namin iyon papansinin nang maging persistent ang caller.

"I think you have to answer it." Hinihingal kong sabi.

"Damn it!" bulalas ni Errol at kinuha sa sahig ang pantalon saka kinalkal ang bulsa. Nang makita ang caller ay napakunot ang noo niya. "It's international call." Sabi niya at pinakita ang mga number na mukhang galing sa isang landline buhat sa ibang bansa.

"Sagutin mo na." udyok ko.

Tumalima si Errol. Natigilan ako nang makitang natigilan siya saka saglit na kinalikot ang cellphone hanggang sa mag-speaker mode iyon.

"Erwan. What do you need? How did you call me? Tumakas ka?" malamig na tanong ni Errol at nagkatinginan kami.

"It's an ICS or Inmate Calling Service. I have only fifteen minutes to talk to you. I heard it's your wedding day." Sabi niya. Napakapit ako kay Errol.

Nagsalubong ang kilay ni Errol. "Still spying on us, huh? Kailan ka titigl, Erwan?"

Napabuntong hininga si Erwan. "I can't help it. I asked my lawyer to look for you. I wanted to know if you're okay. I'm still your brother."

Lumambot tuloy ang puso ko sa narinig kay Erwan. Ramdam ko ang sincerity niya bilang nakatatandang kapatid.

"I am good now." Simpleng sagot ni Errol.

"That's good." Malungkot na sagot ni Erwan.

"If you have nothing to say—"

"I'm sorry." Putol ni Erwan at napabuntong hininga. "I'm sorry for all the trouble. I know, mahirap itong paniwalaan pero tama si Alvin. I've been very harsh on everything. M-masyado kasi akong na-threaten kay Jersey kaya ko nagawa. Natakot akong malaman ng lahat ang tungkol sa kasarian ko at sa sexual disorder ko..."

Nagkatinginan kami ni Errol. Napalunok ako nang makitang lumambot ang mga mata niya. Alam kong mayroong softspot pa rin sa puso niya si Erwan. Magkapatid sila.

"Every time I see her, naalala ko ang kahinaan ko, naalala ko kung ano ako. Kaya sa tuwing nakikita ko siya, gusto ko siyang mawala. N-nasiraan ako kakaisip ng paraan para mawala siya. And I am really, really sorry... napakarami ko nang gulong magawa para mapatawad niyo pa... Kaya maiintindihan ko kung hindi niyo ako mapapatawad. What I did was unforgivable." Ramdam ko ang pagsisisi sa boses ni Erwan. At alam ko na sa boses pa lang niya ay iba na siya. Hindi na siya katulad ng dati.

"Right." Simpleng sagot ni Errol.

Napabuntong hininga si Erwan. "My time is up. Magiingat kayo palagi." Sabi ni Erwan at tuluyang nagpaalam.

Natahimik kami ni Errol nang mawala na sa linya si Erwan. Niyakap ko siya mula sa likuran at sumandig sa malapad niyang likod.

"Are you okay?" tanong ko.

"Yeah. You?" tanong niya at humarap.

"I'm good." Amin ko. Kahit hindi tuluyang nabura ng sorry ni Erwan ang galit ko sa mga ginawa niya, natuwa ako sa kaalamang tanggap niya na hindi namin siya basta mapapatawad.

Tumango si Errol. "All of us needed time. Kapag dumating ang tamang oras, pareho nating mapapatawad si Erwan."

"Right. Kiss me. Right now." I demanded.

Tumalima si Errol. He kissed me, hold me. And right that very instant, we made love. Sa sala ako paulit-ulit na inangkin ni Errol. Nandoon na ihiga niya ako sa sofa o center table. And the final fuck was on the carpet.

And that very moment, our first child was conceived. We named him Xerxes after nine months. Our bundle of joy looked like exactly his father.

I am indeed lucky.

***THE END***

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon