"Hmmm..." ungol ko nang unti-unting bumabalik na ako sa reyalidad. Unti-unti kong pinakikiramdaman ang sarili ko at napansing magaan pa rin iyon saka nangangatal. Lintik na lobster. Masarap nga pero mahirap palang kainin.
Pero napaisip ako. Pareho kaming mayroong allergy ni Jersey. Sa totoo lang ay hindi ako aware. Buong buhay ko ay wala akong matandaang kumain ng lobster kaya wala akong ideya na mayroong allergy doon.
At kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba. Every time na nai-co-compare ako kay Jersey, ngayon lang ako deeply naapektuhan. Naisip ko na maikukumpara na naman ako sa kanya at baka siya na naman ang makita sa akin.
Pinilit kong gumising hanggang sa nagawa kong imulat ang mga mata ko. Mabigat pa rin iyon at humihingi ng pahinga. I want to sleep more. I felt groggy.
"E-Errol..." paungol kong tawag at hinanap siya nang tingin. Unti-unting lumiwanag ang buong paligid kaya nalaman ko na hindi iyon ang kuwarto namin.
"I'm here. Are you okay?" malamyos niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Naupo siya sa tabi ko.
"Where am I?" paungol kong tanong.
"Hospital. Dinala ka namin agad dito kanina." Seryoso niyang sabi.
Napatango ako at ipinikit ulit ang mga mata. Saglit kong ipinahinga iyon bago ulit nagmulat. "Nangangatal pa rin ako." Sabi ko.
"It's because of the epinephrine. You had anaphylaxis—a severe whole body allergic reaction. You lost consciousness because of tightening of you airway." Paliwanag ni Errol.
Kinabahan ako at natutop ko ang bibig. Muntik na akong mamatay dahil sa lintik na lobster!
"I-I'm sorry... I didn't know... Hindi kasi kami kumakain ni Mama Chita ng ganoon..." paliwanag ko.
"It's okay..." masuyong sabi ni Errol at hinaplos ang buhok ko. "Sleep and rest. You are also under observation. We need to stay here until your allergies are gone."
Tumango ako at pumikit. Hindi nagtagal ay nakatulog ako. Dala siguro iyon ng gamot. Nahimbing naman ako pero naalimpungatan nang marinig na nagdidiskusyon si Errol at Erwan.
"She's Jersey! I knew it!" gigil na giit ni Erwan.
"Shut it. Just shut it! Baka magising siya!" giit din ni Errol.
Pasimple akong nagmulat at nakita kong parehong nakatayo sa tabi ng bintana ang magkapatid. Parehong nakaharap ang dalawa sa bintana at panaka-nakang nagkakatinginan dahil sa paguusap kaya hindi nila ako pansin. Kinakabahan ako sa naririnig ko pero pinanindigan kong tulog at nakinig.
Napabuga ng hangin si Erwan. "She's just playing dumb. Pinaglalaruan ka lang n'ya. Gumaganti siya! If I were you, confront her!"
"No! Hindi siya si Jersey. I know it. Kitang-kita kong si Jersey ang inilibing namin." Giit ni Errol.
"Paano kung sinadya niya lang ito? Paano kung hindi talaga si Jersey ang inilibing mo? Paano kung kamukha lang niya? Think all the possibilities, Errol!" giit ni Erwan.
"Okay. Let's say she wasted all this much just to do what you are saying right now. Bakit naman niya ito gagawin?" hamon ni Errol.
Saglit na hindi kumibo si Erwan. Nabitin sa ere ang paghinga ko dahil curious din ako sa mga haka-haka ni Erwan. Hanggang sa namangha ako sa narinig niyang teorya tungkol sa akin.
"Revenge. She wants revenge! You dumped her, right? After four years, you met her again. Fell for her again. Gusto niyang gumanti sa mga ginawa mong pangiiwan sa kanya noon! It's possible, Errol. It's possible!" giit ni Erwan.
"Get out. Get out before I lose my temper." Angil ni Errol. Ramdam ko ang gigil niya. Parang nagpa-palpitate na siya sa inis.
"Errol—"
"I said get out!" singhal ni Errol. Napaigtad pa ako pero pinanindigan kong tulog pa rin ako. Stress na stress tuloy ako. At doon ko napagtanto na napakahirap pala ng sitwasyon ko. Gusto kong mag-react pero hindi ko magawa.
Narinig ko na lang na bumukas-sara ang pinto. Ilang minutes ang lumipas ay dahan-dahan kong naramdamang naupo si Errol sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan.
Hindi na ako nakatiis. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad ang guwapong mukha ni Errol. He was staring at me fondly. His eyes was watering and I know exactly why. Kita ko ang frustrations sa mga mata niya. Alam kong dahil iyon sa paguusap nila ni Erwan kanina.
"E-Errol..." anas ko at hinaplos ang pisngi niya.
"How do you feel?" tanong niya.
"Nagiging okay na. Ikaw? You looked... upset." Panghuhuli ko. Umaasa ako na magkukwento siya.
Tumahimik si Errol at tinitigan lang ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nangungusap ang mga mata niya. "Marami lang akong iniisip."
Tumango ako. "A-ako ba ang iniisip mo?"
Masuyo siyang ngumiti. "Oo. Iniisip kita." Sagot niya saka hinalikan ako sa noo. I feel his sincerity. I feel his love and I am satisfied.
"Magpahinga ka na. Both of us had a long day." Sabi ko.
Tumango si Errol. He tucked me in bed and kiss me again on my forehead. Sa extra bed siya nahiga. Naunang nakatulog si Errol dahil na rin sa pagod. And I end up watching him. At ipinagdasal ko na sana, anuman ang gumugulo sa kanya ay matigil na para magkaroon siya ng kapayapaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/209660468-288-k212784.jpg)
BINABASA MO ANG
DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)
Fiction généraleWARNING!! R18 💥💥 [[COMPLETED]] 💕💕💕This is a stand alone novel.💕💥 "Ako si Erica Valentino. 💕 Isang boldstar. 💥 Basahin niyo ang aking kwento. 📚 Mamahalin ba ang isang kagaya ko? O ikakahiya lang at itatago?" 💔 -------------------**********...