"Ang ganda!" bulalas ni Eunice nang makita ang resulta ng make up at simple gown na suot niya. Ako mismo ang nagayos sa kanya. Maski ako ay humanga dahil na-enhance pang lalo ang beauty niya. Now I realized another difference between us. Kahit pareho kami ng beauty ay iba ang charisma niya. Kapag ngumiti siya ay para siyang nangaakit. Sa aming dalawa, ako siguro ang masasabing wholesome.
"See? I told you to be this simple and elegant. You will just stand out." Sabi ko at inayos ang gown.
"Thank you. Ang bait-bait mo, alam mo ba 'yon. Magmula ng dumating ka ilang araw nang nakararaan, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako at ilibre. Huwag kang magalala. Kapag sumikat ako, ako naman ang bahala sa'yo." Pangako niya.
Sumeryoso ako. "Are you still a member of that porn site?"
Napangiwi siya. "Sayang, eh. Dollar ang kita ko roon."
Nadismaya ako. Napagusapan na namin iyon pero sumisige pa rin pala siya. "But you can't be my image model if you will still post on that site. Masisira ang pangalan mo as endorser. Madadamay pati ang product ko." Sabi ko.
"Oo na, oo na. Buburahin ko na ang account ko doon, okay?" sabi niya at ngumisi. "Halika. Maupo na tayo. Huwag nang mainit ang ulo mo. Ikwento mo na lang sa akin ang tungkol sa US. Saan ka nag-aral at kung saan ang business mo. Maganda ba sa US?"
Ngumiti ako at tumango. Nagkwento na lang ako nang tungkol sa business at mga magagandang pasyalan doon. Patango-tango naman siya hanggang sa hinawakan niya ako sa kamay.
"May naisip ako. Sana pumayag ka." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yun?"
Ngumisi siya. "Magkamukha tayo. Puwede kong gamitin ang passport mo para makapunta roon. Huwag kang magalala. Babalik din naman agad ako. Gusto ko lang sumubok pumunta roon at maglibot."
Agad akong umiling. Kinakabahan ako sa gusto niyang mangyari. "No. We can't do that. Paano kung mahuli ka? No. Hindi ko puwedeng ilagay kita sa alanganin." Tanggi ko.
"Ano ka ba? Paano ka mahuhuli kung magkamukha naman tayo?" natatawang tanong ni Eunice.
"Hindi naman tayo pareho ng penmanship."
Iwinasiwas niya ang kamay. "Naku. Minamaliit mo ako, sissy. Kahit ganito ako, may talent ako." Nakangisi siyang kumuha ng papel sumubok ng ilang beses hanggang sa nagawa niyang gayahin ang penmanship ko at pirma! "Napakadaling gayahin ng sulat mo. Hindi naman din kasi tayo nagkakalayo ng sulat."
Namangha ako pero sa huli ay umiling pa rin. "No. I still can't let you." Sabi ko.
"Kahit maglumuhod ako? Please?"
Naglumuhod nga! Napamaang ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ako. Her eyes are pleading! How could I say no to my one and only sister?
"Please... please... please... pangako, magiging maingat ako. Sandaling-sandali lang ako doon." Pakiusap niya.
"Fine! Don't do anything stupid. Okay?" mahigpit kong bilin.
Napatili si Eunice at niyakap ako nang mahigpit. Natawa na lang ako at napailing sa aming magkapatid. Kinabahan din ako pero sa huli ay inisip kong first and last time ito na pagbibigyan ko sa kalokohan ang kapatid ko.
"So ikaw muna si Eunice, at ako muna si Jersey." Nakangising sabi ni Eunice saka binigay ang wallet at passport niya. Pati cellphone ay ibinigay niya. "Baka may tumawag. Ikaw muna ang bahala sa identity ko. Wala naman akong importanteng tawag na hinihintay kundi 'yung tawag lang ni Mama Chita."
Napailing ako at kinuha ang bag. "Fine. Ako muna si Eunice." Sakay ko sabay abot din ng passport at wallet ko. Pero hindi ko ibinigay ang cellphone ko. "Mayroon cash d'yan at credit card. Use it. Kailangan mo ng ibang cellphone para magamit sa US. You can't use mine. Baka client ang makausap mo at hindi mo masagot ang ilang mga itatanong nila."
Napatili ulit si Eunice at niyakap ako ng mahigpit. Tuwang-tuwa siya at alam kong malaking bagay ito para sa kanya. Malamang para sa iba ay napakababaw nito pero para sa aming magkapatid ay hindi. Sa akin ay malaking bagay din mapasaya at mapagbigyan ang kapatid ko na ngayon ko lang nakasama.
Kinabukasan ay iniayos ko ang flight ni Jersey. Nagpa-book ako at binigyan siya ng map sa New York. Itinuro ko sa kanya kung saan magandang mag-shopping.
"Take care, okay?" bilin ko.
Tinitigan ako ni Eunice saka siya ngumiti. "Salamat. Ang bait mo. Thankful ako dahil nagkakilala tayo. Si Mama Chita, darating na mamayang gabi. Kung gusto mo siyang makita, dumito ka na. Pero kung hindi ka pa ready, naiintindihan ko. Marami pa namang araw para makipagkita ka sa kanya."
Tumango na lang ako. Sa huli, excited nang nag-empake si Eunice. Sasamahan ko sana siyang ihatid sa airport pero hindi ko nagawa dahil na rin sa sumama ang tyan ko. Binilinan ko na lang na huwag niyang kalimutang bumili ng bagong cellphone at tawagan ako sa number na ibinigay ko.
Minabuti kong mag-stay na lang sa hotel. Nang bumuti ang pakiramdam ko ay naalala ko si Mama Chita. Natukso akong bumalik para makita siya. Doon ko napatunayan na kahit pala hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa akin noon ay hindi ko pa rin magagawang magalit ng lubos. She's still my mother after all. And in order to fill that void, I decided to finally go and see her.
Nag-check out na ako at umuwi sa apartment nila Eunice. Gabi na at wala pa si Mama Chita. Napabuntong hininga na lang. Minuto ang lumipas bago ako nakatanggap nang tawag kay Mama Chita. Kinakabahan ako habang kausap siya.
"Hello? Hindi ka na nagsalita. May sakit ka ba?" takang tanong ni Mama Chita.
Tumikhim ako at agad ipilig ang ulo. "W-Wala ho. Ano ho ulit ang sinasabi niyo?"
"Sabi ko, na-delay ang flight. Bukas pa kami makasakay ng eroplano. Magiingat ka d'yan, ha?" bilin niya.
"S-Sige ho."
Hinang napaupo ako sa sofa nang matapos ang tawag. Pinagpawisan pa ako ng malamig. Ilang beses ko pang kinalma ang sarili ko bago ako nakakilos ng normal.
Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag kay Eunice. Masayang-masaya ang kapatid ko. 'Sarap daw maging mayaman. Naka-check in siya sa five star hotel at magsho-shopping sa Manhattan.
Ngiting binaba ko ang cellphone. Bumangon na ako at naligo. Habang nagsusuklay ay narinig kong tumunog ang message alert tone ng cellphone ko. Agad ko iyong kinuha.
At nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang message— you will die this day. You better hide.
The message came from unknown number. Pero kahit hindi ko kilala iyon, nagkaroon agad ako ng idea kung sino ang gusto akong mamatay. Bigla ang pagbalot ng takot. Umabot iyon sa kaluluwa. Mabilis kong pinagana ang isip ko. Agad akong nagpa-book ng ticket pauwi. Sinubukan ko ring tawagan si Eunice pero hindi na siya sumasagot sa cellphone.
Halos maiyak ako sa sobrang pagaalala. Sobrang pinagsisihan ko rin ang pagpayag na magpunta siya sa US. Baka madamay pa siya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Alam kong kagagawan ito ni Erwan. Napakahayop! Hiwalay na nga kami ng kapatid niya, ayaw pa rin niyang tumigil! Sobrang sama!
Umarkila ako ng tricycle. Sapilitan na dahil mayroon daw iyong service. Pero dahil nag-offer ako nang malaking pera, napasubo na siya at nanghinayang. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko nakayang hintayin pa ang tinawagan kong taxi. Kailangang gumawa ako ng paraan para makauwi sa US.
"Sir, please! Make it fast!" nagaapurang giit ko nang makitang naiipit na kami sa traffic.
"Pambihira naman, Ma'am, traffic na ho, eh. Huwag niyo akong kulitin!" naiinis na ring sagot ng driver.
Pero hindi na ako napahiya. Dasal ako ng dasal na sana'y makarating na ako agad sa US. Kailangan ako ng kapatid ko. Natatakot ako para sa kanya.
Nag-counterflow ang sinasakyan ko. Mukhang gusto na ring makaalis sa lintik na traffic. But it was a wrong move. Napatili ako nang makitang mabubunggo na kami ng van.

BINABASA MO ANG
DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)
General FictionWARNING!! R18 💥💥 [[COMPLETED]] 💕💕💕This is a stand alone novel.💕💥 "Ako si Erica Valentino. 💕 Isang boldstar. 💥 Basahin niyo ang aking kwento. 📚 Mamahalin ba ang isang kagaya ko? O ikakahiya lang at itatago?" 💔 -------------------**********...