CHAPTER 20

8.5K 332 59
                                    

A/n: Sorry for the late update guys. Hopefully this 2020 maka update na ako regularly. I'll try my best. Hehe! And lastly gusto kong mag thank you sa inyong lahat. I love you all and happy new year.

(NOT EDITED! BEWARE!)
-----

-MATT

Marami pa kaming pinag-usapan ng doctor pa tungkol sa pagbubuntis ko pagkatapos nya akong ma ultrasound. May mga sinabi sya na mga do's and don'ts na dapat at hindi ko dapat gawin. Sinabi nya din saakin na kailangan daw na bumalik ako next month for my next check-up.

She also give me prescription of vitamins na dapat kung inumin para sa aming dalawa ni baby. Binigyan nya din ako ng gamot na makakatulong daw saakin na mabawasan ang pagkahilo at pagsusuka ko sa umaga na ipinagpasalamat ko sa kanya lalo pa at ayoko munang ipaalam sa iba ang tungkol sa pagbubuntis ko.

At bago ako umalis ng hospital ay nangako din sya sa akin na walang ibang makakaalam ng kondisyon ko ngayon maliban sa aming dalawa lang muna. Tumango ako at nag pasalamat sa kanya dahil dito.

--
Gabi na ng makauwi ako sa amin. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si Mom at Dad sa may living room namin magkatabing magkaupo at mukhang may hinihintay. Mababakas din sa mga mukha nila ang pag-aalala. Nang maisara ko na ang pintuan at makita nila ako ay mabilis silang tumayo at nilapitan ako.

Agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Mom. "Matt anak! Saan ka ba galing bata ka? Alam mo kanina pa kami sobrang nag-aalala sayo, ni isa sa mga text at mga tawag namin ay wala kang sinagot! Saan ka ba nag punta huh?" Tanong nya sa akin.

Hindi ko umimik o niyakap manlang sya pabalik. I just stood there emotionless.

"Anak naman sasusunod kung aalis ka ng bahay mag sabi ka, hindi yung basta basta ka nalang mawawala ng hindi namin alam kung san ka hahanapin. Delikado na ang panahon ngayon anak. Alam mo ba muntik na kaming mag patawag ng search party para sayo. We are so worried son" Dagdag pa ni Dad at hinawakan nya ang aking balikat. Pagkatapos ay humiwalay ng yakap sakin si Mom at hinawakan ang aking mukha. Kitang kita ko ang sobrang pag-aalala sa kanyang mukha at Maiyak iyak na din sya ngayon.

"Are you hurt? Wala namang nangyaring masama sayo diba? Anak naman kasi please don't do that again. Goodness! Saan ka ba kasi nag punta at ngayon ka lang umuwi?" She asked again.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. I badly want to shout at them right now and demanded why they have to keep it from me. Kung bakit nagawa nilang ilihim ang bagay na dapat ay alam ko. Yes! I know they want to protect me BUT still! Matanda na ako ngayon at mas nakakaintindi na ng mga bagay bagay but no! They still keep it a secret! Kung hindi pa ako na buntis ay hindi ko pa ito malalaman.

Kaya sobrang nasasaktan ako ngayon kaya ayoko muna silang makaharap.

"Pwedeng bukas nalang po natin ito pag-usapan? Gusto ko na po sanang magpahinga dahil pagod ako" Walang ganang sabi ko.

Hindi makapaniwalang tinignan ako ng aking mga magulang specially Mom. Nang nakita kung magsasalita pa sana sya ay mabilis ko na silang tinalikuran at naglakad na papaakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pang tinawag ako ni Dad pero hindi ko na sya pinakinggan pa. I just need to rest right now dahil sobrang pagod na pagod ako hindi lang physically but also emotionaly.

--
Kinabukasan ay maaga akong nagising at umalis ng bahay. I just left a note telling my parents that I'm going somewhere to meet a friend at babalik din ako agad but the truth is hindi naman talaga. I also turn my phone off para hindi nila ako matawagan. Gusto ko munang magkaroon ng katahimikan kahit ngayon lang.

HIS PLAYBOY M-preg Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon