CHAPTER 11

8.1K 310 24
                                    

(NOT EDITED! BEWARE)

A/n: Pasensya na sa tagal ng update. Wala kasi akong maisip na idea. Walang pumapasok sa utak ko. Sana kahit papano ay magustuhan nyo ang chapter na to. Enjoy reading!

-MATT

"Mmmm~" I moan happily habang sarap na sarap ako sa kinakain kong pickles na may peanut butter. Hindi ko alam pero sobrang nagcrave talaga ako nito ilang araw na. Ewan ko din ba kung ano ang nangyayari sakin dahil nitong mga nakaraang linggo ay napapansin kung lagi na akong kumakain ng mga weird na pagkain tapos kung dati may mga ayaw akong kinakain na ngayon ay gustong-gusto ko ng kainin. Haixt! Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin.

Feeling ko na nga ay tumataba na ako dahil sa medjo may maliit na akong bilbil sa tiyan na dati ay wala naman. Gosh! Kainis!! Kailangan ko ng magdiet nito!

Pansin ko din sa sarili ko ay madalas ngayon para na akong babaeng may regla. Lagi paiba-iba ang mood ko. Madalas talaga lagi akong naiirita.

Jusko! Wala naman po sana akong malubhang sakit. Sana naman mawala na ito bago pa makahalata sina Mom and Dad. Hate na hate ko pa naman magpa check-up dahil sobrang natatakot ako sa injection. Please ma wala na po sana itong kakaibang nararamdaman ko sa aking sarili.

Please ...

"Oh! Anong nangyari sayo at bigla kang sumimangot jan?" Tanong ni Sarah sakin. Nakaupo kami ngayon ni Sarah, ako at si Ren sa couch dito sa may sala namin habang nanunuod kami ng movie na Avengers: End game. Kahit na ilang ulit na namin itong napanuod ay hindi parin kami nagsasawa na panuorin ito.
May crush kasi ako at si Sarah kay captain america. Sobrang kinikilig kami habang pinanapanuod sya. Gosh! Ang gwapo at ang hot talaga nya.

Damn! Take me now daaaaddy!!

(A/N: crush ko din si Cris Evans. Haha. Akin lang ang asawa ko! Hoho)

Friday kasi ngayon kaya napagisipan namin na mag movie marathon tutal wala namang pasok bukas kaya okay lang. Medjo nakakalungkot lang dahil hindi namin kasama si Cloude ngayon dahil may lakad kasi sila ni Chase kaya babawi nalang daw sya sasusunod. Tsk!

"Sarah...ano may itatanong ako sayo. Sagutin mo ako ng totoo ah? ...uhm sa paningin mo mataba na ba ako?" I asked her seriously.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang baba ng ilang ulit pagkatapos ay walang emosyon nya akong tinignan.

Tahimik lang si Ren sa tabi namin.

Hindi agad ako sinagot ni Sarah. Nagsisimula na tuloy akong mairita sa kanya.

"What do you think Matt?. Tumaka ba?" Tanong na sagot nya sakin. Agad ko syang hinampas ng throw pillow.

"Hayop kang babae ka! Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko. Wag mong sagutin ng isa pang tanong ang tanong ko...ano na kasi?"

She roll her eyes on me. "Hello? Mas mataba pa ata ako sayo Matt eh. Wala namang nagbago sa katawan mo pwera nalang jan sa maliit na bilbil jan sa tiyan mo. But all in all your still the same. Oh! Happy ka na?! Baklang to!" She said sabay erap sakin.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ren sa tabi ko kaya pinaningkitan ko sya ng mga mata then I cross my arms at nag pout. Tsk!

"Your not fat Matt. Your still sexy as before so don't worry about it" Sabi ni Ren na naging dahilan para pamulahan ako ng aking mukha. Tinignan naman ako ni Sarah na may nakakalukong ngiti sa kanyang labi. Inirapan ko sya ulit.

"Fine! Ma-manuod na nga lang tayo ulit nitong movie. Nasa magandang part na tayo eh" Sabi ko para mawala sakin ang atensyon nilang dalawa sabay kain uli nung pickles ko.

Tsk! Kainis. Hmmp!

-------

Pagkatapos ng dalawa pang movie na pinanuod namin ay nagpaalam na si Sarah na uuwi na sya. Gabing gabi na kasi at may naalala syang may lakad pa pala sya bukas kaya naman mauuna na syang umalis kay Ren. Pinahatid ko sya pauwi kay Dad dahil delikado na sa labas baka mapano pa sya.

Kaya ngayon ay kami nalang ni Ren ang naiwan ngayon dito. Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo sa couch habang nanunuod perin ng iba namang pelikula. Ilang minuto pa ang dumaan ay ramdam kung nagsisimula na akong antukin. Napapadalas na din kasi ang paghihikab ko at para pipikit na din ang mga mata ko.

"I think kailangan ko na din umuwi Matt. Hindi na ako magtatagal dahil pansin kong inaantok kana at ano mang oras ay pipikit na yang mga mata mo at saka mag aalas dose na din kasi baka hinahanap na ako sa bahay ngayon" Nakangiting sabi ni Ren sakin.

Napakamot ako ng aking ulo dahil sa hiya. " Pasensya kana Ren "

"Ano ka ba...okay lang,thank you sa pagimbita sa kin ngayon. I enjoy it" He said. Nasa may labas na kami ngayon ng pintuan ng bahay.

"Wala yun...you always welcome...part ka na kaya ng gang ngayon. Hehe! Ingat pala sa pag-uwi ah? See you on monday? " I replied to him while smiling.

He smile at me too. "Yeah"

Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita saming dalawa. Nakatitig lang kami sa isat-isa, hanggang sa namalayan ko nalang na unti-unting naglalapit ang mukha naming dalawa. Hindi ko alam pero hindi ko magawang e iwas ang mukha ko sa kanya. Nakatitig ako sa kanyang mga mata para akong nahihepnutismo dito. Bumababa din ang tingin ko sa mapupula nyang labi. Ngayon ko lang din nalaman na ganito pala ka pula ito para tuloy ang sarap nitong halikan.

Ramdam na ramdam ko na ang init ang kanyang hininga sa aking mukha. Nangmalapit ng maglapat ang mga labi namin ni Ren ay biglang tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa na naging dahilan ito para matauhan kaming pareho. Mabilis na nag-iwas kami ng paningin na dalawa habang namumula.

Damn! Ano bang pumasok sa utak mo Matt! Nakakahiya!!

Hindi ko sya matignan ngayon tuloy at alam kung ganun din sya sakin.

Narinig kung umubo sya bago nagsalita. "Uhm...ehem! I...I better get going....sige Matt...uhm bye" He said na hindi tumitingin sakin sabay talikod at naglakad na papaalis papunta sa sa sasakyan nya na nakaparad sa labas ng gate namin.

"Sige...bye, ingat ulit" Sabi ko at mabilis na pumasok na sa loob ng bahay at isinara ang pinto. Sumandal ako dito habang hawak-hawak ang aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"We almost kiss! Ren and I almost kiss!! Gosh!! Pano ko sya haharapin nito....nakakahiya!" Sabi ko sa sarili ko sabay gulo ng aking buhok at madabog na naglakad papunta sa kusina.

Makakain na nga lang ng pickles!!

******

A/n: please do vote and comment..thank you :)

HIS PLAYBOY M-preg Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon