CHAPTER 15

7.5K 282 13
                                    

(NOT EDITED! BEWARE)

A/n: This chapter is dedicated to, JD_KIM. Hi! sayo <3 :)

***
-MATT

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at nakita kung nakahiga na ako ngayon dito sa loob ng clinic ng school at pansin ko din na ako lang mag-isa ang nandito ngayon so loob.

I groan at dahan-dahang umupo at sumandal sa headboard ng kama, pagkatapos ay huminga ako ng malalim. Inatake na naman ako ng pagkahilo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko o kung ano ang nangyayari saakin.

Ramdam ko ang sobrang takot na unti-unting kumakalat sa katawan ko. Hindi ko mapigilan. Kaya mabilis kong niyakap ang nanginginig kung sarili habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko.

Bakit sa lahat ako pa?! Bakit hindi nalang sa iba. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa ako handang mamatay!

Napahagulgul nalang ako ng iyak at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa aking sarili habang iniisip ko kung ano ang mangyayari sakin sa mga susunod na araw.

Sobrang natatakot ako. Hindi ko alam kung kailan ko ito makakayang dalhin.

Please help me ...

Halos 20minutes din ang dumaan bago ako tumahan sa pagiyak. Ngunit mabigat parin ang pakiramdam ko. Pulang pula parin ang ilong at mga mata ko. Nasa ganuong pumisyon ako na yakap-yakap ang sarili ng biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng clinic kaya naman agad kong inayos ang aking sarili sa abot ng aking makakaya.

Nakita ko ang pagpasok ng school nurse namin na si Mrs. Patt. She's 5'4 in height and she's already in her 30's with 2 kids. Maganda at friendly din si Mrs. Patt kaya naman maraming may gusto sa kanya dito sa campus.

Nangmakita nya na gising na ako ay ngumiti sya sakin ngunit agad din itong napalitan ito ng pagkunot ng kanyang noo. Napansin nya siguro na kagagaling ko lang sa pag-iyak. Agad syang lumapit sa akin at ibinigay ang tubig na kabibili lang nya mula sa labas.

"Here...inumin mo to para gumaan yang pakiramdam mo" Sabi nya sabay abot ng mineral water sa akin. Tinanggap ko naman ito at ininum. Ramdam ko nga na medjo gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.

"Salamat po sa tubig" Pasasalamat ko kay Mrs. Patt pagkatapos kung makainum nito.

Ngumiti sya sakin at umupo sa kama kung nasaan ako ngayon nakaupo. "Walang ano man Matt. Ano kamusta na yang pakiramdam mo? May nararamdaman ka pa bang kakaiba?" Nag-aalalang tanong nya saakin. Tipid akong umiling sa kanya kahit na medjo mabigat parin ng kunti ang pakiramdam ko. Mabuti nalang talaga at hindi na ako nahihilo ngayon.

"I-I'm fine. Okay na po ako" I replied.

Tumango naman sya sakin at hinawakan ang aking kamay."Ganun ba... uhm dinala ka pala dito ng isang teacher ng makita ka nya na nakahiga ka sa may daan malapit sa gate at walang malay. Sobrang nag-alala sya ng makita ang kalagayan mo kaya naman mabilis ka nyang dinala dito. Ano sigurado ka ba talaga na okay ka lang?" She said and ask me again.

Tinignan ko si Mrs. Patt at nginitian sya. "Okay na po ako. Salamat po sa pag-aalala at sa pagbantay sakin kanina habang wala pa po akong malay tao"

Ngumiti sya at ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Mrs. Patt sa aking kamay. "You know, you, Sarah and Cloude are like a siblings to me right? Kaya if you have a problem or what so ever you know I will always be here. Pwede mo akong sabihan ng kahit na ano. Andito lang ako handang makinig at tumulong" Seryosong sabi nya saakin.

Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Pagkatapos ay wala ng nagsalita sa aming dalawa ngunit ramdam kong nakatingin parin sya saakin kaya naman ay tinignan ko din sya.

"Bakit po?" Nakakunot noong tanong ko. Hindi sya nagsalita at nakatitig lang sa akin or let me say sa aking tiyan?

The way she looks at me feels like she knows something that I don't. Dahil dito ay bigla akong kinabahan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Nag angat sya ng tingin at seryoso tumingin sa aking mga mata. Napalunok ako ng aking laway ng wala sa oras. "Matt...there is something I need to tell you. I know this sounds might crazy but please  believe me. Totoo itong sasabihin ko sayo. I think you might be pre-----" Pero bago pa man nya matapos ang kanyang sasabihin ay bigla kaming nagulat ng malakas na bumakas ang pintoan ng clinic at pumasok sa loob ang nag-aalala kung ama.

Mabilis syang lumapit sa akin at niyakap ako na agad ko namang tinugon. Nang maghiwalay kami ay agad nyang tinignan ang katawan kung mayroon ba akong mga galos o pasa. Nangiti ako dahil dito.

"Are you okay son? Wala bang masakit sayo huh? Do you need me to bring you to the hospital?" Nag-aalalang tanong ni dad habang hawak-hawak ang aking dalawang balikat.

"Dad I'm fine ...okay na po ako. Really" Nakangiti kung sagot sa kanya.

Huminga sya ng malalim at niyakap muli ako. "Thank God. Did you know how worried I was ng makatanggap ako ng tawag na nahimatay ka raw. Son please if your not feeling well let us know okay?" 

Tumango ako sa kanya. "Opo dad"

Ngumiti naman sakin si Dad pagkatapos ay hinarap si Mrs. Patt. "Thank you for calling me at sa pag-alaga kay Matt" Pagpapasalamat ni dad at  nakipaghand shake sya kay Mrs. Patt.

"Walang ano man yun Mr. Lopez. Trabaho ko po yun bilang isang nurse at kaibigan ng anak nyo" She said smiling.

May mga itinanong pa si Dad patungkol sa akin na sinagot naman lahat ni Mrs. Patt. Mga ilang minuto pa ang itinagal namin sa loob ng clinic bago kami tuluyang umalis.

Habang naglalakad kami ni Dad papunta sa kotse nya ay hanggang ngayon ay bumabagabag parin sakin yung gustong sabihin ni Mrs. Patt bago  dumating si Dad.

I don't know but I have the feeling that I might not going to like what I'm about to hear. Pero may parte parin sa sarili ko na gusto ko itong marinig.

Ewan ko ba. Naguguluhan na ako sobra.

--
Nang makauwi kami ni Dad sa bahay ay naabutan namin sina Mom, Kuya at Ate na naghihintay sa may sala namin. Nang makita nila kami ay agad silang lumapit at niyakap kami. Makailang ulit din nila ako tinanong kung okay lang ba talaga ako o kung may masakit ba sa aking katawan.

Kahit medjo nakakaramdam na ako ng pagkairita at nagsisimula na ding sumakit ang ulo ko dahil sa katatanong nila saakin ay nakangiti ko parin silang sinagot.

Mabuti nalang at agad ko din naman silang nakumbinsi. Ayaw ko na silang mag-alala pa sa akin ng sobra.

Kumain na kami ng hapunan pagkatapos. Kahit na nasusuka ako sa amoy ng pagkain na inihanda ni Mom ay pilit ko paring inibos ang pagkain ko. Mabilis at nagmamadali ko itong tinapos at nagpaalam ako agad sa kanila na mauuna na akong magpahinga. Tumango naman sila sa akin. Hinalikan ko muna sila isa-isa sa pisnge bago ako umakyat sa aking kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay mabilis akong tumakbo papunta ng aking banyo at dun umiiyak akong isinusuka ang lahat ng kinain ko.

****
A/n: poor Matt.

HIS PLAYBOY M-preg Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon