(NOT EDITED! BEWARE)
-MATT
"Salamat" Nakangiti kung sabi sa waitress pagkatapos nyang mailapag ang inorder kung dalawang slice ng cheesecake at isang milkshake.
Ngumiti din sya sakin pabalik at tumango bago sya umalis.
Nang makaalis na ang waitress sa harapan ko ay naglalaway na tinignan ko ang cheesecake na nasa aking harapan. Finally! Makakakain na din ako nito sa wakas. Kanina ko pa gustong kumain nito habang nasa klase ako. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ngayong hapun ay agad akong dumiritso dito sa café na paborito naming puntahan ni Sarah at Cloude.
Medjo malayulayu nga lang itong café mag mula sa university pero kahit ganun ay marami paring pumupuntang mga estudyante dito at iba pang mga customer.
Maliban kasi sa masarap ang pagkain ay mababait rin ang mga taong nagtatrabaho dito at saka ang homey din kasi ng ambiance dito sa loob ng café. Kaya naman naging parang tambayan na din namin itong tatlo. Pero kaso ngayon ay hindi ko kasama sina Cloude at Sarah dahil pareho pa silang dalawa may klase at hindi ko naman maisama si Ren dahil hindi ko pa sya nakikita ulit mag mula nung monday pagkatapos naming mag-usap na dalawa patungkol dun sa nangyari samin noong friday ng gabie.
Pareho naming napagdesisyonan ni Ren na kalimutan nalang yung nangyari na muntikan na naming pagkiss dahil ayaw namin na maging awkward ang lahat saming dalawa. And beside I don't see myself with Ren romantically.
Yes! I know he is a good guy at gwapo din sya and I have or may not have a little crush on him but I think it's better for us to be friends. I'm not ready to give my heart again to someone after what happend to Cloude and I.
Hindi pa ako handa mag mahal ulit 'coz I'm still in the process of moving on.Maybe someday I think handa na ako. And hello! I'm waiting for the right one. Inihahanda ko ang sarili ko para kay Captain america noh! Haha ...gosh!
But seriously hindi patalaga ako handa ngayon.
"Wow..." Nakapikit at nakangiti kung sabi habang kumakain ako ng inorder kung cheesecake. Pakiramdam ko ngayon ay parang nasa langit ako. Ang sarap sarap talaga kasi nito. Hindi nakakasawang kainin.
Gosh! Ewan ko nga din ba dahil nagising nalang ako nitong umaga na gustong-gusto kung kumain ng pagkain na may cheese. Wala akong idea kung bakit pero sarap na sarap ako ngayon sa cheese na kung dati naman ay hindi ako kumakain nito.
Haixt! Minsan napapaisip ako na baka buntis ako dahil sa nangyayari sakin pero sobrang napakaimposible naman nun dahil haler! Lalaki ako noh. Wala akong matress at saka isang beses lang akong nakipagtalik. Pagkatapos nun ay wala na. Ewan ko ba nababaliw na ata ako. Tsk!
Nang maubos ko na ang dalawang slice ng cheesecake ay nag order ulit ako ng isa pa. Gusto ko pa kasing kumain masarap kasi talaga.
'Makapagtake out nga nito mamaya para naman may makain pa ako pag-uwi ko sa bahay at para na din mabigyan ko sina Sarah at Cloude. Damn! I can't wait' Masaya kung sabi sa aking isipan habang nakangiti.
Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay hindi sinasadya na mapadako ang tingin ko sa maypintuan ng café at ganun nalang ang panlalaki ng aking mga mata at kamuntikan pa akong mabulunan ng kinakain kung cheesecake ng mapagsino ko ang taong kakapasok lang dito sa loob.
Mabilis kung tinakpan ang mukha ko gamit ang isa kung kamay para hindi nya ako makita. Anak ng! Bakit pa ako dito sa may pintuan malapit pumwesto. Gosh! Baka makita ako ng lalaking yun delikado na. May kasalanan pa naman ako sa kanya.
Bakit ba kasi sa lahat ng araw at lugar ay dito ko pa talaga nakita ang hinayupak na lalaking to! Asar! Pangiti-ngiti pa ang loko habang nakikipaglandian sa babaeng kasama nya na mukhang aswang.
Ugh! Kainis! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain ngayon.
Napasimangot ako at hindi ko alam pero nag iba agad ang mood ko ng makita ko silang dalawa.
Dumaan sila malapit sakin at dumiritso sa counter para mag order at magbayad. I rolled my eyes at Austin and make faces ng makita ko syang hinalikan ang babaeng kasama nya sa labi. Yuck!
Ngunit agad din akong napayuko at napatakip ulit ng aking mukha at mabilis na nagiwas ng tingin sa kanila ng makita kung napalingon si Austin sa may gawi ko.
"Naloko na! Please naman sana hindi nya ako nakita." I said to myself while biting my lips.
Kahit natataranta ay mabilis kung inayos ang suot kung benie at kinuha ko ang eyeglass na nasa aking bag at agad na sinuot ito. Sana kahit papano ay hindi nya ako makilala nito. Please lang talaga.
Dali-dali kung inubos ang kinakain kung cheesecake at ang milkshake ko ng makita kung tapos na silang mag order na dalawa. Kailangan ko ng makaalis dito ngayon. Bahala na kung hindi ako maka pagtake out ngayon babalik nalang ako mamaya.
Tumayo na ako at akmang aalis ng bigla akong mapatigil ng marinig ko nag boses nya mula sa aking likuran.
Naloko na talaga!!
"Hey! Excuse me ...tapos ka naba? Wala na kasing iba pang available na tables" Tanong nya sakin gamit ang baritono nyang boses.
Mabilis akong tumango habang nakayuko parin at nakatalikod sa kanilang dalawa. Hindi ko sya magawang tignan.
"Great! " He said at pinaupo na ang babaeng kasama nya. Nakita ko ang masamang tingin nito sakin.
"Abat! Dukutin ko yang mga mata ko eh babae kang mukhang aswang! Tsk" Galit kung sabi sa aking isipan sabay irap sa kanya ng kunti.
At halos masuka ako ng makita ko kung pano halikan ng babae na yun si Austin sa kanyang labi. Parang wala sila sa café kung maglaplapan.
Mga walang hiya!!
I rolled my eyes at mabilis na kinuha ang aking bag at naglakad na papalabas ngunit napatigil na naman ulit ako ng tawagin ako muli ni Austin.
Bwesit talagaaaaa!!
"Hey! Wait! I think this belongs to you" He said.
Napapikit ako and I can't help but groan.
"Here, you forgot your phone" Ang sabi nya sabay abot sakin ng naiwan kung cellphone.
Medjo nanginginig pa ang kamay ko ng kunin ko ito sa kanya.
"Uhm...sa-salamat" Mahina kung sabi habang nauutal pa. Hindi parin ako humaharap sa kanya.
Hinintay ko syang umalis at bumalik na dun sa babaeng kasama nya ngunit hindi yun nangyari. Nakatayo parin sya sa maybandang gilid ko at ramdam kung tinignan nya ako ngayon.
'Relax ka lang Matt...Wag kang mataranta...kalma lang' I said to myself.
Nang hindi na ako makatiis ay ako na ang naglakad papalayo sa kanya ngunit ganun nalang ang pagkagulat ko ng maramdaman ko ang paghawak nya sa aking braso.
"Wait...Parang pamilyar ka...I think I know you somewhere" May pagtatakang sabi ni Austin sakin.
Napapikit nalang ako at napakagat sa ng mariin sa aking labi. Nang maiharap na nya ako sa kanya ay ganun nalang ang panalaki ng kanyang mga mata ng makita ako.
"Yooouuuu!" Mariin na sabi nya habang naniningkit ang kanyang mga mata na nakatingin sakin.
Peke akong ngumiti sa kanya. Naloko na! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Hi! He-he-he ...ikaw pala yan. Musta ka na? " Masaya kong sabi sabay kamot sa aking ulo.
Nakatingin lang sya sakin na naniningkit parin ang kanyang mga mata. Inikot ko ang aking paningin sa loob. Hindi ako makatingin kay Austin ng diretso.
Nang akmang hahawakan nya ulit ako ay agad kung gumawa ng paraan para makatakas ako.
I just did what came into my mind first.
"Look! Austin may aswang!" Sabi ko sabay turo sa babaeng kasama nya. Nang makita kong lumingon sya sa deriksyon nung babaeng ay mabilis akong tumakbo papalabas ng café.
Haha! Nakatakas rin sa wakas!!
*******
A/N: Hi guys! :) finally! Natapos ko din ang chapter na to kahit na maraming sagabal sakin! Haha!
BINABASA MO ANG
HIS PLAYBOY M-preg
DiversosThat one night stand, brought them together.. That one night stand, change their life forever.