CHAPTER 8

9.3K 332 37
                                    

This chapter is dedicated to: Red Cry.

Salamat sa support. :)

(This chapter is not edited)

--------
MATT

Napamulat ako sa aking mga mata ng marinig ko ang biglaang pagtigil ng lalaki sa pagkanta. Napatingin ako sa kanya at ganun nalang ang pamumula ng aking pisnge ng makita kung seryoso syang nakatingin sakin.

Namumulang napaiwas ako ng tingin sa kanya habang nagpepeke ng aking ubo sabay kamot sa batok ko.

Gosh! Nakakahiya sobra...Nahuli ako! Tsk!

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ehem! U-uhm..hi?" Nahihiyang bati ko.

Hindi nya ako sinagot bagkos ay tinitigan lang nya ako. Tinitingan ko nalang din sya pabalik. Pinag-aralan ko ang kabuoan nya. Nakasuot sya ngayon ng kulay grey na hoodie, kulay black na rip jeans at kulay puti na nike shoes. Itim din ang kulay ng hindi medjo kataasan nyang buhok at nakasuot din sya ng eyeglass. Mayroon syang makakapal na kilay at may matangos na ilong. Mapupula rin ang kanyang labi at puti ang kulay ng kanyang balat. Kahit nakaupo sya ay masasabi ko parin na mayroon syang mataas na height. Katamtaman lang din ang laki ng kanyang katawan.

All in all his a good looking guy.

For sure maraming may gusto dito.

Napabalik ang ulirat ko ng mapansin ko ang pagkunot ng kanyang noo.

Gosh! Nahuli nanaman ako!!

Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"U-uhm..ano..sige. aalis na ako..pa-pasensya kana kung nadistorbo kita..he-he" Sabi ko at akmang aalis na ng mapatigil ako ng marinig kung magsalita sya.

"It's ok. You can stay..I don't mind. Hindi ka naman nakakadistorbo but please will you stop staring at me..hindi kasi ako comfortable" He said at umiwas ng tingin sakin.

Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi naman nakaligtas sakin ang kung panu mamula ang kanyang mga tenga.

Oh! His cute.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at umupo ako sa isang bakanting silya hindi kalayuan sa pwesto nya.

"Alam mo. You have a really nice voice. Yun bang boses na hindi nakakasawang pakinggan" Pambabasag ko sa katahimikan na bumabalot samin.

"Sa-salamat" Nahihiya sabi nya habang namumula.

Napangiti naman ako dahil dun.

"Oh! By the way. I'm Matt. Matt Kevin Lopez" Pagpapakilala ko na nakangiti sa aking sarili habang iniaabot ko ang isa kung kamay upang makipag handsake sa kanya.

Inabot naman nya ang aking kamay at nakipaghandsake sakin. "I'm Ren. Ren Park..nice meeting you" He said.

Marami pa kaming napag-usapan na dalawa. Tinanong ko sya kung bakit ngayon ko lang sya nakita sa school at ang sagot naman nya ay kalilipat lang daw nila dito sa lugar. Nalaman ko din na 3rd yr din sya kagaya ko ngunit magkaiba nga lang ang kursong kinukuha namin.

Nag mag ring na ang bell ay lumabas na kami sa music room at sabay na naglakad sa hallway. Pero bago paman kami maghiwalay ng landas ay nag exchange muna kami ng aming numero sa cellphone para may communication kaming dalawa sa isat-isa.

He's a good guy at masaya din syang kasama kaya naman hindi malabo na hindi kami maging magkaibigan. Hindi na din ako makapghintay na ipakilala sya kay Sarah at Cloude.

HIS PLAYBOY M-preg Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon