CHAPTER 22

7.1K 295 56
                                    

(BEWARE! NOT YET EDITED!!)

***
-MATT

Mabuti nalang at naging maagap si Dad at nasalo nya agad si Mom. Mabilis naman namin syang pinahiga sa couch at pinaypayan.

"Mom!" Nag-aalalang tawag ko sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang kamay.

Napalingon naman ako kay Ate Liz ng maramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat at matipid nya akong ngitian. "Why won't you take a rest na muna Matt. I know this day was very stressful to you and all. Kami nalang muna ang bahala kay Mom. She will going to be okay alam naman nating nabigla lang si Mom kaya nawalan sya ng malay. Okay? Wag kang mag aalala everything will going to be fine" My sister asured me while slowly guiding me uptairs and unto my room.

Nang nasaharapan na kami ng aking kwarto ay malungkot ko syang tinignan. "Please ate, inform me immediately pag nagising na si Mom and.... I'm very sorry again"

Ngumiti si Ate Liz at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik "Wag kang mag alala sasabihan ka namin agad pagnagising na si Mom and don't worry about it. Wag mo nang alahanin yun. Okay? And always remember this no matter what happens I will always be here loving and supporting you"

"Thank you Ate and I love you too" Emosyonal kong sabi sa kanya.

Tumango naman siya at hinalikan ako sa aking noo pagkatapos ay binuksan na nya ang pinto sa kwarto ko at pinapasok ako sa loob. Before she close the door she smiled at me one last time. Napahinga naman ako ng malalim ng maisara na ni Ate Liz ang pintuan sa kwarto ko.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa aking kama at nanghihinang umupo doon. I'm both mentally and physically exhusted right now. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod na pagod ako ngayon.

I let out another deep sigh. Pagkatapos ay huminga ako sa aking kama na patihaya.

"Please God. Let everything be okay" Is the last thing I prayed before darkness consume me.

***
Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata at ang unang nakita ko ay ang mukha ng aking ina habang nakangiti itong nakatingin sa akin. Mabilis naman akong bumangon at mahigpit na niyakap sya.

"Mom! I'm sorry...I'm really really sorry" Umiiyak kong sabi.

"It's okay, patawarin mo din kami sa nagawa namin and no matter what you will always be our bunso. Mahal na mahal ka namin kahit anong mangyari. Wag na wag mo yang kakalimutan." Puno ng pagmamahal na sabi ni Mom habang hinahagod nya ang aking likod. Alam kung gaya ko ay umiiyak na din sya.

Nasa ganoong posisyon naman kami ni Mom ng bumukas ang pinto sa aking kwarto at pumasok si Kuya Theo, Ate Liz at Dad. Lumapit naman agad si ate samin at nakiyakap na din sabay sabi ng "pasali!" Medjo natawa naman kaming dalawa ni Mom dahil dito.

Pagkatapos nun ay nag usap ulit kaming pamilya but this time ay mahinahon na. Nag sorry din si sa akin si kuya about what happen a while ago.

May mga itinanong sila sa akin about what happen na naging dahilan upang mabuntis ako. Sinagot ko naman lahat ng kanilang mga tanong sa abot ng aking makakaya. Nung una ay nagalit si Dad at kuya ng malaman nilang naglasing ako and I slept with some ramdom stranger. But little did they know na I know who's that stranger is. Hindi ko nalang muna sinabi ang tungkol kay Austin dahil ayaw ko muna syang pag-usapan. Ewan ko! Sumasakit dibdib ko pagnaiisip ko sya.

HIS PLAYBOY M-preg Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon