“Ikaw ay ako, at Ako ay Ikaw”, sambit ng babaeng ang kasuota'y nakabalot ng kulay itim na manto, halatang itinatago niya ang kanyang buong pagkatao, habang nakalutang siya sa lawa na nasisinagan ng liwanag ng buwan ang malinaw nitong tubig. Ngumiti siya ng mapanuksong ngiti habang nakalutang siya sa tubig.
“Sino? Hindi ko maintindihan. Sino ka ba?” tanong ko sa kabila ng aking pagkabalisa, ngunit binigyan niya ako ng mapanuring tingin.
“Malalaman mo ang sagot sa itinakdang araw. Sa araw na matatakpan ng buwan ang araw kasabay ang pagpapantay-pantay na paglilinya ng mga planeta, ang iyong kapalara'y magbabago. Pagka't Ikaw ay Ako, at Ako ay Ikaw, tayo'y iisa lamang.”
“Saglit lang! H’wag ka munang umalis! Sino ka? Sabihin mo ang pangalan mo!” sigaw ko habang unti-unting nawawala ang kanyang imahe.
“Hoy Mira. Gising ano ba nangyayari sa’yo?” Si Chelsea ang kadormmate at kaibigan ko ang gumising sa akin, “Friend, nakakatakot ka ha, binabangungot ka yata. Kung anu-ano kasing sinisigaw mo, kaloka ka besh! Ayos ka lang ba?” sabay tinapik-tapik niya ang pisngi ko at hinagod-hagod niya ng kanyang kamay ang likod ko upang mahimasmasan ako.
Natulala ako sa mga sinabi ni Chelsea habang hinahabol ko ang aking hininga. “Besh, tubig please!” Pagkasabi ko palang na gusto ko ng tubig ay dali-daling kumuha si Chelsea ng isang pitsel ng tubig na may yelo at isang baso na gawa sa seramiko. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ibinigay sa akin. Ininom ko agad ang tubig at ibinalik muli sa kanya ang basong pinag-inuman ko.
“Besh, hindi ka kasi maniniwala sa napanaginipan ko, or bangungot na ba yon.” Tumigil muna ako upang bumuwelo sabay huminga ng malalim. “Besh, I don't know if totoo ba ang deja vu or 'yung napre-predict mo ang mangyayari sa hinaharap dahil sa panaginip. Ang creepy at nakaka-cringe!” bulalas ko habang yakap-yakap ang teddy bear na palagi kong itinatabi sa pagtulog.
“Eh, ano ba kasi ang napanaginipan mo?” ani Chelsea.
“May babae kasi friend, hindi ko nakita ang hitsura niya kasi nakataklob siya ng balabal tapos lumulutang siya, as in nakalutang siya sa isang lake!”
“Oh, tapos ano pa sinabi niya? Hindi mo man lang tinanong ang pangalan niya?”
“Hello besh, paulit-ulit kong itinatanong ‘yon pero ang sagot niya sa akin, ‘Ikaw ay Ako at Ako ay Ikaw, tayo'y iisa lamang’, ang weird! May binanggit pa siya na ano e, sa pagtakip daw ng buwan sa araw, malalaman ko raw yoong destiny ko kasabay raw ng paglilinya ng mga planeta. Ay! Mababaliw na ako.”
“Pagod lang siguro ‘yan besh, pahinga ka na, stress lang iyan kasi sa umaga nag-aaral ka, sa gabi may trabaho ka.” sabay ngiti niya sa akin na may halong pagaalala. Masuwerte ako at nagkaroon ako ng friend, beshy at partner in crime sa buhay at thankful ako nakilala ko ang tulad ni Chelsea.
Mabilis kong naikuwento kay Chelsea ang lahat ng tungkol sa panaginip ko. Pero naguguluhan pa rin ako e. Gulong-gulo ang utak ko at ang naiwan lamang na tanong sa utak ko ay, Sino nga ba siya at ano ang ibig sabihin niya na iisa lang kami? Kahit nasa café na ako kung saan ako nagta-trabaho as part-time waitress ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang “weirdo” na panaginip ko na iyon kaninang umaga lamang pagkagising ko.
“Mira Luna Crescencia!” Napalingon ako at sinundan ko ng tingin ang buong paligid upang matukoy kung saan nagmula ang tinig na iyon. “Brenda, Ikaw pala. Pauwi ka na ba? Sabay na tayo.”
BINABASA MO ANG
Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]
FantastikMIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isan...