Wanted: RYDER MONTEVERDE

16.8K 271 1
                                    

" Aray! Bitawan mo nga ako!" , pilit kong tinatanggal ang kamay ko na halos mabali na sa higpit ng hawak niya.

" Sino na naman ba yung nakita kong kausap mo kanina?! Umamin ka nga, nanlalake ka noh?"

" Huwag mo akong itulad sayo na----" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko,isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi ko.

Yumuko ako at pinigilan umiyak but these tears are such traitors. Naramdaman kong niyakap niya ako at paulit-ulit na 'Sorry' ang binubulong sa akin.

Sorry?

Sorry mo mukha mo!

Tinulak ko siya at humarap sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha, ngumiti at naglakad palayo sa kanya.


Sawa na ako sa mga bad boys.

Lagi na lang sila nagpapaiyak at nagpapaasa.

Sawa na ako magpatino ng mga hopeless ang ugali.

Sawa na ako masaktan emotionally at physically.

I need a guy who will love me and make feel special.

Who will make me smile.

Yung magpapaiyak sa akin sa kilig.

Nasaan ka na ba kasi?

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon