COPYRIGHT © Jay-c de Lente
COVER: Photos/DigitalArt © Jay-c de Lente
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author/publisher except for the use of brief quotations in a book review.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
| Prologue |
August 30, 1897
Bayan ng Paombong, Bulacan
Men were crouched lower along a small, narrow trench which they had dug secretly and meticulously days before. Bawat isa ay may hawak na pambungkal ng lupa at patuloy na gumagawa ng malalim na kanal. Maingat at walang ingay ang kanilang pagkilos kahit pa malalim na ang gabi, bukod sa maputik ang kapaligiran at umaambon. Wala rin silang gamit na ilaw. Hindi maaaring sindihan ang dala nilang mga lampara. Tanging pinagkukunan nila ng liwanag ay ang buwan na bahagyang nakasilip sa likod ng makakapal na ulap.
Sandaling nahinto sa pagbungkal ang isang binata. Sweat beaded his forehead despite the rain. His plain, short-sleeved white shirt called Camisa de Chino was all wet and dirty. Though the quiet drizzle of rain obscured them and their activity, it didn't help ease their exhaustion, lalo na't nanunuot sa kanilang kalamnan ang lamig.
Subalit, tila hindi apektado ng ginaw ang binata. Despite his tired eyes, he just removed the piece of cloth tied around his neck and wiped the sticky perspiration. From his crouched position, he moved his muddy feet and straigthened a little. Just enough height so he could peek his head out from beneath their hiding place but not risking being seen. Napakimportanteng hindi sila mabuko sa misyong iyon.
Squinting into the slow drizzle, he saw their target. Looming in the distance and illuminated by torches and lamps was a convent used as a Spanish garrison by the cazadores (hunters/shooters).
Yumukod muli ang binata at hinanap ng mga mata nito ang kaibigan at isang Katipunero na si Juan Fernando.
"Labindalawang cazadores ang nabibilang kong nagbabantay, Juan," pabulong na wika ng binata. Ang mga mata nito ay alerto kahit pagod. "Ngunit nakasisiguro akong mayroon pang ilan na nasa loob ng kumbento. Gaya ng ating naiplano tatlong araw na ang nakalilipas, masidhing pag-iingat ang ating gagawin sapagkat mas malakas ang kalibre ng kanilang mga riple."
Huminto sa pagbubungkal ang kaibigan at tumaas-baba ang ulo nito bilang pagsang-ayon. "Huwag kang mag-alala, kapitan," pabulong din na sagot ni Juan. Maaaninag sa mukha nito ang determinasyon at marubdob na katapatan sa sundalong opisyal.
Sa edad ng kapitan na beynte uno anyos, nakitaan na ito ng tapang at kagalingan sa pamumuno, dahilan kaya hinahangaan ito ng kapwa rin mga sundalo at ng anim pang mga kasamahang Katipunero doon.
"Sapat na ang lalim nito, kapitan," mahinang wika naman ng isang Katipunero na nagngangalang Inocencio de Dios. Pagod na ibinaon nito sa lupa ang pambungkal at hinagod ng isang kamay ang basang buhok.
Sumunod ding nahinto ang ibang mga nagbubungkal. Kani-kaniyang upo sila sa maputik na lupa. Halo-halo ang amoy ng pawis, ngunit hindi nila iyon pansin. Dalawang araw na ang nakalilipas nang sinimulan nila ang pagbungkal. Dalawang araw na rin ang nakalilipas nang makapasok sila sa bayang iyon na hindi napaghihinalaan ng nakapaligid na cazadores na minsan ay niroronda hindi lamang ang palibot ng kumbento, kundi pati ang mga kalapit na kalye at ilang istruktura.
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasía| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...