Chapter 1

1.4K 53 38
                                    

Chapter 1

Jaime Grace Cortez

Napahilamos ako ng mukha ng nakita ko ang mga listahan ng mga eskwelahan na si-nearch ko sa mismong laptop ko. Ang dami pero 'yong iba ay napasukan ko na, sa huli ay drop out naman ako.

Paano ako hahanap ng eskwelahan nito?! Lahat napasukan ko na!

Mula ng tumungtong ako sa college, ang unang eskwelahan ay isang private school pero hindi ako na-inform na bawal pala roon makipag-away. Kainis kasi 'yong bitch na 'yon eh. Bigla-bigla na lang tumitirik ang mata kaya ayun lumanding ang kamao ko sa mukha niya, bagsak siya eh. Kaya nu'ng nalaman ng guidance concelor ang nangyari hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na mag-explain, ang bagsak ko tuloy drop out habang 'yong nasuntok ko ay diretso sa hospital.

Halos sa mga sumusunod na pinasukan ko ay puro away ang nangyayari sa akin. Lapitin daw ako ng gulo kaya sa huli ay ako ang nasisisi at natatanggal sa eskwelahan na pinapasukan ko na hindi man lang ako tumatagal kahit isang buwan lang. Urgh.

Dahil sa ginagawa ko ay pinagalitan ako ni Mom o 'di kaya ni Dad dahil sa ugali kong 'to. Hindi naman daw ako ganito noon simula ng tinapos ko ang high school ko. Hindi ba p'wedeng magbago?

Kaya ngayon heto ako ngayon, naghahanap ng eskwelahan na papasukan ko. Masyado na akong late sa enrollment days kaya nagpupursige akong makahanap ng eskwelahan na tatanggapin akong makapasok kahit nakailang drop out na ako sa mga previous school. Kung dati ay si Mom ang naghahanap ng eskwelahan para sa akin, ngayon ako na lang daw kasi ang hirap-hirap daw maghanap at nagsawa na raw siya kaya inutusan niya ako na maghanap. Ang hirap pa naman nito.

Nag-home schooling ako. Okay naman kaso napakaboring sa akin. Wala akong nakakasalamuhang ibang tao maliban sa teacher at kasama ko sa bahay. Minsan nga hindi ako uma-attend at nagtatago sa kwarto dahilan para sumuko ang teacher na kinuha ng magulang ko. Nakatungtong naman ako ng 3rd year kaso inayawan na nila ako kaya ayon need ko maghanap para makapagtapos ako sa kolehiyo. Isang taon na lang naman.

Habang tinitingnan ko ang eskwelahan na pinasukan ko noon ay biglang pumasok si Mom sa kwarto kaya napatigil ako at napalingon sa kanya.

"Jaime!" tawag niya sa akin at lumapit sa kinaroroonan ko. "Huwag kana maghanap ng eskwelahan!" sabi niya.

Nangunot ang noo ko at tuluyang humarap sa kanya. "Bakit naman po?" sumuko na ba siya? Ayaw na ba niya ako paaralin dahil sa katarantaduhan na pinaggagawa ko sa mga school na pinasukan ko?

"May dumating na mensahe para sayo! Basahin mo!" masayang sabi niya at binigay niya sa akin ang isang black envelope. Bakit black? Death threat ba 'to kaya masaya si Mom na pababasahin ang nasa loob nito? Kamatayan ko na ba bukas o mamaya? Huwag naman sana.

"Ano po 'to?" takang tanong ko.

"Buksan mo, anak!" excited na sabi niya.

Kahit nagtataka man ay binuksan ko ang black envelope at kinuha ang nasa loob no'n. Isang parang lumang papel ang nakuha ko. Wow ha. Ang ganda naman. Ito 'yong mga gamit ng mga sinaunang tao noon na sinusulatan nila kapag may gusto silang isulat o ibigay sa taong gusto nila sulatan. Mala-moderno pala ang eskwelahan?

Good morning, Ms. Jaime Grace Luther

This is Kyline Serides, the dean of Coldwell Academy. Iniimbitahan kita sa aming eskwelahan para makapasok dito.

Dalhin mo ang mga kinakailangan mo sa loob ng school. Mga damit mo, dahil isang dorm school ang Coldwell Academy. At libre ang mga gusto mo o hinahanap mo sa loob ng eskwelahan, hindi ka maglalabas ng pera.

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon