Chapter 11
Jaime Grace Cortez
Nakahalumbaba ako habang nagsusulat sa notebook ko.
"Ang foundation day ay na-move ngayong buwan kaya we need to prepare for that." narinig kong sinabi ni Professor Mariposa habang pinapakita niya sa amin ang projector for preparing the foundation day.
Kami naman ay abala kami sa pagsusulat ng mga mahahalagang sasabihin niya. May meeting ako kasama ang ibang councils para sa discussion about foundation day.
Akala ko noong nakaraang dalawang buwan gaganapin ang foundation day pero nagulat ako na-move pala ito ngayong buwan at sobrang saya ko rin kasi naalala ko na dalawang buwan na pala ako rito sa Coldwell Academy.
Kailangan ko na ba mag-celebrate? Sobrang OA ko saka na.
Sa loob ng dalawang buwan ay patuloy-tuloy lang ang cycle of life ko. Tatapusin ko ang klase ko para dumiretso ng opisina ng mga council para ayusin ko ang mga dapat kong ayusin doon at matutulog kapag mabilis matapos pero minsan ay late na ko nakakauwi dahil abala ako sa pagbabasa ng mga reviewer ko para sa quizzes at tests. Sinasabay ko ito sa mga ginagawa ko.
Kaya kapag wala akong gagawin ay ginagawa ko naman ang pagi-imbestiga ko sa Coldwell Academy. Wala akong clue na nakikita. As in wala talaga kaya sobrang nahihirapan ako maghanap.
Ano ang pinakaunang dapat kong gawin?
At sa loob ng dalawang buwan ay hindi ko narinig ang boses ng mga magulang ko. Sinasabi ko kay Ma'am Serides na kapag may tumawag ang magulang ko ay tawagin ako pero laging binabalita sa akin ni Ma'am Serides na wala naman daw tumatawag na galing sa mga magulang ko. 'Yon ang ikinalungkot ko.
Excited pa naman ako sabihin ang mga nangyayari sa akin dito pero bakit hindi sila tumatawag? I tried to call them pero walang sumasagot o patay ang landline nila.
Gano'n ba ka-busy ang mga magulang ko? Walang kamustahan?
Nakakalungkot lang. Ganito pala ang mangyayari sa akin kapag pumasok ako sa Coldwell Academy, dapat hindi na ako pumasok pa kung hindi naman ako magawang kamustahin ng mga magulang ko.
Paulit-ulit ko na lang ba sila iintindihin? Kasi sobrang tagal kong paghihintay sa kanila ay parang hindi ko magawang intindihin sila. Dapat magalit ako o magtampo dahil hindi nila magawang kamustahin ang nag-iisang anak nila.
Shit. Dapat hindi ako ganito sa mga magulang ko.
"Ito ang mga list na gagawin niyo mga councils. Dapat magawa niyo 'to habang wala pang kalahating buwan dahil magagahol tayo sa oras kung late natin gawin 'to kaya pinatawag ko kayo para magawa niyo ito agad-agad." paliwanag ni Professor Mariposa na ikinatango natin.
"Paano ang gastusin natin?" biglang tanong ni Portia.
"Since na-move ang foundation day natin ay si Ma'am Serides ang mismong nagsabi sa akin na siya ang bahala sa mga gastusin ng preparation." nakangiting sabi ni Professor Mariposa. "Kailangan ko lang na matapos ang gagawin niyo at ibibigay niyo sa akin ang mga reports niyo sa mga task na ipapagawa ko sayo para kapag okay na ay sasabihin ko kay Ma'am Serides ang mga dapat gawin o ang total ng magagastos natin para rito."
"So, ano ang task namin?" tanong naman ni Wallace.
"Oh. Muntik ko na 'yon makalimutan." natatawang sabi ni Professor Mariposa at may kinuha sa isang mesa ang mga papel saka isa-isang ibinibigay sa amin. "Nand'yan nakalista ang gagawin niyo pero para mas madali ay ipapaliwanag ko sa inyo."
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampire[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...