Chapter 10

402 18 0
                                    

Chapter 10

Jaime Grace Cortez

"Wait, what?" gulat na tanong ni Beatrice habang nakatingin sa akin. "Siya ang magiging co-member namin?" dagdag niya pa.

"Yes. Ang ganda diba? Anim na kayo kaya may tutulong na sa inyo simula bukas." naramdaman ko ang paghawak ni Professor Mariposa sa balikat ko. "Pagpapakilala pa lang ang ginawa ko ngayon at bukas ang simula ng pagiging council niya kasama kayo." nakangiting sabi niya.

"I'm happy to hear that." ang lapad ng ngiti ni Portia. "Sa wakas ay isa na siya sa amin." gustong-gusto talaga nila na maging council ako.

"Kung gano'n ay tuturuan niyo siya sa dapat niyang gawin, maliwanag ba?"

"Willing ako na turuan siya!" biglang sigaw ni Wallace na ikinagulat ng mga kasama niya. "I mean, willing kami na tulungan siya." bawi niya.

"Oh." tugon ni Professor Mariposa. "Kilala niyo na siya kaya magpapaalam na kami sa inyo. Bukas ay dadalhin ko siya rito para simulan ang kanyang trabaho."

"Sige po." saad ng lima. "Hmm. P'wede naman sumabay siya sa amin, Professor Mariposa." suhestyon ni Juliet.

Tila napaisip si Professor Mariposa. "P'wede naman kung papayag si Jaime." bumaling siya sa akin. "Jaime?"

Isa lang ang sasabihin ko tungkol do'n. Hinding-hindi ako sasabay sa kanila.

"Kay Professor Mariposa na lang ako sasabay." diretsahang sagot ko.

Nakita ko sa mga mata ng tatlong babae ang lungkot pero umiwas na lang ako ng tingin para hindi makita 'yon.

"Okay." ngumiti si Professor Mariposa sa lima. "Tara na, Jaime?" aya niya sa akin.

Tumango ako at sabay kaming naglakad palabas ng building. Naghiwalay kaming dalawa sa campus dahil pupuntahan daw siya habang ako naman ay didiretso sa klase ko.

Habang naglalakad ako ay nahagip ng aking tingin ang palad ko na may paso.

Paso? Sa pagkakaalam ko ay noong nakaraang linggo na nagkasugat ako pero bakit parang fresh pa rin ito sa palad ko? Dapat nga ay peklat na ito dahil hindi ko naman pinapakialam ang paso at hinahayaan ko lang na gumaling ito.

Kailangan ko na ba pumunta sa clinic? Huwag. Medyo OA ako. Masyadong maliit ang paso kaya kailangan lang lagyan ng cream ito para mas lalong gumaling. Saka baka pagtawanan lang ako ng nurse doon dahil ipapagamot ko lang ang maliit na paso kaya huwag na lang.

Bigla kong naalala na may cream ako sa bag para sa paso. May first aid kit ako kung sakaling may mangyaring hindi maganda, huwag naman sana. Dala-dala ko 'yon sa pagpunta ko rito incase na may emergency or kakailanganin ko.

Bumalik ako sa dorm of councils para kunin ang cream. May oras pa naman ako para makagala. Dalawang oras kasi ang lesson bawat subject.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko makita ang mga kasama ko sa dorm. Buti naman.

Dumiretso ako sa kwarto at kinuha sa maleta ko ang cream. Pinahid ko ito sa aking palad at hinayaan na lang na gumaling ito.

Lumabas ako ng dorm at dumiretso ng silid-aralan. Pero habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng pananakit ng aking palad.

"Shit!" malakas na daing ko at napahawak dito. Parang may apoy na nilagay dito na dahilan para mas lalong sumakit ang sugat sa palad ko.

Nang makakita ako ng bench ay mabilis akong umupo doon at tiningnan ang sugat ko. Dumudugo na naman siya. Bakit ganto? Isa lang ang alam ko kung bakit mayro'n ako nito noong nakipagkamay ako kay Ma'am Serides.

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon