Chapter 24
Third Person's P.O.V.
Nakangiti ang apat na magkakaibigan habang naglalakad sa campus ng eskwelahan na pinapasukan nila. Ang mga estudyante na nakatambay ay tumigil sa kani-kanilang ginagawa at napapatingin sa apat na babaeng magkakaibigan.
"They're perfect bestfriends." komento ng isang estudyante habang nakatingin sa kanila.
"Yes. Nakakainggit." segunda naman ng isang estudyante.
Abala sa pag-uusap ang apat kaya hindi nila naririnig ang kaliwa't kanang komento tungkol sa kanila. Sabay-sabay silang pumasok sa klase nila, magkaklase kasi sila kaya sobra ang ikinatuwa ng apat tungkol doon.
Yes, perpekto silang imahe bilang magkakaibigan. Kilala sila bilang Hot Girls ng kanila eskwelahan sa high school at walang tao na hindi na nakakakilala sa kanila dahil pati ang mga magulang nila ay kilala sa buong pilipinas maging sa buong mundo. Mga business man at women kasi ang mga magulang nila kaya sa radio, dyardyo, social media, at TV ay nakikita ang mga mukha ng kanilang magulang.
Ang Hot Girls ay sina Beatrice Dantes, ang panganay sa kanilang apat. Siya ang nanay-nanayan nila sa magkakaibigan at strikto rin dahil hindi niya pinapayagan na may manliligaw sa mga kaibigan niya, aral muna bago landi. 'Yon ang laging paalala ni Beatrice Dantes sa mga kaibigan niya.
Si Juliet Clark, ang makulit at kalog sa kanila. Siya kasi ang nagpapasaya sa circle of friends nila. Tamad ito minsan, hindi gumagawa ng projects o assignments kaya ang laging sumasalo ay si Beatrice Dantes na may kasama pang sermon dito. Mahilig din itong mangopya sa kanila.
Si Portia Timberlake, ang masungit at bookworm sa kanila. Sa unang pagkakilala mo sa kanya ay napakatahimik nito pero kapag nakilala o naging close mo siya ay doon mo malalaman kung sino talaga si Portia Timberlake. Mabait siya sa mabait pero ma-attitude din siya once na may umaway sa kaibigan niya. Over protective siya sa mga ito.
Ang huli ay si Jaime Grace Cortez, ang bunso sa kanilang apat. Siya ang baby at laging inaalagaan ng tatlo. Malambing ito at mabait pa. Laging nakangiti at siya ang nagbibigay liwanag sa pagkakaibigan nila.
Sila ang imahe ng mga nag-aaral sa eskwelahan na pinapasukan nila. Mga matatalino't maganda. Tamad lang si Juliet Clark pero matalino 'yon. Kilalang-kilala sila ng lahat at may iba na naiinggit sa kanila dahil sa pagkakaibigan na mayro'n sila.
Akala ng lahat ay ito ang perpektong kaibigan na nakita nila pero nasira lang 'yon ng biglang may nalaman sila.
One day, nalaman nila na madaming ka-flings si Jaime Grace Cortez. Nakapaskil sa bulletin board ang mga pictures niya kasama ang ibang lalaki, na ang iba ay kilala nila at mayro'n ding hindi.
Habang naglalakad si Jaime ay nararamdaman niya ang tingin ng mga estudyante sa kanya na parang nandidiri o may mali sa kanya kaya napangunot ang noo niya at nagtaka.
"Bakit gano'n ang tingin nila?"
Pilit niyang winawaksi ang kanyang nakita at nagpatuloy sa paglalakad pero napatigil siya saglit ng napansin niya ang mga estudyanteng nakukumpulan sa bulleting board.
"Teka ano 'yon? May announcement?" tanong niya sa kanyang sarili.
Naglakad siya papunta doon at nakisiksikan sa mga estudyante. Nang nakarating siya sa bulletin board ay halos manlata siya sa kanyang nakita.
"Jaime Grace Cortez is a flirt!"
Wala sa sariling kinuha niya ang picture at tiningnan niya ito ng mabuti. Napakagat siya ng labi ng nakita niya ang sarili kasama ng isang lalaki. Ito 'yong lalaki na anak ng business partner ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampiro[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...