Chapter 9

415 22 0
                                    

Chapter 9

Jaime Grace Cortez

Buong gabi ay hindi ko nakita ang limang kasama ko sa dorm. Wala sila. Abalang-abala sila ngayon kahit gabi na.

Ano kaya ginagawa ng mga 'yon?

Teka bakit na nakikialam ako sa kanila? Wala akong pakialam sa mga 'yon.

Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang tingin sa libro. Nawalan ako ng gana magbasa kanina kaya hindi ko alam kung ano pa ang nakasulat sa librong 'to.

Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat.

Ang kadiliman ay kailangan ng liwanag, ang liwanag ay kailangan ng kadiliman. Sa madaling salita ay kailangan nila ang isa't-isa.

What? Kadiliman? Liwanag? May pinapahiwatig ba ang nakasulat sa librong 'to?

Si Gracillo Klein ay hindi na siya ang dating Gracillo Klein na kilala ng lahat. Maraming nagbago sa kanya. Sa isang dahilan na hindi alam ng lahat.

Bakit parang pareho lang kami ni Gracillo Klein? Nagbago siya dahil mayro'n siyang dahilan. Pero magkaiba kami, sa kanya ay hindi alam kung ano ang dahilan pero sa akin alam ng mga nakapaligid sa akin maliban lang sa magulang ko.

Isa siyang napakamagaling na pinuno sa mundo ng mga bampira, sa pagiging pinakamagaling na pinuno ay lahat ng mga nakatira doon ay kinokontrol na niya.

Sinunod ko ang kabilang page.

Ang bampira ay hindi normal dahil may mga hindi pangkaraniwang kapangyarihan ito na hindi nakikita sa mga mortal. Sila ay immortal, namamatay sila pero kabilang pa rin sila sa mga immortal. Malakas sila kumpara sa mga mortal. Madami silang nagagagawa na hindi nagagawa ng mga mortal.

Kaya nilang tumakbo ng mabilis.

Makabuhat ng mga mabibigat na bagay.

Kulay pula ang kanilang mga mata kapag mayro'n silang naamoy na dugo.

Kaya nilang pumatay ng mortal pero isang malaking kasalanan sa kanila 'yon kaya hindi nila nagagawa noon pero ngayon...

Madaming nagbago.

Iniba ko uli ang pahina pero nangunot ang noo ko ng wala na akong makitang sulat. Gano'n din sa ibang pahina na kasunod nito. Bakit wala? Ano ba 'yan? Wala naman kwenta 'to. Sayang 'yong oras ko. Bitin 'yong librong 'to.

Sino ba nagsulat nito? Nakakainis.

Sa pinakadulo ay may nakita akong nakasulat.

List of Klein family.

'Yon lang. Kainis diba? List daw pero hindi ko naman nakita ang pangalan ng pamilya nila. Sayang 'yon.

Pero totoo kaya ang bampira? Nage-exist ba sila sa mundo namin?

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa akin noong nakaraan. Nawalan ako ng malay dahil may na-encounter akong...bampira.

Totoo sila? Pero baka isang prank lang 'yon at tinakot pa ko. Dapat ba akong maniwala sa mga bampira?

Aysh! Ang gulo ko naman.

Bahala na kung ano ang naiisip ko ay 'yon na 'yon. Kung totoo sila eh wala akong pake. Basta huwag lang nila ako takutin dahil papatulan ko sila kahit malakas pa sila.

Padarag kong sinara ang libro. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kama ko para humiga. Sa paghiga ko ay nakita ko ang araw na papalubog na. Malapit na gumabi.

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon