Chapter 21
Juliet Clark
Weekend ngayon at maaga ako nagising sa mga kasama ko sa dorm. Wala akong magawa ngayon kasi tapos na ang mga gawain namin bilang student councils.
Hay ang sarap ng buhay.
Ano ang gagawin ko ngayon?
Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nakikita ko na maalikabok ang dorm namin. Kailangan na itong linisin.
Hindi pa schedule ng paglilinis ng staff ng school, kung maghihintay pa kami sa kanila ay ubuhin na kami sa mga alikabok na nasa dorm.
Ako na lang maglilinis.
Pumunta ako sa stock room ng dorm at kinuha ang mga kakailangan ko na panglinis. Nilapag ko muna 'yon sa gilid at naghanda ng mga lulutuin para sa breakfast ng mga kasama ko.
Habang nagluluto ako ay kumakain ako sa cereal for my breakfast. Sa ilang minuto kong pagii-stay sa kitchen ay natapos ko na rin ang gawain ko. Uunahin ko ang mga kwarto bago ang sala at sa huli ay ang kitchen kasi kakain pa ang mga kasama ko.
Pero since tulog pa ang mga kaibigan ko ay uunahin kong lilinisin na kwarto ay kay Grace. Kailangan malinis 'yon kung sakali man bumalik siya sa dorm.
Pumasok ako sa kwarto at binuksan ang kanyang ilaw. Napailing na lang ako ng nakita ko ang buong kwarto niya. What a mess.
Kalat-kalat ang mga notebook at papel sa kanyang study table. Ang mga labahing damit ay hindi pa nakalagay ng maayos sa lalagyanan ng kanyang labahin. Nasa sahig lang ito, nakakalat.
Akala ko nagbago na siya. Tsk.
Tinungo ko ang kanyang study table at inayos ang mga ito. Ang mga pirasong papel ay tinapon ko sa kanyang trashcan. Ilalabas ko rin ito mamaya kapag natapos na ko rito kasama ang mga labahan ni Grace.
Nagsimula na akong linisin ang kanyang kwarto. Tinanggal ko ang mga alikabok at sapot sa dingding ng kanyang kwarto at pinalitan din ang bedsheet niya saka punda. Napangiti na lang ako ng makita kong maayos ito.
Nice. Ang ganda na tuloy ng kanyang kwarto.
Lumapit ako sa kanyang cabinet. Muli ay napailing ako. Ang kalat ng mga damit niya. Halatang tamad na tamad siya ayusin ito matapos mamili ng mga susuotin.
Ano bang klaseng babae 'to?
Habang nag-aayos ako ng kanyang damit ay may nahagip akong kakaiba sa ibaba ng kanyang cabinet. Nangunot ang noo ko at lumuhod para tingnan ito.
Nanlaki ang mga mata ko ng may nakita akong secret vault sa kanyang cabinet. Nakaawang lang ito kaya napansin ko agad. Binuksan ko 'yon at may nakita akong libro.
Anong libro 'to?
Mabilis ko itong kinuha at gano'n na lang ang reaksyon ko ng nakita ko ang title ng libro.
'The History of Coldwell Academy'
Shit! Baka ito na ang sasagot sa katanungan namin?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa labas. Gising na sila.
Tumayo ako at patakbong lumabas ng kwarto ni Grace. Paglabas ko ay hindi ko nakita kung sino ang nagising na pero base sa narinig ko kanina ay si Bea 'yon dahil ang katapat ng kwarto ni Grace ay walang iba kun'di si Bea.
Bumaba ako at dumiretso agad sa dining room. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakaupo habang nagsisimula na silang kumain.
"Guys, I have something to tell you!" sabi ko at 'yon ang naging dahilan para lingunin nila ang direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampiros[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...