Chapter 29

220 13 0
                                    

Chapter 29

Beatrice Dantes

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang gusto ko magising sa masamang panaginip.

Masamang panaginip nga ba?

Walang emosyon na nakatingin sa amin si Grace. Naninibago ako sa mga mata niya, kulay green. Kahit nakatikom ang kanyang bibig ay nahahalata ko pa rin ang dalawang matutulis niyang pangil. Isa na siyang bampira.

Pero paano nangyari 'yon? Sa pagkakaalam ko ay kailangan ng ritwal bago muling maibalik ang pagiging bampira. Isang napakahabang ritwal ang dapat gawin.

Hindi kaya?

Sumulyap ako sa kinaroroonan nila Professor Mariposa. Nakangisi sila habang nakatingin sa amin, tila natutuwa dahil nandito kaming mga vampire hunters na pinapalibutan nila.

"Masaya ako na nakita ko kayo..."

Sabay kaming napalingon sa likod ni Grace. May sumulpot doon na isang lalaking nakangiti at pumapalakpak pa. Taas noo itong naglakad at huminto ito ng makatabi na niya si Grace.

"The vampire hunters." mas lumapad ang ngiti niya. Nakasuot siya ng formal attire at may isa pa akong napansin sa kanya.

Kamukha niya si Sir Joseph, ang ama ni Grace. Ibig sabihin ito ang ama ni Sir Joseph? Parang ang bata niya pa. Ay saka ko pala napagtanto na mga immortal ang mga bampira kaya nabubuhay sila sa mundo habang buhay at mga bata pa ang mga mukha nila na parang mas matanda pa sila sa amin ng ilang taon lang pero ang totoo ay ilang dekada o isang daan pataas ang kanilang edad kesa sa amin.

"Gracillo Klein." narinig kong sambit ni Wallace.

"It's nice to meet you, vampire hunters. How's your investigation about the vampires while you're here in my school?"

Otomatikong napangunot ang noo ko sa tanong niya. Ano daw? Eskwelahan niya 'to?

"You don't know?" bigla siyang napahalakhak na akala mo'y may nakakatawa. "Kung hindi niyo alam ay sasabihin ko sa inyo. Ang Coldwell Academy ay eskwelahan ko at dating paaralan ng mga bampira pero napagdesisyunan ko na gawin na lang itong paaralan ng mga mortal." paliwanag niya.

"Bakit kailangan mo gawin 'yon?" tanong ni Portia.

"Dahil gusto ko at makilala ko ng husto ang mga mortal kahit na kayo ang kinasusuklaman ko dahil sa pagpatay ng katulad niyo ang asawa ko." kalmadong sagot niya. "At sa tagal kong naghintay ay nakilala ko na rin ang isa ko pang apo na anak ni Joseph."

Inakbayan niya si Grace na wala pa ring emosyon na nakatingin sa amin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya na tila may pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa.

"She's my granddaughter, the princess of vampires, Jaime Grace Klein Cortez."

Hindi kami makapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan ko habang nakatiningin kay Grace. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko. Wala kaming laban ng mga kaibigan ko sa mga 'to kasi malakas sila at wala kaming armas panglaban sa kanila.

'Beatrice.'

Naging isang linya ang kilay ko ng may narinig akong boses mula sa aking isip. Pasimpleng nilibot ko ang tingin sa paligid.

'Ako ito, ang ama ni Jaime. Ginamit ko ang telepathy para makipag-komunikasyon sayo at malaman mo ang planong mayro'n ako ngayon.'

Nagulat ako sa aking narinig. So may kakayahan ang bampira na makipag-komunikasyon sa ibang tao na gusto niyang makausap? Ang galing naman.

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon