Chapter 12
Jaime Grace Cortez
"P'wede ba kami mag-inspeksyon sa kama o gamit ni Arya?" tanong ni Portia nang makapasok kami sa dorm nila.
"Sige lang." pagpayag ni Savannah sa amin. "Kukuha lang ako ng pagkain para sa inyo." ngumiti siya sa amin at hinayaan namin siyang umalis para kumuha ng pagkain.
Wala sa sariling nilibot ko ang tingin sa buong dorm nila. Parang nasa hotel sila pero may sarili silang kusina at isa lang ang banyo nila. May pagkakapareho sa amin pero kakaunti nga lang dahil hindi ito kasinglaki ng dorm namin pero at least maganda pa rin ang design sa loob ng dorm.
Isa-isang umalis sa tabi ko ang mga councils at tiningnan ang mga gamit ni Arya.
Ako naman ay tinungo ang isang mesa na may mga picture. Nakita ko si Savannah na may kaakbay na babae habang nakangiti at nakatingin sa camera.
Siya si Arya. Maganda siya. Morena, magkasingtangkad sila ni Savannah na ang tantya ko ay 5'5 ang height nilang dalawa.
Masaya silang dalawa sa picture.
Napatigil ako sa pagtingin ng mga pictures ng may narinig akong nagsasalita sa kusina.
Dahan-dahan akong naglakad papasok doon at hindi gumawa ng ingay.
"Yes, Lord. Nagawa ko na ang pinapagawa ko sayo. Hindi naman nagkulang ang mga pinagawa niyo sa akin." narinig kong sinabi ni Savannah habang may kausap sa telepono at abala rin siya sa pag-aasikaso ng mga pagkain para sa amin.
Lord? Sino kausap niya?
"Kailangan lang natin ng kaunting paghihintay bago tayo kumilos dahil sila ang magbibigay ng go signal sa atin."
Sila?
"Hindi siya mawawala sa atin dahil wala na siyang kawala pa nang makapasol siya sa eskwelahan."
Siya? Shit. Mas mabuting hindi ko na lang pinapakinggan ang sinasabi niya dahil napakapersonal na bagay ito at nagmumukha akong chismosa sa ginagawa ko.
Lalabas na sana ako ng kusina pero hindi pa ako nakakalabas ng bigla kong naramdaman ang isang presensya sa likod ko.
"Why are you here?"
Pinihit ko ang aking sarili paharap sa kanya at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha sa akin ni Savannah.
"U-uhm, hi?" nakangiwing bati ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng mariin na parang sinusuri ang bawat galaw ko at mayamaya lang ay bigla siyang ngumisi sa akin.
"Jaime Grace Cortez." nakangising tawag niya sa buong pangalan ko. Shit. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko?
Required ba talaga na tawagin ako sa buo kong pangalan? Ang sakit sa tainga eh.
"Oh?" tugon ko sa kanya at pilit na umiiwas ng tingin dahil nakakailang kung makipag-staring contest ako sa kanya.
"How's your stay here?" tanong niya at mas lalong nilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napaurong ako pero sa kasamaang palad ay may pader sa likod ko at hindi ko na magawang kumilos. "Chill, Jaime." natatawang sabi niya sa akin.
"P'wedeng lumayo ka sa akin?"
"Why would I? Hmm?" mas lalo niya akong kinorner gamit ng mga kamay niya at ipinatong sa magkabilang gilid ko. "I like this position."
Napalunok ako ng mas lalo niyang nilapit ang mukha sa tainga ko. Nararamdaman ko ang mainit na hininga nito na tumatama sa tainga ko. Shit.
"Savannah..." mariing tawag ko sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampiros[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...