Chapter 13
Beatrice Dantes
Isang malakas na buntong-hininga ang nilabas ko ng nakita ko ang paglabas ni Grace sa dorm ni Savannah.
"Naiinis siya." narinig kong sinabi ni Portia. Alam ko 'yon at ramdam ko. Sa tingin pa lang na ibinagay ni Grace sa amin ay alam ko na naiinis siya sa amin lalo na sa sinabi namin sa kanya.
"Gumawa na naman tayo ng dahilan na ikinainis niya." pailing-iling na sabi ni Juliet. "Imbes na mabawasan ay mas lalong dumagdag." dagdag pa niya.
"Wala ba tayong balak sabihin sa kanya ang totoo?" walang emosyong tanong ni Wallace na ikinatingin ko sa kanya. "Madami na tayong kasalanan sa kanya, hindi ba kayo nakokonsensya sa ginagawa natin kay Cortez?"
"Wala tayong balak sabihin sa kanya ang totoo." sumeryoso ako. Hindi ko kayang makita ang pagkamuhi ni Grace sa amin.
"Kung mas pinatatagal niyo pa ito, mas lalong magagalit siya. Sigurado akong hindi niya tayo papatawarin." singit ni Claude.
"Mas okay na 'yon dahil may dahilan tayo para umiwas siya sa atin." sabi naman ni Portia.
"Are you fvcking serious, guys? That's your friend. You're making her stupid again." ramdam ko na nagpipigil si Wallace sa kung anong sasabihin niya sa amin. "Hindi maganda na gan'yan kayo sa kanya dahil mas gugustuhin ko na magkaayos kayo."
"Matagal ng may lamat ang pagkakaibigan na mayro'n kami, Wallace." pailing-iling na saad ko. "At hindi na 'yon maibabalik pa dahil nilamon siya ng galit at kung ano pa man ang gagawin natin ay intindihin na lang natin na may galit siya sa atin."
"Kahit saang anggulo ay may karapatan din malaman ni Grace ang totoo." bago pa man may mabuong tensyon sa amin ay agad na lumabas si Wallace na sinundan ni Claude.
Huminga ako ng malalim. Tama sila. Kailangan namin sabihin kay Grace ang totoo pero hindi p'wede.
Anong gagawin ko? Mas lalong magagalit si Grace kung hindi namin sasabihin pero magagalit din siya kapag nalaman niya ang totoo.
"Ano ang plano mo?" tanong ni Juliet sa akin.
Ngumiti ako ng pilit. "Gawain pa rin natin dati." sagot ko at naunang lumabas ng dorm ni Savannah.
Wala naman kami magagawa sa pagkawala ng kaibigan niya dahil maraming kaming pinoproblema. Ayaw ko na dumagdag pa 'to sa problemang mayro'n kami.
Paglabas namin ng building ay napatigil ako ng nakita ko sa hindi kalayuan sina Savannah at Grace na nag-uusap.
Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ko ng nakita ko sila. They're like true friends... na dapat ay kami ang kasama ni Grace d'yan at masayang nag-uusap.
'Yong kwentuhan kami hanggang matapos ang araw.
Sinasabi ang mga sama ng loob sa isa't-isa.
Sabay pumasok, umuwi, at kumain.
At walang sikreto sa isa't-isa pero nagbago ang lahat noong highschool kami.
The three of us betrayed her. That's the reason why she mad at us and makes me sad.
Kami lang ang kaibigan na pinagkatiwalaan niya noon. Buong-buo 'yon pero nawalan ng parang bula ng sinaktan namin siya.
She's changed. A lot. Sa sobrang daming nagbago sa kanya ay hindi na namin siya kilala.
Hindi na siya ang dating Jaime Grace Cortez na nakilala ko. Ibang-iba siya sa dati na sobrang sweet sa amin at may care.
Ngayon ay wala na siya pakialam sa amin.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampir[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...